"Wooh congrats sa'tin guys! Let's party party!" sigaw naming tatlo habang magkakaakbay na nakapabilog. Patalon-patalon pa kami sa sobrang saya dahil kami ang nag-champion sa buong tournament. Hapon na rin nang matapos ang buong game at 'di rin namin namalayan ang oras dahil nag-enjoy kami nang sobra sa paglalaro.
"Pa'no ba 'yan, paghati-hatian na nating tatlo itong prize money. Dos, sa'yo na 'tong envelope tapos Julianne sa'yo na si Dos at akin na 'tong cheque. Maraming salamat sa pagsisikap niyo ha? Job well done at napakagaling niyo talaga, grabe I'm speechless na. Oh mauuna na ako ha?" nakangising saad niya at akmang aalis na nang bigla siyang hinablot sa damit ni Jules.
"Gago ka talagang Camille ka! Mukha ka talagang pera kahit kailan! Akin na nga 'yan at baka mapunta pa 'yan sa masamang hangarin at mapunit mo pa!" sigaw sa kanya ni Jules at kinuha ang cheque ngunit mabilis itong inilayo ni Cami.
Naiiling at natatawa na lang ako habang pinapanood sila sa kaengotan nilang dalawa. Halos magpalitan na sila ng mukha para sa cheque. "Hoy, ang sweet niyong dalawa diyan! May habulan pa kayong nalalaman ha! Yie Jules at Ca-"
Biglang may kumalabit sa'kin kaya napalingon ako sa aking gilid. Isang matangkad na lalaki na 'di kaputian na nakaitim na slacks at naka-Hawaiian shirt. May suot din itong shades.
"Bakit po?" nagtatakang tanong ko sa lalaki.
Ngumiti muna ito sa'kin kaya lumitaw ang magkabilaang dimples nito.
"Pwede bang magpa-picture sa'yo? Matagal na kasi kitang napapanood sa mga tennis games at ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ma-meet at malapitan ka. Napakagaling mo maglaro at no. 1 fan mo ako," sabi niya sa baritonong boses.
Bigla naman akong nahiya at napangiti dahil first time na may nagsabi sa akin ng ganito. Feeling ko tuloy isa na akong tennis superstar. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nanonood sa'yong naglalaro tapos masasabihan ka pa ng magaling. Nakakataba ng puso.
"M-maraming salamat po. Ah eh s-sige po," nahihiya kong tugon. Masaya naman itong lumapit sa'kin hawak ang kanyang phone.
"Selfie muna tayo ha? One, two, three, smile!" at sabay kaming ngumiti. Nakailang shots din kami. 'Di naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil nakakahawa 'yong mga ngiti niya at ang gaan sa pakiramdam. 'Di ko alam kung ba't gano'n. Siguro may mga vibe lang na gano'n ang ibang tao.
"Pwedeng magpa-picture pa? Last na 'to promise," nakangiti pa rin nitong sabi kaya tumango na lang ako bilang tugon. May tinawag muna ito at lumapit na ang isang lalaki na nakaputing t-shirt at naka-slacks din.
Lumapit na siya sa'kin at sinenyasan ang kasama niya. Dumikit pa siya sa'kin nang kaunti at hinawakan ako sa balikat. Nagbilang muna ang kanyang kasama saka kami kinuhanan ng picture.
"Maraming salamat dito ha? Sobrang saya ko dahil pinagbigyan mo ako rito." Hindi talaga mawawala sa mukha nito ang ngiti.
"W-walang anuman-"
"Dos! Sa'n ka galing ha?! 'Wag ka ngang umaalis sa paningin ko saka 'wag kang lumalayo! May kasama ka ba?" sigaw ni Jules habang tumatakbong kasunod nito si Cami. Hingal na hingal silang parehas.
"M-meron-" Paglingon ko ay wala na 'yong lalaki kanina pati 'yong kasama niya.
"Tara na kamong tatlo, magbihis na tayo at pumunta ng bangko para diyan sa cheque at nang makakain at makagala na tayo!" yaya ni Cami at sabay-sabay na kaming umalis.
***
"Tig-16k mahigit tayong tatlo. Walang labis, walang kulang at walang tapon. Oh may pambabae ka na at pambili ng phone, Dos. Ilang babae at phone din 'yan. Saka dapat akin na lang 'yong butal eh dahil ako ang nagpakahirap mag-compute, ang dadamot niyo talaga! Hoy Julianne, libre mo na kami ni Dos, gutom na kami, mommy!" pang-aasar sa'min ni Cami matapos niyang ibigay ang pera. Kalalabas namin ng bangko.
"Ano sa tingin mo Dos? Ilibre ko ba si Camille? Sa'n mo ba gustong kumain?"
"Sa Downtown Pizzeria na lang tayo para celebration na rin. Mag-ambagan na lang tayo para fair." Nginitian ako ni Jules habang nag-middle finger siya kay Cami saka bumelat.
Pagpasok namin ng Downtown Pizzeria ay iilan lang ang tao kaya mabilis akong nakahanap ng pwesto namin. Silang dalawa na ang nag-order habang ako na ang nagdala ng mga gamit namin.
Saglit lang ay natapos na silang mag-order. Tumabi na sa'kin si Jules habang katapat namin si Cami.
"Inorder ko 'yong mga paborito mo tapos nagdagdag pa ako ng iba para ma-try mo, Dos at baka magustuhan mo rin," sabi naman sa'kin ni Jules saka ngumiti.
"Hay nako, mga feeling ampocha. Mabulunan sana ka-ay ipagpatuloy niyo lang pala 'yan hehe," nakangising sabi naman ni Cami.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang aming pagkain. Iniabot na sa'kin ni Jules ang para sa'kin at ipinagsalin na rin niya ako ng iced tea sa baso.
"Jules, maraming salamat ha pero ako ng bahala. Kumain ka na."
"No, Dos. Okay lang naman sa'kin na pagsilbihan ka at kung may gusto ka pa, magsabi ka lang sa'kin ha?"
Napansin ko namang nagpipigil ng tawa si Cami sa'ming dalawa. "Hala, sorry, sorry. Ipagpatuloy niyo lang, 'wag niyo na lang akong pansinin." Tiningnan lang siya ni Jules.
"The best pa rin talaga 'tong spicy chicken, carbonara at supreme mushroom pizza nila!" sarap na sarap na sambit ko habang kumakain. Gutom na gutom talaga ako. Mas masarap pa 'to sa langit hay.
"Dos, try mo 'tong Spicy Sriracha chicken wings at buffalo chicken pizza, the best siya-"
"Dos, just try this sweet chicken poppers and their baked dogs, mas masarap siya," at isinubo sa'kin ni Cami 'yong poppers at sumunod 'yong footlong. "What do you think, Dos?" nakangiting sabi niya sabay kindat sa'kin.
"Hmm," I hummed as I savor the foods she gave me. Ninanamnam ko ang lasa no'ng pagkain at halos mabulunan na ako dahil puno ang aking bibig.
Nang malunok ko na ang aking nginunguya ay nanguha pa ulit ako ng poppers at kumagat sa footlong ni Cami.
"Grabe Cami, it feels heaven no'ng poppers at footlong. Ngayon ko lang nalaman na ganyan pala ang mga type mong pagkain. In fairness may taste ka rin pala akala ko timang ka lang," pang-aasar ko sa kanya.
Inirapan lang naman niya ako. "Ikaw lang naman kasi 'tong walang taste at paulit-ulit lang ang inoorder. 'Di ka ba nagsasawa or nauuta? Baka sadyang 'yan lang alam ng ano mo," sabay turo sa ulo niya.
Nag-make face na lang ako dahil inaasar na naman niya ako. Bumaling naman ako sa katabi ko na tahimik lang na kumakain at nanonood sa'min.
"Jules, para sa'kin ba 'yan?" tukoy ko sa isang plato ng spicy chicken wings at ilang chicken pizza na thin crust na nakatapat sa'kin.
Bigla naman siyang natauhan at alanganin na ngumiti. "Ah oo para sa'yo 'yan Dos. Kumain ka pa, try mo rin itong new lasagna de primo nila." Ipinaghihiwa na ako ni Jules ng lasagna at ngayon pa lang ako makakatikim nito. "Sigurado akong magugustuhan mo 'to Dos," at isusubo na sa'kin ni Jules ang lasagna nang biglang nagsalita si Cami.
"Dos, would you like to try my creamy spaghetti? It's not just an ordinary spaghetti and promise, makakalimutan mong may utak ka kapag natikman mo 'to." nakakalokong alok ni Cami.
"Camille! 'Di kumakain ng spaghetti si Dos at bawal siya sa ma-cheese," pigil sa kanya ni Jules.
'Di pinakinggan ni Cami si Jules at sinubuan na ako ng spaghetti. Grabe naman 'tong si Cami dinaig ko na ata ang baboy kung pasakan ako ng pagkain.
Kasusubo lang niya sa'kin ay iniluwa ko na agad dahil feeling ko ay masusuka ako. Hindi ko talaga trip ang spaghetti.
"Tingnan mo Camille! Masyado ka kasing papansin kaya ayan tingnan mong nangyari. Kung 'di ba naman matigas 'yang bungo mo...isa pa talaga Villacorte, mahihimlay ka ng 'di oras," nanggigigil at seryosong sabi ni Jules.
Poker-faced lang siyang tiningnan ni Cami habang kumakain ito ng spaghetti.
"Dos, uminom ka muna nitong iced tea," baling muli ni Jules sa'kin.
"Oh my god, itong raspberry juice na lang ang inumin mo. Iced tea is too common and para maiba naman," maarteng saad ni Cami.
Kinuha ko na agad ang juice niya habang siya na ang uminom no'ng juice ko. Kakain na sana ulit ako nang pigilan ako ni Cami.
"Wait lang my labs, may sauce ka pa sa gilid ng labi mo." Nanguha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Ayan my labs, wala na. Kain ka na ulit," nakangiting sabi ni Cami sabay kindat at hawak sa kamay kong nakapatong sa table.
Ano bang nangyayari kay Cami ngayon? Ang weird weird niya ngayon dahil parang kanina lang parang bobo na bobo siya sa'kin tapos ngayon may papunas-punas pa siyang nalalaman. Sigurado akong sinasaltik na naman siya kaya pati regla ayaw siyang dalawin.
Nakangiti rin siyang tumingin kay Jules na ngayon ay madilim na ang mukha at nakatiim-bagang na.
"Ba't ang tahimik mo Julianne Red, hmm? May problema ba o 'di masarap 'yong foods? Gusto mo na bang umuwi?" may himig ng pang-aasar na lahad ni Cami habang umiinom ng iced tea. Mas sumama naman ang timpla ng mukha ng katabi ko.
Dahil 'di na umimik si Jules ay inilapit ni Cami ang kanyang mukha sa'kin at bumulong saglit saka umupo ulit.
"My labs, picture tayong dalawa ha? Tapos kapag solo na kita saka tayo mag-nude shot together. Dito sana kaso ano ahm shy type ako eh." Hinaplos pa niya ako sa pisngi at kinuha na ang kanyang phone.
Para talagang sinasapian si Cami ngayon. Lumuwag siguro 'yong turnilyo niya habang kumakain siya.
Umayos na ako ng upo para magready sa kaartehan ni Cami. Ikinawit ko na rin ang aking braso sa braso ni Jules para maging close kami pero 'di man lang siya umusod sa tabi ko. Saktong pagpindot ni Cami sa kanyang phone ay ngumiti na ako. Nakailang shots muna kami bago natapos.
"My labs, parang may mali sa pictures natin. Ba't tatlo tayo? I-crop ko lang ha?" 'Di na ako sumagot at hinayaan na lang siya.
"Jules, ba't kanina ka pa tahimik? Okay ka lang ba? Jules? Oy," pukaw ko sa katabi ko dahil 'di niya ako pinapansin at abala lang sa kanyang pagkain.
"Oy Jules kasi, oy," pangungulit ko habang nakapulupot pa rin ang braso ko sa kanya ngunit pasimple naman siyang lumalayo. "Pst Julianne-"
"Cr lang ako," paalam niya at humiwalay na sa'kin.
Napatingin naman ako kay Cami na naiiling na natatawa. "Pesteng Julianne Red 'yan, wala talagang pinagbago kahit kailan. Pati ako pagseselosan eh nang-aasar lang naman ako. Wait lang ha Dos, magsi-cr din ako. Just sit down and behave!" Binigyan muna niya ako ng I'm- watching-you-look at umalis na.
Ano ako aso? Grabe na talaga silang dalawa sa'kin ah.
Kumain na lang akong mag-isa. Lumipas pa ang ilang minuto ay wala pa silang dalawa.
Nasaan na kaya 'yong dalawang babaero? Baka iniwan na ako ah o kaya'y nalunod na sa cr. Bahala sila, ang sasarap pa man din nitong mga pagkain.
Nagmumuni-muni ako nang biglang may kumabig sa'king mukha at siniil ako ng halik. Naging madiin ang kanyang paghalik habang abala na ang kanyang kamay sa aking hita nang hindi ako tumugon.
"Babe, I missed you so much," mapang-akit niyang sambit matapos niya akong halikan.
"The f**k! Sino ka ba? Ba't mo ako hina-"
Hinila na niya ako paalis ngunit nagpupumiglas ako dahil sino ba siya. "Bitiwan mo ako, ano ba!" sigaw ko pero lalo lang niyang hinila ang t-shirt ko.
"No, babe! Sasama ka sa'kin! Ang tagal kitang hinanap and now that I have you, I won't let you get away from me!"
Kinaladkad na niya ako palabas at kulang na lang ay mahubaran na ako dahil parang konting-konti na lang ay mapupunit na ang damit ko sa kahihila niya.
Nandito na kami sa tapat ng cr ng mall. Sinigurado niya munang wala ng tao at marahas niya akong ipinasok sa loob saka mabilis niyang inilock ang pinto.
Bago pa ako makapagsalita ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad na naman papasok sa isang cubicle at nilock ito.
Patulak na pinaupo niya ako sa toilet seat saka siya kumandong sabay kawit ng kanyang braso sa aking batok at sinunggaban ako ng halik. Pilit ko naman siyang itinutulak dahil ayokong tumugon ngunit naging mapusok ang kanyang mga halik. She bit my lower lip kaya tuluyan na siyang nakapasok. She sucked my tongue hungrily and a moan escaped from my mouth.
Her hand started to roam inside my shirt while our lips were busy exploring each other. I held her hand midway through before she could even touch something that wasn't needed to be touched.
I let her kiss me more and then I broke our kiss. We're now gasping for air, staring at each other.
"Who the f**k are you, b***h?" tanong ko sa kanya. Mukhang wala ng paglagyan ang make-up dahil sa itsura niya. Sobrang pula ng labi at ang kapal pa ng kung anong kolorete niya sa mukha.
"Don't you remember me, baby? It's me, Fiona. Fiona Park, youngest daughter of the CEO of Park Corporation," pilyang sagot niya habang may pahaplos-haplos pa sa braso ko.
"Fiona Park? Ah, okay." 'Di ko talaga siya matandaan.
I need to get out of this s**t. Wala ako sa mood makipaglampungan ngayon. Baka hinahanap na ako nina Cami!
She pulled me closer and we kissed again. I caressed her bosom and I could feel her n*****s hardened with my simple touch. She moaned between our kisses and she started to grind slowly.
I stood up and carry her without breaking our kiss. I leaned her against the door as our kissing began to intensify. Ramdam ko ang higpit ng pagyakap niya sa'kin at hinayaan ko lang siyang magpakasawa sa'king labi.
"Babe, I want you now but not here and not in this position," bulong ko at bahagya siyang kinagat sa tenga.
Pagbukas ko ng pinto ay mabilis ko siyang iniupo sa sink at pinuntirya ang kanyang leeg.
"Babe, don't stop, please," ungol niya at mas idiin ang mukha ko sa leeg niya.
"Strip for me, babe. I want to taste you like I always do." pilyang sambit ko and I started to unhook her bra then I found myself grinning on the mirror. I can't wait anymore.
Sinunod naman agad niya ako at itinapon kung saan ang kanyang blouse at bra. I waste no time and cupped her tit, sucking it like a baby while I'm rubbing her other n****e. She moaned loudly as if she was drowned in ecstasy.
"Take off your skirt, babe."
Wala sa sariling sumunod siya at ngayon ay nakalantad sa'kin ang kahubdan niya. All I could see is her eyes that is full of lust, waiting for me to remedy the desire she have for me.
I kissed her once more then I reached what's underneath her panty. She's already wet. I rubbed her c**t with my middle finger and she bit my lip because of pleasure.
Hinubad ko na rin ang aking tshirt kaya sports bra na lang ang natirang pang-itaas ko. Sumilay ang pilyang ngiti niya saka napakagat-labi.
"Close your eyes, babe. Don't open it unless I told you so," utos ko sa kanya at parang kiti-kiti itong sumunod. Lumuhod na ako at katapat na ang naglalawa niyang p***y. Sinimulan kong haplusin ang kanyang hita pataas sa kanyang singit.
"Babe, c'mon, please. I want you inside me now," she begged but I only smirked.
"I saw that you open your eyes. Open it again or else I won't..." Alam ko namang 'di siya dumilat but I just want to make sure.
I could see that she's waiting and anticipating for me to claim her wet core but... "I'll be gentle, baby...just keep your eyes shut and we'll see how long you'll last."
I kissed her once more and readied myself for something magical.
Nang masiguro kong nakapikit pa rin siya ay dahan-dahan akong lumayo hanggang sa makalapit ako sa pinto at mabilis itong binuksan saka ubod nang bilis na lumabas at tumakbo.
Shit! Bahala na kung pagtinginan ako ng mga tao. Ang mahalaga ay makatakas ako sa babaeng 'yon.
Halos magkandabuggo-bunggo na ako sa mga tao rito dahil sa pagmamadali pero wala akong pakialam dahil 'di naman nila ako kilala.
Patakbo kong inakyat ang escalator at 'di ko alam kung sa'n ako patungo basta ang nasa isip ko lang ay makalayo. Lintek! 'Di ko ma-imagine na pumatol ako sa isang clown!
Hindi ko alam kung nasaan na ako at kung anong floor na ako. Hinihingal akong huminto sa isang gilid at isinuot ko na ulit ang aking tshirt. Napa-marathon ako ng wala sa oras ah.
Naisipan kong maglibot-libot muna upang magtingin ng phone. Kung may matipuhan ako ay baka bibili na ako kaya kinapa ko ang bulsa ng aking jogging pants. Nakahinga naman ako nang maluwag ng makapa ko pa rin ang aking wallet.
Inililibot ko na ang aking paningin hanggang sa mapadaan ako sa mga ilang stores na nagtitinda ng phones.
Apple? 16k? Charger o relo lang ata mabibili ko rito eh o baka itampal pa sa'kin 'tong pera saka baka 'di rin kayanin ng phone storage, marami akong scandal eh. Lol.
Samsung? Para naman akong may hawak na bintana sa lapad kaya ayoko rin.
Oppo? Nah, masyadong magalang.
Wala akong mapili na magandang phone kahit na sandamakmak 'yong mga brands dito. May gusto kasi akong phone, 'yong Sony Xperia ni Mama kaso wala na atang gano'n dito sa Pilipinas.
'Di ko pa rin talaga makakalimutan 'yong katangahan na ginawa ko sa phone na 'yon ni Mama dahil medyo lasing ako no'n sa living room ng mansion eh sakto nakalapag sa mesa. Akala ko salamin kaya magsasalamin sana ako kaso biglang may tumawag kaya ibinato ko sa pader. 'Di ko naman alam na nando'n din si Mama, narinig niya ata tapos naramdaman ko na lang na ibinalibag niya ako sa sofa. At ang pinakamalala ay 'yong lasing talaga ako sa indoor pool ng mansion kaya kung anong mahawakan ko ay ibabato ko, may nadampot ako kaya ibinato ko sa pool, phone pala niya 'yon tapos biglang dumating si Mama. 'Di ko na alam ang nangyari dahil kinabukasan nasa tabi na ako ng dagat.
Kaya simula no'n, 'di na pinapahawak at nagpapahawak sa'kin ng kanyang gadgets si Mama at kahit na manghiram lang din ako sa kanya ay ayaw niya. Matik na papaluin niya ako ng kanyang stick kung sakali at ikakatwiran niya sa'kin na bibilhan na lang niya ako. Dahil doon, napatunayan kong adik at madamot talaga si Mama.
Bahala na siguro pero try ko pa ring magtanong kay Mama baka makalusot, bigyan niya ulit ako ng phone tapos itatago ko na lang 'tong pera for my very own purposes.
"Waah! Pucha, lumayo ka!" bulalas ko nang biglang may humawak sa'king braso. Pa'no pa ako nahanap ng babaeng clown na 'yon eh ang layo na ng tinakbo ko.
Patakbo na ako nang bigla ako nitong pinaharap kaya napapikit ako.
"Dos! Oh god, pinag-aalala mo ako nang sobra! Don't you ever do that again Dos. Mawala ka lang saglit ay parang mababaliw na ako, pa'no pa kaya itong nangyari sa'yo ngayon. Dos..." wika nito at niyakap ako nang napakahigpit.
Jules?
"Dos, sa'n ka ba nagsususuot?! Sabi ko sa'yo umupo at mag-behave ka lang tapos ngayon...my god! Mukha kang asong ulol!
Napakagulo ng buhok, gusot na damit at...pucha Dos! Ba't may tinta ng labi 'yang nguso mo?! Halika't aayusan kita, mukhang may pinagsamantalahan ka na naman!" hinila na ako ni Cami kay Jules at kinaladkad ako.
Matapos akong ayusan at palitan ng damit ni Cami dito sa cr ay sinampal-sampal muna niya ako at pinangaralan matapos kong ikwento 'yong nangyari kanina. Alam ko namang natatawa siya, pinipigilan lang niya. Tahimik lang na nanonood sa'min si Jules habang nakasandal at nakahalukipkip.
"Pagabi na kaya't tara na. Magsisimba pa tayo," kapagkuwa'y sambit ni Jules kaya natapos din ang pagpi-preach sa'kin ni Sister Camille at sabay-sabay na kaming umalis patungong simbahan.
***
"Mauna na kayong pumasok sa loob, may pupuntahan lang ako saglit. Dos ha, isang oras lang 'to, magbawas-bawas ka muna ng kasalanan," daig pa ni Cami si Mama kung makapagbilin sa'kin. Alam ko namang nasa simbahan kami eh. Nginitian naman niya si Red saka tinapik sa balikat at umalis na.
"Dos, tara na sa loob?" yaya sa'kin ni Jules at magkahawak-kamay kaming pumasok ng simbahan.
Umupo kami sa ikaapat na row mula sa harap sa kanang bahagi, ito ang paborito naming pwesto. Nakaugalian na naming magsimbang tatlo sa t'wing lumalaban kami sa tennis, matalo man o manalo. 'Yon kasi ang turo sa'min ni Jules. In fact, si Jules talaga ang nag-impluwensya sa'king magsimba no'ng maliliit pa kami at lagi-lagi niyang kasama si Cami. Kahit na ganito kaming tatlo, ito lang 'yong time na matatawag talaga naming bonding na matino.
Sabay na kaming lumuhod ni Jules at taimtim na nanalangin. Makalipas ng ilang saglit ay nag-sign of the cross na ako at umupo na habang si Jules ay nagdadasal pa rin.
Habang naghihintay ay tahimik kong iginala ang aking paningin sa mga santong nasa altar pati ang mga wall fan at ceiling fan at may mga mangilan-ngilan ding tao.
Napukaw lang ang aking atensyon nang may humawak sa kamay ko, ang nakangiting si Jules. "Feeling better? Dito muna tayo, mahaba pa naman ang oras natin."
Nanahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa kawalan. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya dahil inaantok na ako. Ang daming nangyari ngayong araw, nakakapagod.
"Jules?"
"Hmm?"
"Thank you sa lahat. As in sa lahat lahat lalo na rito," tukoy ko sa simbahan.
May sinabi siyang di ko maintindihan at niyakap niya ako nang mahigpit saka ako dinampian ng halik sa ulo kaya tuluyan na akong napapikit.
How I wish na sana ganito kapayapa at tahimik ng buhay ko at may isang tao na makakasama ko ng ganito.