Chapter- 1

1701 Words
HABANG nagkakasiyahan ang mga kamag anak ay nasa kwarto siya at nagbabasa. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit wala siyang hilig sa mga party. Mas gusto niyang mag-isa habang nasa harapan ang libro o kaya naman ay computer. “Anak, hinahanap ka ng mga pinsan mo bakit hindi ka bumaba ng makihalubilo ka sa kanila?” “Hindi naman po ako mahilig sa mga ganyan Mommy, kaya hindi rin ako magiging masaya doon. Isa pa hindi ko masakyan ang mga biruan nila kaya mas mabuti na dito na lang ako.” “Nariyan ang pinsan mong si Luarice at hinahanap ka.” “Sige po bababa na ako.” “Sige anak, bilisan muna riyan.” “Susunod na po magbibihis lang ako.” ano na naman kaya ang pakay ng pinsan niyang iyon. Kung siya ay libro ang hilig ay kakaiba naman ang pinsan niya. Babaeng tao ay mahilig magpalipad ng motor. “Pinsan!” Napahinto siya sa hagdanan ng marinig ang malakas nitong sigaw. Hindi na talaga nahihiya kahit maraming tao ay parang walang pakialam. “Laurice! Ang bibig mo!” “Sorry naman pinsan ang tagal mo kasi huh!” “Bakit ano ba ang kailangan mo sa akin?” suplado niyang tanong sa ngiting ngiti na pinsan. “Halika bilis ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Pero huwag kang magkakamali na banggitin ang tunay kong pangalan. Wala silang alam sa totoong status ko.” “Huwag na hindi ako interesado…” ngunit hinila na siya nito. Nadatnan niya ang dalawang babae na nakaupo habang umiinom ng ladies drink. “Hey! Ito pala ang pinsan ko na single and available.” “Hello , I'm Natasha,” simpleng bati niya sa pinsan ng kaibigan. “I’m Scarlet, ang gwapo mo.” tila kinikilig pang nakatitig sa pinsan ng kaibigan na super hot. “Nickolas,” pakilala niya sa sarili at napilitang makipag kamay sa dalawa. “Talaga bang available ka?” Nakataas ang kilay ni Natasha, kahit kailan ay malandi talaga ang kaibigan nilang ito. “Huwag kang maniwala dito sa pinsan ko dahil may commitment na ako.” “What? Anong commitment ay wala kang niligawan kahi minsan huh!” binuking niya ang pinsan di malaman kung torpe o binabae. Gustong sikuhin ki Nickolas ang pinsan na kinukuntra ang mga sinasabi niya. At talagang bini-build up pa siya sa dalawang babae. Maganda naman ang mga ito kaya lang wala sa isipan niya ang makipag relasyon sa kahit sinong babae. “Maupo ka muna pinsan at pakisamahan ang dalawang ito dahil may kukunin lang ako sa bahay.” Talagang pinapasubo siya nitong pinsan niya, ngunit wala naman siyang pagpipilian kaya naupo na lang sa bakanteng upuan. Ngunit habang tumatagal ay bored na siya, panay lang ang tango niya kahit hindi naman talaga nakikinig. Malay ba niya sa pinag uusapan ng dalawang ito. “Nick, wala ka naman yatang gagawin mamayang gabi. Samahan mo naman ako sa ball party wala akong scort eh.” “Pasensya na at marami akong trabaho, sa katunayan ay pupunta nga ako sa company ngayon kaya lang wala pa ang pinsan ko.” “Gano’n ba, bukas na lang siguro naman ay free ka?” “Hindi ko pa alam kung hindi matutuloy ang conference ko sa Cebu.” “Ano ka ba naman Scarlet, huwag mong kulitin si Nickolas. Sa tingin ko wala siyang hilig sa mga lakwatsahan.” “Sa totoo lang wala talaga akong hilig sa mga ganito. Kaya nga nasa taas lang ako dahil tambak ang mga ginagawa ko para sa company website namin.” “I see, paano ka magkakaroon ng lovelife kung wala kang oras sa sarili mo?” “Ayos lang hindi naman ako nagmamadali at may mas priority pa ako sa ngayon.” “Bored ka na yata dito Nickolas, okay lang na iwan muna kami at siguro ay parating na rin ang pinsan mo. Nanahimik na lang si Scarlet, talagang walang interest sa kaniya ang lalaking ito. Ginawa naman niya ang alam niya ngunit talagang wala kaya sorry na lang ang kaibigan nila. “Nasaan ang pinsan ko?” “Ayon umalis na at marami raw siyang ginagawa. Sorry friend dahil hindi kinaya ng powers ko. Hindi siya interesado sa babae.” “Gano’n ba?” “Yep, baka iba ang gusto niya.” saka natatawa at minsang tinungga ang inumin na wine. “Sistah, huwag kang magagalit ha baka naman “fafahot” rin ang hanap ng pinsan mo?” “Hindi ah! Pihikan lang talaga ang pinsan kong yon.” pagtatanggol niya sa pinsan kahit gusto na rin niyang mag duda. “Joke lang sistah, ano saan ang susunod na laro natin?” “Wala pang schedule, pero i-messages ko kayo pag meron na.” Makalipas ang isang linggo at kasalukuyan nasa bansang China si Nickolas para sa sikretong mission niya bilang isang alagad ng Diyos. Kahit ang totoo ay hindi naman niya kailangan gawin iyon ngayon. Dahil sa isang taon na kalayaan niya, kaya lang naroon na siya kaya dumaan na rin siya sa parokya. At dahil napa anyo na siya sa lugar ay mabuting pasyalan na rin niya ang company nila. Walang nakakakilala sa kaniya maliban ang CEO at mga pinsan niyang naka assigned doon. “Mister, hindi po maaaring isturbohin ang CEO dahil busy. May malaking client na kausap siya. Isa pa kailangan nyo muna ang magpa-appointment.” Napahino siya sa gagawin sana na pagpasok sa loob. Hinarap niya ang pinay na secretary at nakipag usap na lang rito. Kaya lang biglang dumating ang babaero niyang pinsan. “Oh pinsan bakit nariyan ka? Hindi ka ba pinapasok nitong masungit na secretary ni CEO?” sabay kindat niya sa namumulang secretary. “Sir, pasensya na po hindi kasi kayo nagpakilala.” “Okay lang yon at hindi naman ako nagmamadali kaya maaari naman akong maghintay.” natatawa siya sa nakatungo na babae. “Pasok na ho kayo sir.” “Huwag kang yumuko Ms. Secretary, ayos lang yon at tama lang ang ginawa mo.” “S-salamat ho sir.” Nang maka alis ang mga amo ay napabagsak siya ng upo. Mabuti na lang at hindi masungit ang isang yon. Baka nagkataon ay masisante siya. “Bakit ganyan ang mukha mo Rain, sinabon ka ba ng mga bigg boss?” “Hindi ah, mabuti nga mabait pala ang isang yon. Malay ko naman na Montemayor pala yon.” “Ang gwapo niya Rain, sabagay lahat naman sila ay walang itulak kabigin.” Sa loob ng opisina ay panay ang pangungulit sa kaniya ni Lath. Habang busy ang pinsang si Dale sa kleyente nito. At hindi naman nagtagal ay nag alisan na rin. “Kumusta pinsan, mabuti na isipan mong pumasyal dito?” “Timing lang napa banda ako dito kaya dumaan na rin.” “Alam namin pinsan na may nililihim ka, lagi kang out of country. Alam rin namin na hindi naman trabaho ang inaasikaso mo o baka naman may tinatago ka ng pamilya?” singit niya sa kapatid at pinsan. “Puro ka kalokohan, bakit ko naman gagawin yon kung sakaling meron nga?” sagot niya sa nang aasar pinsang si Lath. “Sige para maniwala ako ay sumama ka sa akin, mag bar tayo mamaya. At gusto kong mag relax dahil sa katatapos na kaso na nagbigay stress sa akin.” “Isasama mo pa sa kalokohan yang si Nickolas huh!” “Kuya, ano ba ang kalokohan roon ay mag-relax lang naman kami. Baka gusto mong sumama Kuya Dale?” “Nakita mo namang naririto ang anak ko. At hindi iyon makakatulog ng wala ako sa tabi niya.” “Nagbago ka na nga Kuya, dati walang makakaligtas sayo lalo na sa mga ganitong pagkakataon.” “Nakakasawa rin ang puro na lang babae ang nasa paligid.” "Bakit ako hindi naman nagsasawa?” “Paano ka magsasawa ay hilig mo na talaga yan.” biro niya sa nakababatang kapatid. “Kaya nga itong si pinsan na lang ang niyaya ko dahil alam kong hindi mo ako sasamahan.” “Okay sige sa samahan na kita,” para lang tigilan siya nito ay kaniyang pagbibigyan. "Jong, balikan mo na lang kami mamaya after dinner.” “Sige boss.” at agad na lumabas na siya ng opsina. “Mabuti at may ganyan ka na loyal bodyguard pinsan?” “Paano hindi maging loyal ay kasama niya sa kalokohan. Partner for crime ang dalawang yan.” Sa halip na salungatin ang sinabi ng kapatid ay inayunan na lang niya dahil totoo naman. Naging babaero na rin nga ang kaniyang driver bodyguard dahil sa kaniya. Kinagabihan, pagdating nila sa loob ng bar ay parang gusto niyang pagsisihan kung bakit pinagbigyan niya ang pinsan. Halos hindi niya matingnan ang live erotic show sa loob. Talagang kahit saan yata siya magpunta ay kakambal na ang tukso. At pag hindi niya ito naiwasan ay siguradong masisira ang kaniyang pangarap. Ngayon na isang taon siyang binigyan ng kalayaan ay sana makapasa siya. Or else mababalewala ang maraming taon na ginugul niya sa loob ng siminaryo. “Hi loverboy.” Nahindik siya ng sumayad ang halos hubad ng katawan ng isang babae sa kaniya. At muntik na niyang matulak ito nang pumulupot ang dalawang braso nito sa kaniyang katawan. Kaya ang ginawa niya ay tumayo at nagkunwaring pupunta sa loob ng men’s room. Saka siya tumalilis ng alis bahala na ang pinsang babaero. Kaya lang pagdating niya sa labas ay madilim ang pasilyo na dinadaanan niya. At bigla na lang may humila sa kaniya kaya agad na umiwas siya ngunit sadyang mahuhulog yata talaga siya sa pagkakasala. Dahil bigla na lang may humawak sa kaniyang harapan. Kaya lihim siyang umusal ng panalangin na sana ay bigyan siya ng tatag na hindi magkasala. “P-please leave me alone, I’m a priest.” natigilan siya ng ma-realize ang kaniyang binitawang salita. “Oh, sorry.” Nakahinga siya ng maluwag ng bitawan siya ng dalawang babae. Agad na tumakbo palabas at pumara ng taxi. Saka palang siya napanatag ng umandar na palayo ang taxi. Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone ngunit hindi niya iyon tiningnan alam niyang ang pinsan iyon at ang driver bodyguard nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD