Chapter 13: " THE SHADOWS AMONG US "

1275 Words
Ang gabi sa Jergens Subdivision ay kumupas sa liwanag ng buwan, ngunit bawat ilaw sa kalye ay tila nagbabanta sa mga anino. Ang katahimikan ay hindi kapayapaan—ito’y pangako ng panganib. Sa isang gilid ng madilim na bahagi ng subdivision, tahimik na lumabas si Ben. Palihim siyang nagtago sa isang safe na lugar matapos siyang tumulong sa paglilinis ng basura sa loob ng compound ng Jergens Subdivision, nakasuot siya ng itim na hooded jacket, kamay ay nakadampi sa pinto ng kanyang backpack na puno ng mga kagamitan para sa kanilang planong pambihira. Kasama niya sa isang dako si Lara kung saan siya ang pinaka mata nito, mabilis ang mga yapak ngunit maingat na sinusuri ni Ben ang bawat gilid. Ang kanilang mata ay tila scanner, sinusuri ang bawat CCTV camera, bawat guard post, at bawat potensyal na panganib. Wala silang karaniwang kaba—ang kanilang dugo ay puno ng determinasyon at galit na matagal nang kinikimkim. Nagpasya silang gumawa ng isang plano na makaka satisfy sa kanila bilang challenge kung gaano na katibay Ang kanilang loob. Lara: “Nakahanda kana ba talaga Ben, puwede ka pang umatras kung hindi ka pa lubusang nakahanda?,” bulong nito, habang pinagmamasdan ang mansion ng Ramirez mula sa kanyang kinaroroonan. Ben : " Tangina naman ate tinatanong pa ba yan? nangangati na nga mga kamay ko." medyo iritadong tugon nito, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi nakalimot sa mga nakaraang trahedya: ang mag-iinang Olivas, ang Afable, at ang mga lihim na palitan sa pagitan ng mga residente at ni Atty. Manuel Miranda. Lahat ng iyon ay humuhubog sa kanilang estratehiya—isang perpektong krimen sa mata ng mga inosente, ngunit punong-puno ng poot sa puso ng magkapatid. Lara: " Puwes kung talagang handa kana Ben, simulan na natin ang laro." Sa loob ng Guest house ng Jergens subdivision kung saan namalagi si Detective Bhie Inson ay hindi parin Siya natutulog. Pinag-aralan niya ang bawat detalye ng pangyayari ng krimen, mula sa posporong berdeng tangkay hanggang sa mga text messages. Ngunit may kakaibang pakiramdam siya—isang presensya, parang may isang pares ng mata na nakamasid sa kanya, hindi mula sa mga nakapaligid kundi mula sa dilim mismo ng subdivision. Isang bahagyang kaluskos sa bintana ang nagpatigil sa kanyang pagsusuri. Agad siyang tumayo at lumapit, ngunit wala siyang nakita—maliban sa mga anino ng mga puno. Ngunit ang kanyang kutob ay hindi nagsisinungaling. Ang presensya ay naroroon, at ito’y matiyagang nagmamasid. Balik kay Lara at Ben, abot tanaw lang nila ang kanilang target: Ang mag asawang Richard Ramirez at Danica Ramirez. Malas ng mag Asawa kung bakit sa tapat pa ng bahay ni Lara nakapuwesto ang kanilang napiling Lugar. Kasalukuyang nagkakape ang dalawa at sa bawat pag kibot ng kanilang bibig ay banaag ni Lara Ang tema ng kanilang usapan na may kinalaman sa nangyaring trahedya sa mag asawang Afable , hindi alam ng mga ito na may dalawang mata na nagmamasid sa bawat galaw nila. Mabilis na kumilos si Ben habang si Lara naman ay sinisiguro ang magiging exit strategy ng kanyang Kapatid na—isang invisible maze na sila lamang dalawa ang nakakaalam. Sa labas ay may mga bantay na pulis na nakatalaga at kasalukuyang nasa guard house si Chief inspector Marlo Aquino kausap ang mga naka duty na security guards.Good timing iyon para sa planong pagpaslang sa mag asawa hanggat wala pang mga roving guards. Ben: " Ate ano ba ang gusto mong gawin ko sa mag asawa, sabay ko ba silang papaslangin? " kinapa ni Ben sa kanyang bagpack ang silincer na b***l na regalo sa kanya ng kanyang ate Lara noong huli niyang kaarawan. Lara: “ Wala tayong pagpipilian Ben, remember kabilang din sila sa lumapastangan noon sa ating mga magulang. Tandaan mo Ben ang tamang oras ay mahalaga,” sagot nito, habang ang kanyang kamay ay naglalaro sa maliit na device na nakadikit sa kanyang wrist—isang signal jammer na magpapalito sa anumang security camera sa loob ng compound Incase na mabulilyaso ang kanilang plano. Sisiguruhin niyang ligtas Ang kanyang kapatid. Itinutok nito ang kanyang high power binocular na nakapuwesto sa gilid ng bintana na natatakpan ng kurtina. Kitang kita niya ang bawat galaw ng mag asawa sa ibat ibang angulo.Habang hinihintay ni Lara ang signal light ni Ben ay hinihimas naman nito ang kanyang alagang Persian Cat, buntis ito at malapit ng manganak. Sa parehong oras, si Detective Nugas ay nakatanggap nang isang tawag buhat kay detective Bhie para ipaalam na minabuti niyang manatili sa Guest house ng Jergens Subdivision para mag matiyag. Pinayuhan naman Siya ni detective Nugas na doblehin ang pagiingat. Leumas: " Don't trust no one Bhie, believe in your instinct dahil mapanganib ang mga salarin they seemed professional killer at may palagay akong nandiyan lang sila sa paligid " medyo kinilabutan din si detective bhie sa huling pahayag ng kanilang head. Nagpadala si Bhie ng silent alert kay Nugas: Bhie : “Sir, posibleng tama ang kutob mo mukhang parehong nandito ang mga salarin. At may pakiramdam ano na narito rin sila sa loob mismo ng Jergens Subdivision ". Pinagpawisan si Leumas sa huling sinabi ni Bhie batid niyang unang sabak pa lamang niya sa trabaho kung kayat ganoon na lamang ang kanyang pagaalala. Habang ang dalawang investigadors ay nag-uusap sa pamamagitan ng encrypted channel, si Ben ay nasa mismong tapat na ng tahanan ng mag asawang Ramirez. Ang gabi ay puno ng suspense—ang bawat hakbang, bawat galaw ay may katumbas na panganib. Ang mga ilaw sa loob ng tahanan ng Ramirez ay bukas ngunit ang bahaging likuran ng bahay ay medyo madilim. Hindi naging mahirap para kay Ben Ang buksan ang nakasaradong pintuan gamit ang kanyang improvised key pin at matapos niya itong buksan ay dahan dahan siyang pumasok sa loob.Pero habang paakyat siya sa may hagdan ay hindi sinasadyang masagi niya ang isang pares ng balat na sapatos ni Mr. Ramirez at itoy bumulusok pababa ng hagdan.Lumikha ito ng ingay na umabot sa pandinig ni Mr. Ramirez. Danica : " Chard what's that? natatakot ako baka..." Richard : " Ssssh just calm down sweetheart " dahan dahan inilabas ni Richard ang kanyang b***l na nasa drawer. Naalarma naman si Ben sa biglaang pananahimik ng mag Asawa sa loob.Minabuti niyang bumabalik ulit sa ibaba,muling bumalik sa labas at nagkubli sa malagong halamanan. Lara: " Ben kailangan mong bumalik dito sa Bahay mag madali ka! " Ben: “Lara ano ang nakikita mo?” Lara: “wait… mukhang mukhang na underestimate natin ang baguhang detective na inassign ni Detective Nugas, she seems fragile in her profile pero mukhang mas matapang Siya keysa sa ating inaasahan." Ben: " So what's the plan now ate? " halos pabulong na tanong ni Ben buhat sa kanyang microphone receiver. Habang nagkukubli Siya sa malagong halamanan ay nakita niya maingat na lumabas si Mr. Ramirez na may tangan na b***l at matamang nagmamasid sa paligid at doon napagtanto ni Ben na mukhang tama ang instinct ng ate Lara. May kaunting inis sa mukha ni Ben dahil sa frustrations. Lara: " Ben move out immediately bago kapa abutan diyan ni detective Inson." gagad ni Lara ng makitang humakbang Ang mga paa ni Bhie hawak ang isang flashlight patungo sa kinaroroonan ni Ben. Mabilis na kumilos si Ben na parang pusa, tinalunton nito ang invisible maze na matagal ng panahon nilang binuo ni Lara. Lalo namang binilisan ni Bhie ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Ben at ng malapit na ito sa kanyang point of target ay saglit siyang natigilan at pakiramdam niya ay may taong sumusunod sa kanyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD