Chapter 11

2861 Words
Dos "Jules, okay na kahit dito mo na lang ako ibaba. Maglalakad na lang ako papasok. Baka makita ka pa ni Mama sa mansion," pigil ko kay Jules. Pauwi na kami ngayon galing simbahan. "No. Hindi kita palalakarin pauwi at lalong-lalong hindi kita hahayaang maglakad mag-isa sa dilim," kontra agad niya na ikinairita ko dahil ito na naman kaming dalawa. "Jules kasi, matanda na ako. Kaya ko na sarili ko saka 'wag mo na akong pagsabihan. Para kang si Mama eh." "Wala akong naririnig. Blah blah blah," at patuloy lang siya sa pagdadrive. Di talaga nakakaintindi 'tong si Jules kahit kelan. Nakakabwisit. "Jules, dali na kasi. Kung ganito lang din naman, di na ako sasabay sa'yo!" Doon lang niya inihinto ang sasakyan at pinatay ang makina. Ngayon ay seryoso na ang kanyang mukhang nakaharap sa'kin. "Baba," maawtoridad niyang sabi kaya mabilis din akong sumunod dala ang aking gamit. Iniwan ko na siya at naglakad na ako palayo. Gagawin din naman pala niya, nakipagtalo pa sa'kin. Siraulo talaga. Tama nga si Jules. Gabi na tapos malamig kaya medyo nakakatindig-balahibo. Sa dami ng poste ng ilaw dito, isa lang ang nakabukas. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong kaluskos kaya binilisan ko ang paglalakad ngunit parang may sumusunod sa'kin kaya mabilis akong lumingon. "What? Ba't tumigil ka sa paglalakad? Lakad na," poker-faced niyang sabi habang nakapamulsa sa kanyang jogging pants. "Jules?! Ba't mo ako sinusundan? Umuwi ka na kasi. Pasalamat ka di ako takot sa dilim kung di baka kumaripas na ako ng takbo!" "Tara na uwi na tayo. Ihahatid na kita hanggang sa inyo. Anong oras na rin. Baka chop chop ka na kung hahayaan kitang mag-isa. 'Wag ka ng makulit, Dos. Sumunod ka na lang sa'kin." "Julianne— Di ko na natapos ang aking sasabihin nang hawakan niya ako sa kamay at matamang tumingin sa'kin. "Tara na?" at nagsimula na kaming maglakad ni Jules na magkahawak-kamay. Ang lambot ng kamay niya, halatang walang ginagawa. "Jules, bitiwan mo nga 'yong kamay ko. Ano bang tingin niyo sa'kin ha? Bata? Hatid-sundo, papagalitan tapos sisigawan o kaya sasaktan. Wala naman akong ginagawa eh, matanda na ako!" reklamo ko dahil totoo naman. "Bata ka pa naman talaga eh. Di mo lang alam kasi puro babae lang ang alam mo. Nandito naman ako. Saka ayaw kitang bitiwan, dito ka kaya kumakalma at sumusunod," at lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tama si Jules. Kumakalma at madali niya akong napapasunod kapag hinahawakan niya ako sa kamay. Matagal na niyang ginagawa sa'kin 'yon simula no'ng maliliit pa lang kami habang si Cami ay nakasunod lang sa'min. Di na ako sumagot dahil di naman ako mananalo sa kanya. "Dos, what if di ako taga-rito?" out of nowhere niyang tanong sa paglalakad namin. Di ko alam kung ilang bahay o tae na 'yong nalampasan namin. "Di ka naman talaga taga-rito di ba? Doon ka pa sa kabilang subdivision." Narinig ko na lang ang pagbuntonghininga niya. "Seryoso kasi. Gusto mo ba si Shizuka?" Doon lang ako biglang napahinto. Biglang nagflash 'yong mukha niya sa isip ko. Cold. Emotionless. Yet...attractive. "Ba't mo naman natanong? Sa totoo lang, may utang pa ako sa kanya na kailangan kong bayaran," balewalang sagot ko sa kanya. "I don't care pero may feelings ka ba sa kanya? Alam ko siya ang... mapapangasawa mo...kaya...natanong ko," may himig ng kalungkutang saad niya. "Ha? Mapapangasawa? Eh ngayon ko nga lang siya nakita dahil kay Mama. Saka ano ba 'yang pinagsasabi mo? Napakaimposible dahil unang-una sa lahat bestfriend siya ni Mama tapos mas matanda siya sa'kin at higit sa lahat di ko siya kilala," proud na paliwanag ko. Nginitian ko na siya habang pilit na ngiti ang isinukli niya sa'kin. Napapano kaya 'tong si Jules? Bilis mag-iba ng mood ah. Nagsimula na ulit kaming maglakad na tahimik lang. "Ba't kilala mo si Shizuka?" bigla kong tanong sa kanya. "Syempre taga-Ja-nandito na tayo. Goodnight, Dos." "Goodnight, Jules. Ingat ka," paalam ko at bubuksan ko na sana 'yong maliit na gate namin nang bigla ulit akong tinawag ni Jules. "Dos." Bago pa ako makaharap sa kanya ay niyakap na niya ako nang mahigpit. "Jules? Okay ka lang ba?" Nanatili lang kasi siyang nakayakap sa'kin na halos ayaw niya akong pakawalan. "I love-" Di ko na narinig 'yong sinabi niya dahil biglang bumukas 'yong gate. Iniluwa no'n ang bestfriend ni Mama. Blangko lang ang mukha nito. Bigla akong kinabahan kaya mabilis akong humiwalay kay Jules. "J-Jules...m-mauna na ako." Kinakabahan at mabilis akong pumasok. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil natatakot ako. "Let's go," malamig niyang sabi na ikinatanga ko naman. Di ba siya galit? Naghihintay kasi akong masapak. Himala 'to ah! "Ah eh...di ka galit? D-dahil late na akong umuwi?" "Let's get going. Riko is waiting for us inside," at nauna na siyang maglakad. Sumunod na ako at 'di na kumibo pa. Baka ma-trigger pa 'to edi yari na naman ako. Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla siyang magsalita. "She likes you. Do you like her too?" Napahinto na naman ako dahil sa tanong na 'yon. "Ha?" "Is it a yes or no?" "What if I say yes, are you going to punish me?" nanghahamong sagot ko sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin nang nakangisi. "Absolutely," nakangisi pa rin niyang sabi saka ako hinaplos sa aking pisngi. "to the point where all you can do is scream my name and beg me to stop. Gentleness has no room for me." "Nagbibiro ka lang 'di ba?" alanganin kong sabi. Kinakabahan na naman ako sa mga paganyan niya eh. Ewan ko ba. "You'll see," at tinalikuran na niya ako saka nauna nang maglakad. "Wait! Ba't andaming sasakyan dito? Anong meron?" pahabol ko sa kanya kasi andaming nakaparadang sasakyan na kulay itim. Baka sindikato may-ari ng mga ito ah. Di man lang siya sumagot at tuluyan nang pumasok sa loob habang dalawang bodyguard ang nag-bow sa kanya. May sumalubong pang isang butler at dalawang maid. Grabe na talaga sa mansiong ito. Papasok na rin ako nang bigla akong hinarang no'ng dalawang bodyguard. Tiningnan muna nila akong dalawa na para bang tinatanong kung anong ginagawa ko rito. "Your ID please." "ID? Anong ID? School ba 'to ha? Dito ako nakatira kaya papasukin niyo na ako. Ano ba!" Akmang papasok na ako nang itulak naman ako no'ng isang bodyguard. "For confirmation of your identity or else, you can leave now." "Wala akong ID, school ID lang. Papasukin niyo na kasi ako! Andyan 'yong nanay ko sa loob. Hinihintay ako kaya dalian niyo na!" naiirita kong sabi sa kanila dahil pagod at inaantok na ako. "Wala pong anak si Shizuka-sama. Maling lugar ang napuntahan mo. Bawal ang bata rito. Umalis ka na," at pinagtabuyan na ako nitong dalawang gago. "Tangina naman! Hindi si Shizuka-sama niyo ang nanay ko! Kung di si Yuriko! Yuriko Yu! At ang pangalan ko ay Dos Uy! Ayan, saksak niyo sa ngalangala niyo 'yang ID ko!" Talagang 'di pa rin ako pinapasok. May kinausap pa itong naka-mohawk. Paalis na sana ako nang bigla ulit itong nagsalita. "Pasensya na po. Ikaw pala si Señorita Dos. 'Yong tinutukoy na napakagulong anak ni Madame Yuriko. Pasok ka na po, kanina ka pa po hinihintay, Señorita Dos." Ang mga gunggong saka pa nag-bow at nagpadaan sa'kin sa loob. Hampasin ko sana dahil ipamukha pa talagang magulo ako. Hmp! Nakahanay naman sa gilid 'yong butler at dalawang maid kanina saka sabay-sabay na nag-bow sa akin. "Welcome home and good evening, Señorita Dos. Lady Yuriko is already waiting for you inside," kalmadong bati sa'kin ni butler na namumuti na sa haba ang balbas pati buhok nito. "This way, Señorita!" magiliw at sabay namang bati ng dalawang maid saka iminuwestra ang direksyon papuntang main living room. Humikab na lang ako dahil inaantok na ako at 'di ako interesado. Nilayasan ko na sila at dire-diretso na akong umakyat sa staircase sa gilid. "Dos! Come here, now! Kanina pa kami naghihintay sa'yo! We'll be having our dinner." Nakakailang hakbang pa lang ako niyan ha. Natugis na naman ang kawawang ako. "Ma, busog pa ako! Kayo na lang kumain. Matutulog na ako. Goodnight Mama!" Mabilis na akong umakyat ngunit biglang may humarang na tatlong bodyguard at bababa na sana ako ngunit may lima namang bodyguard. Kapag sinuswerte nga naman ako. Tumingin ako sa baba at nakita ko si Mamang nakatingin din sa gawi ko at ang loka, todo ngiti habang tina-tap ang mesa na may bakanteng pwesto. Sinamaan ko rin nang todo ng tingin si Mama. Padabog akong bumaba at kusang nagsitabi ang mga nakaharang na bodyguards. "Happy now, Mama?" matabang na sabi ko nang makaupo ako sa kanan niya. Siya kasi ang nakaupo sa kabisera. "Very, very happy," nakangiti pa ring saad ni Mama saka ako hinaplos sa pisngi. Nakakaasar talaga 'tong si Mama. "So, shall we start?" panimula ni Mama at biglang dumating 'yong butler saka isa-isang sinalinan ng wine 'yong mga baso. 'Yong mga maid naman ang nagse-serve. Nagsalita pa muna si Mama ng ewan kong chingchong na salita. Naki-cheers na lang ako sa kanila habang masayang-masaya silang lahat. Inamoy-amoy ko lang 'yong wine kasi wala ako sa mood uminom at kanina pa ako inaantok. Kapagod kaya buong araw. Ang dami kong ginawa. Bigla naman akong kinuwit ni Mama. "Dos, ano bang ginagawa mo? Kumain ka na, handa na ang pagkain. Ibaba mo na 'yan kung ayaw mo." Nagulat naman ako dahil pinaghihiwa ako ngayon ni Mama ng steak na 'di naman niya ginagawa sa'kin noon. Nahagip naman ng tingin ko ang isang babae sa tapat ko na nasa gitna. Mabilis akong bumulong kay Mama habang pigil ang tuwang nararamdaman ko. Nagsisimula na namang magising ang lamang-loob ko dahil sa babaeng katapat ko. Ugh! "Ma, sino 'yong babaeng 'yon oh? 'Yong maikli ang buhok tapos medyo may kalakihan 'yong ano..." Napanakaw tingin tuloy ako sa babae at saktong nakatingin din ito sa'kin habang nakangiti. Kinindatan ko ito habang lumapad lalo ang ngiti niya. Gusto ko na tuloy siyang hilahin paakyat sa kwarto ko at pagsawaan ang katawan niya lalo na ang dalawang melon niyang nang-aakit sa akin. Nakakagigil! "Ang ganda niya kasi tapos ang laki no'ng de-" Napakagat-labi ako nang bigla akong kinurot ni Mama sa hita. "Everyone, I'm sorry if I haven't introduced you lalo ka na," at pinanlakihan niya ako ng mata. Di na ako sumagot at hinaplos-haplos na lang ang hita kong kinurot niya. "Dos, this is Shizuka. You know her already, right? Next to her are HER cousins, Kazuko and Seina. Kazuko, Seina, my stupid daughter, Dos." Wala man lang bahid ng kahihiyan sa boses ni Mama at proud na proud pa talaga siya. "Oh finally, I met you, baby. I'm Kazuko and you can do anything you want to me except when K's here," malambing niyang saad saka bumaling kay Shizuka na katapat ko. "And I'm dying to know where your room is so that we can have some fun together," sabay kindat sa akin. "'Wag mo na lang pansinin 'yang malanding 'yan. At ikaw Kazuko, may asawa ka na't lahat, naglalandi ka pa. Feeling young and single at 32? 'Wag mong tutularan 'to ha? Just call me Sei," at inilahad nito ang kamay sa'kin. Nahihiya ko namang tinanggap ang kamay niya. "Di naman malalaman ni Meg dahil wala naman siya rito unless sasabihin niyong dalawa 'di ba? Saka ano bang pakialam mo Sei? Ikaw nga 33 na wala pang natitikman. Kinakalawang ka na siguro, pagalaw ka rin. So baby, maybe uhm...we can eat together in your room? I don't like it here-" Bigla naman itong napangiwi habang si Shizuka ay masamang nakatingin sa kanya. "Let's eat. Don't mind them. Bahala ka 'pag biglang dumating si Meg dito," baling naman ni Mama sa kanila. Kakain na sana ako nang biglang nawala 'yong steak. Napalitan ng green soup. May gulay kasi. "Ma, ano 'to? Asan na 'yong steak?" "Masarap 'yan. Paborito mo pa nga 'yan noon. Dali tikman mo na!" Whatever Ma. Dahan-dahan na akong sumubo ng sabaw at bahagyang hinipan pa ito. "Ma, ansarap naman ng nagluto nito! Anong tawag sa pagkaing 'to?" Parang nakaramdam ako ng deja vu nang matikman ko 'yong soup. Parang pamilyar 'yong lasa. Ngumisi naman si Mama. "Oh? Natikman mo na ba 'yong nagluto?" "Masarap talaga 'yong nagluto niyan lalo na't may special package. Ingat lang baka mabusog ka nang bongga, lalaki tiyan mo for nine—wait! Tumatawag si Meg! Bad timing naman!" at dali-dali na itong umalis. Halatang kinakabahan. "Nagustuhan mo ba 'yong miso soup?" tanong ni Shizuka sa'kin. Sasagot na sana ako nang biglang may umakbay sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Good eve Ate Yuriko! Nandito na pala kayo. I'm sorry, I'm late. Dos, na-miss kita!" Pinanggigilan ba naman ako. "Ate Yuki, tama na! 'Yong pisngi ko 'wag mong kurutin!" "G-good eve din, Yuki. Suit yourself here. So..." "Ano ulit tawag dito? Yep, nagustuhan ko siya dahil masarap. Ikaw ba ang nagluto nito?" "Gusto mo pa?" Sasandukan pa sana niya ulit ako nang bigla akong sinandukan ni Ate Yuki ng curry. "This is way better than that, Dos," balewalang saad ni Ate Yuki habang napansin ko naman ang paghigpit ng hawak ni Shizuka sa tinidor habang seryosong nakatingin sa aming dalawa. "Okay na kay Dos ang miso soup, Yuki. Busog pa raw siya— "Totoo ba Dos? Busog ka pa nga?" putol niya kay Mama. "Oh, look who's here! K's lil sis, ne onee-chan? Anyway, pinapauwi na ako ni Meg bukas eh kararating pa lang namin ni Sei ngayon! Tinopak na naman! Ikaw may kasalanan nito K eh! Sinabi mo kasi," pagmamaktol ni Ate Kazuko. "Nandito na rin lang ang lahat, why don't you tell them Yuriko kung ba't tayo nandito ngayon?" pag-iiba ni Ate Sei ng usapan. Tumuwid ng upo si Mama. "Oo nga Ma. Ano bang meron? Andami kasing sasakyan sa labas. Meron bang may birthday? Party? Sindikato?" "Well, today is a very important day because as you can see, finally, with the help of Kazuko and Seiren and our joint forces, me and Shizuka— "Babalik na ako sa mansion natin Mama?!" "Watch your manners! Don't you see that I'm still talking? Isa pa talaga. Hindi ako nakikipagbiruan, Dos." Yumuko na lamang ako dahil mukhang nagalit na ang lokaret kong nanay. Di rin naman ako nakikipagbiruan, nagtatanong lang eh gagalit na agad. Daig pang may menopause eh. "Like what I'm saying, finally, Shizuka acquired the Ashford Imperial University." Muli ay nakangiti na naman sa akin si Mama. Teka! Ashford Imperial University? Acquired? "Para saan naman ang pagbili niyo ng Ashford? Mayaman ang university na 'yon at wala namang issue ng bankruptcy— "K's dear lil sis, I'm afraid matagal ng bankrupt ang Ashford, magaling lang silang magtago." "Ma, what do you mean acquired?" naguguluhan ko pa ring tanong. "She's the new owner of your university. Aren't you happy? That's why we're having a prosperous dinner. It's worth celebrating for." Tumingin ako kay Shizuka na kanina pa nakatingin sa akin at ngumiti pa nang malapad. Naku! Mukhang iba ang pakiramdam ko dito ah! Kumain na ulit ako ng miso soup at gaya kanina ay bahagyang sumasakit 'yong ulo ko. K? "Ma, matutulog na ako. Pagod ako, kanina pa. Goodnight." Umalis na ako at dumiretso na sa aking kwarto. Mabilis kong ini-lock ang pinto saka nagmadaling magbihis. Wala na akong pakialam at patumbang humiga sa kama. Binuksan ko na ang aircon at pinatay ang ilaw gamit ang remote control. Ahh heaven... *** Naalimpungatan ako nang may malakas at sunod-sunod na kumakatok. Di ko sana papansinin pero mukhang hindi titigil. Kinapa-kapa ko pa 'yong remote pero di ko makapa kaya 'yong lamp shade na lang ang binuksan ko. Pupungas-pungas akong tumayo at wala pa ako sa wisyo. Binuksan ko rin ang ilaw patungo sa pinto saka basta ko na lang binuksan ang lock. Nakakailang hakbang pa lang ako pabalik sa kama nang biglang may humila sa akin at mabilis akong isinandal sa pader. Laking gulat ko nang may malambot na labi na lumapat sa aking labi. Hindi kaagad ako naka-react kaya mas pinalalim niya ang paghalik at kusa nang bumuka ang aking labi. "Hmm," ungol ko sa pagitan ng aming halikan. Ikinawit ko na rin ang aking braso sa batok niya to deepen our kiss. Of all the kisses I had, this is far more different. Our tongues are fighting for dominance while she pressed herself more sa akin that I could feel something poking between my thighs. I pulled away from the kiss para sumagap ng hangin. Nagkatitigan kami for a moment and I could tell that lust is evident in her eyes dahil namumungay na ang mga ito. Once again, she kissed me like there's no tomorrow. Ang mga halik niya ay nagsimula nang bumaba from my jaw down to my neck, nibbling and sucking it. I moaned in pleasure that she's giving me. I started to caress her nang mapadako ang malikot kong kamay sa namumukol ss pagitan niya. Sinimulan kong himasin 'yon and f**k! Mas lalong nag-iinit ang pakiramdam ko! I pulled the tie of her robe para mas malaya kong mahawakan ang itinatago niya. I squeezed it hard causing her to moan on my neck. "f**k. You're driving me wild." At binuhat na niya ako papuntang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD