Chapter 14: " SHADOWS IN THE LIGHT "

1390 Words
Ang buwan ay mataas at maliwanag sa langit, ngunit kahit gaano kaliwanag, tila may mga anino na mas malalim kaysa sa dilim sa Jergens Subdivision. Sa bawat sulok, ang katahimikan ay halos nakamamatay—tila ba ang hangin ay may dala-dalang babala. Sa loob ng bahay ni Lara, nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana, naka-crossed legs at nakatuon sa bawat galaw sa labas. Ang monocular niya ay naka-focus sa isang maliit na shadow malapit sa gate, habang ang kanyang mga kamay ay mabilis na nagtatala ng notes at marks sa digital tablet. “Move carefully, Ben. Don’t draw attention,” bulong niya sa radyo, halos walang tunog, ngunit sapat para marinig ni Ben na nakakubli sa dilim ng bakanteng lote. Si Ben ay unti-unting lumusot sa mga blind spot. Ang hood, gloves, at shades niya ay nakatulong para hindi makilala ng kahit sino. Ngunit sa bawat hakbang, may kutob siya na may isang bagay na kakaiba sa paligid—isang maliit na butas sa bush, isang flashing reflection mula sa fence, isang mabilis na paggalaw sa likod ng isang puno. Ang kanyang puso ay tumitibok, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa adrenaline na dala ng kanyang training at decades-long na preparation para sa eksaktong sandaling ito. Sa parehong oras, sa kabilang bahagi ng subdivision, si Detective Bhie Inson ay nagsimula nang maglakad ng mabilis sa kanyang point of target at ilang hakbang na lamang ng saglit siyang matigilan at pakiramdam niya ay tila may isang yabag na sumusunod sa kanyang likuran. Biglang huminto si detective Bhie sa kanyang paglalakad at maingat na lumingon sa kanyang likuran hawak nito ang flashlight at b***l at itinutok sa mismong mukha ng taong sumusunod sa kanya. Inspector Aquino: " whoa Ako ito Bhie! " may kalakasang nasabi ni inspector Marlo Aquino na bahagyang tinakpan ang mga mata para hindi masilaw ng hawak na flashlight ni Bhie na nananatiling nakatutok parin sa mukha niya. Dahan dahang ibinaba ni Bhie ang flashlight at nagbigay ito ng paumanhin. Bhie: " I'm sorry sir, akala ko kung sino na." maikling paliwanag nito. Marlo: " Pasensiya kana rin kung medyo nagulat kita, I was about to go to your station ng makita kitang tila nagmamadali kaya sinundan kita agad dito, I was wondering why? meron kabang napansin na kakaiba dito kanina? " usisa nito. Bhie: " I wasn't so sure sir pero parang may nakita ako kaninang reflection or shadow na mistulang tao dito sa lugar na ito." sabay tutok ng flash light sa bahaging iyon kung saan nagtago kanina si Ben. Kapwa nila sinuri ang lugar na itinuturo ni Bhie pero wala na doon si Ben at lingid sa kanilang kaalaman ay nakarating na siya sa loob ng Bahay ni Lara sa may kusina at umiinom ng malamig na tubig. Sa isip isip ni Ben ay muntik na siyang makita doon ni Bhie, mabuti na lamang at dumating din doon si inspector Marlo at nagkaroon ng maikling distractions sapat na pagkakataon para makaalpas Siya sa paningin ng detective. Samantala sa itaas ng Bahay ni Lara ay nagpatuloy siyang magmasid sa palagid, kitang kita niya kung paano i- scan ni Bhie at Marlo ang lugar kung saan kanina nagkubli si Ben.Napangisi ito ng di kawasa sa loob loob niya ay hindi parin sila lubusang nabigo na makaligtas sa tiyak na panganib. Mga ilang sandali lamang ay natanaw ni Lara ang ilang roving guards na naglalakad sa ibat ibang parte ng subdivision bilang bahagi ng routine ng mga ito at may mga pagkakataon din Minsan na isa din si Ben sa mga ito at nagkataon lamang na day off niya ng araw na iyon. Maya Maya ay may nagsalita sa kanyang likuran, si Ben. Ben : " whew muntik na akong makita doon ng magandang detective na iyon " nakangiting pahayag ni Ben. Pinagmasdan siyang mabuti ni Lara, ang banggit ni Ben ng salitang ' magandang detective ' ay tila banyaga sa kanyang pandinig. Lara: " you should rest Ben, don't be dismayed too much, lahat ng tao ay nakakaranas ng kabiguan, ng kamalasan at tagumpay. Na suwertehan ng mag asawang Ramirez ang kanilang nakatakda sanang kapalaran. Sige Ben matulog kana at bukas na bukas ay ihahatid kita sa Inyo at kailangan mong pumasok sa trabaho bukas dito sa subdivision. Kailangan mong magpakita dito as normal para Hindi ka nila paghinalaan. mahabang Sabi ni Lara. Kaagad namang sumunod si Ben at nagtungo sa kanyang sikretong silid sa Bahay ni Lara na sila lamang dalawa ang nakakaalam. Naiwan si Lara sa may salamin na bintana habang pasilip silip parin ito gamit Ang Kanyang largabista. Pero ang isipan niya ay na kay Ben, Ang kanyang bunsong Kapatid na sa pakiramdam niya ay mukhang may lihim na pagtingin Kay detective Bhie at noon lamang niya nakitaan si Ben ng ganoong actuations. Sa lihim na silid na pinasadyang ipinagawa ni Lara para sa kanya sa tuwing kailangan niyang manatili doon ay tahimik niyang tinititigan ang kulay berdeng kisame nito at Bago pa Siya unti unting dalawin ng antok at muling nanariwa sa kanyang kaisapan ang tungkol sa isang bahagi ng kanilang nakaraan. Gabi noon ng dumating sila sa Lugar kung saan sila dinala ni Don Damian Larosco, ang bagong asawa ng kanilang Ina. Noong una ay maayos naman ang kanilang pagtitinginan, mabait naman ito sa kanilang magkapatid at itinuring naman sila na parang tunay na anak. Ngunit sa paglipas ng mga buwan ay kapansin pansin ang pagiiba ng mood ng kanilang Ina. Pakiramdam ni Ben ay hindi talagang masaya ang kanilang Ina sa pananatili nila sa Lugar na iyon na halos nasa gitna sila ng mga palayan at napapalibutan ng mga bundok.Animoy mga bihag sila sa isang malaking kulungan na walang rehas,walang kuryente,walang internet at malayo sa kabihasnan. Napapikit si Ben medyo namimigat narin Ang talukap ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon pero nanatili parin sa alaala ni Ben ang ilang tagpo na hindi na niya malilimutan. Isang araw ay nagpunta si Damian kasama si Lara sa kanilang itikan para mag harvest ng mga itlog at mamitas ng mga prutas at gulay. Siya naman ay naiwan kasama ng kanyang Ina para tulungan niya ito sa kanyang mga labahin. Biglang dumating doon ang tatlong lalaki kasama ang pamilyar na mukha ni Atty. Manuel Miranda. Sinabihan Ako ni Atty. Manuel na lumayo muna Siya dahil may importante silang paguusapan ng aking Ina sabay abot sa akin ng isang box na may lamang Nintendo, isang gadget laruan na puwede kong gamitin na libangan at may Kasama pa itong dalawang power bank na ayon sa kanya ay puwedeng tumagal ng kahit isang Linggo ang bawat isa. Magkahalong tuwa at kaba ang naramdam ni Ben ng mga sandaling iyon. Umalis Siya dala Ang laruan pero Hindi Siya mapakali kaya pumunta Si Ben sa isang kubling dako at bunga ng curiousity ni Ben ay siya'y nag obserba at nakinig sa kanilang naging paguusap. SI Atty. Manuel Miranda ay nagpahayag ng kaniyang mga Plano at balak niyang magtayo ng isang modeling fashion at Siya ang isa sa gusto nitong Gawin top model. Sayang lang daw diumano ang taglay niyang Ganda at talino kung mananatili Siya doon sa Lugar na iyon habambuhay. Pakiramdam ni Ben ng mga sandaling iyon ay malaki ang posibilidad na maengganyo niya ang kanilang Ina para mapapayag niya ito.Batid din ni Ben na tila nababagot narin ito sa klase ng Buhay na napili niya, palibhasa ay nasanay na ito sa pamumuhay na kapiling ang mga taong nasa sosyedad. ' papano ang mga bata? ' tanong ng kanilang ina.' huwag kang mag alala ako ng bahala sa kanila ang importante ay mauna ka muna doon at babalikan ko na lamang silang dalawa kasama ng mga tauhan ko.' ' Papaano naman si Damian? ' muling usisa ng kanilang Ina. ' huwag mo nang prublemahin ang ulyanin na yun dahil pag ako ang nagsalita ay wala siyang magagawa. Kitang kita ni Ben ang pagaatubili ng kanilang Ina ng mga sandaling iyon. Subalit nanaig Ang kaway ng mga pangarap ng kanilang Ina, nakumbinsi Siya ni atty. Manuel na Sumama ito sa kanya matapos itong mangako na babalikan niya kami ni Lara pagkatapos na maisagawa ng matagumpay ang unang patimpalak na kanilang lalahukan sa Singapore. Tuluyan ng nakatulog si Ben at kapansin pansin ang kusang pagtulo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD