Chapter- 2

1585 Words
ILANG buwan na lang at malapit na siyang ordinahan. Kaya naman ay hindi na siya masyadong naglalabas. Mas mabuti na ang umiwas dahil totoong napakaraming tukso sa labas. Sa wakas ay matutupad na ang kaniyang pangarap. Ang maglingkod sa panginoon at ialay ang kaniyang sarili ng buong buo. Hanggang dumating ang araw na kaniyang pinakamimithi. “Anak, ready ka na ba?” “Opo Mom Dad, kinakabahan nga po ako.” “Bakit ka kinakabahan ay iyan ang matagal mo ng pinapangarap. At ngayon ay matutupad na kaya dapat ay masaya ka.” “Maiba tayo, pagkatapos mong ordinahan saan ka raw ba maa-assign anak?” “Sa england po Pilipino church community raw po.” “Mag ingat ka roon anak, at kung may oras ka ay dalawin mo ang mansyon natin roon.” “Syempre naman po Dad, lagi akong papasyal doon basta hindi ako busy. Isa pa maaari naman po ninyo akong dalawin sa church.” “Kung bakit kasi ayaw mong ipaalam sa mga kapatid at pinsan mo. Sana ay bago ka magtungo sa England ay makapag celebrate kayo.” “Alam nyo naman po na wala akong hilig sa mga ganyan. Saka sigurado na kakantyawan lang ako ng mga yon.” “Halina kayo at baka ma-late na tayo.” Pagdating nila sa Vatican City para sa ordination ay naroon na rin ang ibang kasamahan niya. “Anak nanlalamig ang mga kamay mo, baka gusto mong umatras ay may oras ka pa?” biro niya sa anak. “Hindi na po Dad, ito ang matagal ko ng pangarap.” Habang naglalakad sila papasok sa loob ay lihim na nakasunod sa kanila ang mga bodyguard. Kahit ayaw niya na may mga bantay ngunit kailangan dahil sa mga magulang. Delikado sa mga kidnapper o sa mga kalaban sa negosyo ang buhay ng mga ito. At sa buong duration ng ordination ay nasa palibot ang mga bodyguard ng mga magulang. Hindi naman mahahalata ang mga ito dahil lahat ay nakasuot lang ng sibilyan. “Congratulations anak, ngayon ay isa ka ng priest kaya dapat ay Padre na ang itawag namin sayo.” “Salamat po Dad Mom at ayos lang na tawagin nyo ako niyan kung nasa simbahan tayo. Pag nasa private ay ako pa rin ang anak nyo.” nakangiti niyang pahayag sa mga magulang. Habang pauwi sila sa mansyon ay hindi mawala sa isipan ang gagawing paghahanda niya patungo ng England. Doon siya ipinadala ng Parokya sa isang Filipino Church Community. Walang pagsidlan ang kaniyang puso sa sobrang kaligayahan na nararamdaman. Ngayon ay natupad na ang kaniyang pangarap kaya naman ibubuhos niya ang sarili sa paglilingkod sa Diyos. Kinabukasan ay maaga pa nakagayak na siya, ihahatid siya sa kaniyang destinasyon ng private plane ng kaniyang ama. Ayaw sana niya kaya lang nag pumilit ang ina kaya walang pagtanggi at pinagbigyan na lang niya ang mga ito. “Anak mag-ingat ka roon, pag may time ka tatawagan mo kami.” “Syempre naman po Mom Dad, paano po alis na ako.” “Good luck sa bagong buhay na tatahakin mo, gabayan ka ng Diyos Ama at patnubayan lagi sa iyong pang araw araw na buhay sa malayong lugar.” “Salamat po, bye.” Kahit papaano ay nakaramdam siya ng lungkot. Ngayon ay sigurado na bihira na niyang makikita ang kaniyang pamilya. Ang tanging magagawa na lang niya ay ipagdasal lagi ang mga ito at lahat ng miyembro ng pamilya. Syempre lahat ng mga taong dumaranas ng hirap,sakit at pighati ay kasama sa kaniyang mga dasal. At sa buong byahe ay halos hindi man lang siya nakatulog. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magbasa ng mga libro tungkol sa salita ng Diyos. Makalipas ang mahabang oras ay nakarating din niya ang destinasyon. Malugod siyang sinalubong ng head sa kanilang parokya. May ilang staff doon at mga pinoy rin. “Padre, magandang araw ho.” “Magandang araw din sayo.” “Nelly po ang pangalan ko Padre.” “Salamat Nelly.” “Welcome po sa parokya, Padre.” napaka gwapo naman ng pari nila. “Salamat at kaawaan ka ng Diyos.” Mga pagbati na normal niyang naririnig sa araw-araw. At sa mga nakalipas na buwan ay naging maayos naman ang pamamalagi niya roon. Subalit may napapansin siya sa tuwing oras ng mass. Halos mapuno ang church nila at karamihan ay babae ang naroroon. Isa pa ay sa tuwing susubo ang mga ito ay kakaiba ang binibigay sa kaniyang tingin. Kaya ang ginagawa na lang niya ay laging magdasal. Kinagabihan ay napilitan siyang magtungo sa church kahit oras na ng kaniyang pahinga. Naiwan niya doon ang mahalagang papel na galing sa Santo Papa. At nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad nang may mapansing tila anino sa parting sulok ng church. Kaya nilapitan niya iyon at nagulat siya dahil isang babae na umiiyak. “Iha kung anuman ang nagpapahirap sa iyong loob ay ipaubaya mo sa panginoon. Magdasal ka ng taimtim at lahat ay kaniyang diringgin. At kung may gusto kang sabihin o hilingin ay magtungo ka sa kumpisalan at may makakausap ka roon.” Subalit hindi pa siya nakakalahakbang ay biglang yumakap sa kaniya ang babae. “Padre, please help me.” Agad na hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at agad na lumayo siya dito. Saka nagmamadaling tumalikod, bakit gano’n bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Kaya agad na umusal siya ng panalangin dahil bawal ang makaramdam siya ng ganoon. Subalit hanggang sa higaan ay hindi mawala sa isipan ang nangyari sa loob ng church. Madilim ang loob ngunit aninag naman niya ito at medyo matangkad rin ang babae. Bumangon siya at naghilamos saka nag dasal ng taimtim bago nahiga. Kinabukasan ay kulang siya sa tulog at nangingitim ang kaniyang mga mata. “Padre, mawalang galang na ho pero naka pila na ang mga taong handang mangumpisal.” “Sige, papunta na ako roon.” bakit ba lately nagiging malilimutin na yata siya. Agad na tinungo ang maliit na pintuan at pumasok roon. “Ano po ang gusto mong ipahayag…?” nang mapahinto sa pagsasalita. Hindi malaman kung tatayo o mananatili sa upuan. “Padre, magmula ng makita kita ay hindi na ako nakakatulog. Palagi kang laman ng aking isipan, ano po ba ang dapat kong gawin?” “Binibini nasa tahanan tayo ng Diyos at hindi dapat iyan ang mga sinasabi mo.” Lihim siyang nagdadasal na sana ay makaya niya iwasan ang mga ganitong senaryo. “Pero Padre, hindi ko na po makaya ang ganitong pakiramdam. Patawarin sana ako ng Diyos kung ito ang tunay kong nadarama para sa iyo. Hindi na rin ako makapag trabaho ng maayos dahil ikaw ang lamang ng puso at isipan ko Padre.” Hindi siya nakasagot at dahan dahang tumayo. Labag sa kaniyang sinumpaan ang iwan ang babae sa oras na ito. Ngunit kailangan niya gawin dahil pag nagtagal pa ay baka tuluyang humalgpos ang natitira niyang kontrol sa sarili. “Padre, ano po ang nangyayari sayo? Bakit namumula at pinagpapawisan ka? Masama po ba ang pakiramdam nyo?” “Sister, ayos lang po ako.” at mabilis na pumasok na siya sa kaniyang silid. Agad na naghubad ng suot na damit dahil pakiramdam niya ay sasabog siya sa init na nararamdaman. Subalit paglingon niya ay nakatayo sa likoran niya ang isang madre. At ngayon lang niya ito nakita, isa pa anong ginagawa nito sa loob ng kaniyang kwarto. “S-sister, a-anong ginagawa mo rito?” at sinubukan niya na humakbang para hagilapin ang kaniyang damit. Ngunit nabigla siya sa ginawa nitong paghuhubad sa kaniyang harapan. “Padre, I want you.” Hindi siya binigyan ng pagkakataon na tumutol. Nang bigla siyang itulak nito ng malakas kaya’t napatihaya siya sa sahig. Kasabay ng pag upo nito sa kaniyang ibabaw ay sinibasib ng halik ang nakaawang niyang labi. Mabilis ang pag akyat ng kakaibang pakiramdam at namalayan na lang niya na tumugon siya sa mainit nitong halik. At ang kaniyang kontrol ay tuluyang naputol. Alam niyang kasalanan ito ngunit paano niya pipigilan kung nagbabaga na sa init ang kaniyang pakiramdam. At anumang oras ay maaari ng sumiklab. Hindi na rin niya namalayan na pareho na silang hubad. At may pagmamadali ang kilos na pailalim niya ito at nagkapalit sila ng pwesto. “Padre….” halos mapa sigaw sa matinding sansasyon na nalalasap sa piling ng lalaking gabi gabi ay kaniyang pinapantasya. Hindi na baling maging makasalanan siya kung ang lalaking ito ang magiging dahilan ng paglusong sa kasalanan. Gigil na gigil na siyang maangkin ang napaka gandang nilalang na nasa kaniyang harapan. Lalo na at tila wild ang babaeng ito at tudo bigay. Puro halinghing ang tanging salita na namutawi sa labi habang patuloy sa paggalugad ang mainit niyang palad sa kabuuan nito. Napakaganda ng babaeng ito at sa tingin niya ay hindi sila magkakalayo ng edad. “Padre, take me.” Ang salitang iyon ang naging dahilan para bumalik siya sa realidad at malakas na naitulak ang babae. “Fix yourself sister, this is wrong, malaking kasalanan ang nagawa natin.” Tila napahiya naman ito at nagkukumahog na nag bihis. Habang siya ay mabilis rin na inayos ang sarili. Bubuksan na sana niya ang pintuan para silipin ang pasilyo. Nang biglang may narinig silang ingay sa labas ng pintuan. “Shhh,” mabilis na hinila niya ang babae at nilagay sa likuran ng pintuan. At halos ayaw niyang huminga dahil pakiramdam niya ay maririnig siya sa labas. Sa sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib ay halos marinig na ng kaniyang katabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD