CHAPTER-2

1071 Words
* * Sol's POV * * "Nay! Alis na po ako," paalam ko sa maganda kong Nanay habang abala ito sa paglalaba sa labas ng aming bahay. "Sige, anak. Mag-ingat ka ha. Yung bilin ko sa'yo, pag oras na may makita kang nakasuot ng purong puti, alam mo na ang ibig sabihin noon. May posibilidad na hindi tao 'yon kundi kaluluwa lamang, kaya wag na wag mong papansinin. Magkunwari ka na lang na hindi mo sila nakikita, baka mamaya pag-uwi mo, sumama pa sila dito sa bahay. Wala pa naman tayong extra na kwarto para sa bisita, lalo na kung kaluluwa pa," mahabang paalala sa akin ni Nanay na may halong biro. Turo kasi ni Lolo Gosh iyon—na kapag may nakita akong naka-full white, wag ko daw pansinin para hindi ako sundan nito. Sabi pa ni Lolo Gosh, kapag nalaman daw ng kaluluwa na nakikita mo sila, hindi ka na titigilan hangga't hindi mo sila natutulungan na makatawid sa langit. Wala pa naman akong oras para tulungan silang makatawid sa langit dahil busy pa ako sa paghahanap ng trabaho. Mabuti sana kung matutulungan din nila akong maghanap, edi matutulungan ko rin sila. Kaya sa ngayon, doble ingat ako sa mga naka-full white na suot. "Oo, Nay. Wag kayo mag-alala, hindi lang naka-purong puti ang iiwasan ko kundi pati na rin yung mga nakadecolor ang suot para sigurado na wala akong makaengkwentrong kaluluwa," biruo ko kay Nanay. Nagmano ako sa kanya bago ako tuluyang umalis. Si Tatay nga pala ay maagang pumasada sa kanyang jeep. Jeepney driver ang trabaho ni Tatay, habang si Nanay naman ay labandera ng mga damit ng mga kapitbahay namin. Pupunta pala ako ngayon sa kumpanya na pag-aaplayan ko ng trabaho, kaya sana ay swertihin ako ngayong araw. "Sol Sumalangit?" "Yes po, ma'am, at your service. Sol Sumalangit po. Wag po kayong mag-alala, apelyido ko lang ang 'Sumalangit,' pero ako, buhay na buhay po," biro ko sa manager ng kumpanyang inaaplayan ko nang banggitin niya ang pangalan at apelyedo ko, na parang amoy pang-patay. Ewan ko ba kasi sa pamilya ko kung bakit ganyan ang mga pangalan nila. Pero ayos lang naman, dahil unique at kakaiba sa lahat. Nakita ko ang manager na napangiti nang kaunti, kaya naman umasa akong magiging maayos ang interview na ito. Kailangan ko talagang magtagumpay sa interview na 'to dahil ilang beses na rin akong hindi pinalad sa ibang kumpanya. Gusto ko na ring makatulong sa mga magulang ko, lalo na't medyo tumatanda na si Tatay at Nanay sa pamamasada ng jeep at sa paglalaba ng kung kani-kaninong mga damit. At higit sa lahat, kailangan ng madagdagan ang ipon ko para sa pang-board exam ko sa susunod na taon. "Well, Sol, ang unique naman ng apelyido mo," sabi ng manager habang binubuksan ang folder ko. "Mukhang interesting ka naman. Let’s see how this goes." Tahimik akong ngumiti at nagdasal sa isip. Sana, ito na ang simula ng bago kong trabaho. Maya-maya pa, nag-excuse sa akin ang manager na nag-interview sa akin at lumabas ito sa silid. Binigyan niya ako ng paalala na babalik siya kaagad, kaya't hintayin ko raw siya. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang opisina habang hinihintay siya. Ang mga dingding ay pinalamutian ng mga diploma at award, na nagpapakita ng tagumpay ng kumpanya. Makalipas ang ilang minuto, bumalik siya, kaya't agad akong napa-upo nang maayos. "Well, Mr. Sol Sumalangit, maganda ang nakalagay sa resume mo, lalo na sa mga previous job mo bilang cleaner. At higit sa lahat, graduate ka pala ng nursing," turan niya ng makapasok siya, kasabay ng pag-upo niya sa harap ng kanyang table. "Salamat, ma'am, at huwag po kayong mag-alala; totoo lahat ang nakalagay diyan sa resume ko," litanya ko naman. "Yes, I know. Actually, kaya rin ako nagpaalam sa iyo ay para tawagan ang dati mong pinapasukan, to just confirm na totoo ang nakalagay dito sa resume mo," wika niya sa akin, na medyo ikinagulat ko. Di ko akalain na ganito pala kahigpit dito sa kumpanyang ito na talagang tatawagan nila ang dati mong pinagtatrabahuhan para lang masiguro na totoo ang nakalagay sa resume ng mga nag-a-apply sa kanila. Feeling ko tuloy HR manager ang ina-applyan ko at hindi cleaner. "Halos ang iba kasi na nag-apply sa kumpanyang ito ay pinipeke ang mga experience nila sa trabaho, may mailagay lang sila sa kanilang resume. Kaya mahigpit talaga dito, to make sure din na ang mga staff dito ay maganda ang kanilang background," litanya pa niya. Mabuti na lang talaga at hindi ko ugali ang magpanggap sa mga impormasyon ko sa aking resume. "By the way, maaari ko bang malaman kung bakit cleaner ang inaaplayan mong trabaho? Instead na sa hospital ka mag apply bilang nurse?" seryoso niyang tanong sa akin. "Hindi pa kasi ako nakakapag-board exam sa kurso na natapos ko, ma'am. Kaya't tyaga-tyaga muna ako sa pagiging cleaner para makapag-ipon ng pang-board exam ko," paliwanag ko naman sa kanya, na siyang kinangungtungan niya. "Okay, Mr. Sol Sumalangit," tipid niyang sabi kasabay ng pag-fold niya sa resume ko at itinabi niya ito sa may gilid ng kanyang table. "You're hired, at bukas na bukas ay magsisimula ka na sa trabaho mo dito kasabay ng pagpirma mo sa iyong kontrata. I-e-email ko na lang sa iyo ang mga rules dito once na pumirma ka ng iyong kontrata bukas," nakangiting sabi niya. "Naku, ma'am, maraming salamat po," masaya kong pasasalamat sa kanya. Hindi na ako nagtagal at nagpaalam na rin ako. Masayang-masaya ako nang lumabas ako sa building ng kumpanyang papasukan ko bukas. Ang kumpanyang napasukan ko pala ay isang sikat na law firm na kilala sa pangalang Legal Solution Firm. Kaya hindi rin nakakapagtaka kung bakit sila mahigpit sa mga nag-a-apply sa kumpanyang iyon, lalo pa’t isa itong kilalang law firm. Habang naglalakad ako pauwi, puno ng saya at pag-asa ang aking puso. Nang makauwi ako, agad kong ibinahagi ang magandang balita sa aking Nanay. Ang saya sa kanyang mukha ay nagbigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy pa lalo ang aking mga pangarap. Alam kong hindi madali ang daan patungo sa aking layunin na maging nurse sa ibang bansa, ngunit ngayon, may panibagong simula akong hinaharap. Sa pagkakataong ito, hindi lang ako nag-apply bilang cleaner kundi may malaking pangarap sa likod ng bawat hakbang na aking ginagawa. Umaasa akong ang aking bagong trabaho ay magiging simula upang maiahon kahit papaano sina Nanay, Tatay, at si Lolo Gosh mula sa kahirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD