bc

LITERAL NA SOULMATE [18+] Sol & Mhet

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
dark
time-travel
like
intro-logo
Blurb

"Ako nga ito, Mhet, si Sol! Paanong hindi mo na ako kilala ngayon?" halos pasigaw na sabi ng lalaking hindi ko naman kilala. "Ano yun? Nagkamalay ka lang at gumising mula sa pagka-comatose mo, hindi mo na ako maalala?" dagdag pa niya.

"Bakit ba ang kulit mo? Eh, sa hindi nga kita kilala! At ano bang pinagsasabi mo? Paano mo nalaman na galing ako sa comatose? At isa pa, wala akong amnesia at lahat naaalala ko—magulang ko, mga kaibigan ko, mga katrabaho ko. Pero ikaw, hindi kita kilala kaya pwede ba, tigilan mo yang pagpupumilit mong kilala mo ako," malakas na sabi ko sa kanya, para matauhan siya sa mga sinasabi niya.

"Punyeta, naiyot ko pa nga ang kaluluwa mo, at ako ang nakakuha ng virgin mo, tapos hindi mo maalala," bastos na sabi ng walang hiyang lalaking kaharap ko.

"Bastos ka!" galit na sambit ko sabay sampal ng malakas sa pisngi niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
* * Sol's POV * * Medyum o spiritista, 'yan lang naman ang talent ko—ang makakita ng mga ligaw na kaluluwa. Sa madaling salita, may third eye ako. Letcheng third eye na ito. Sa dami-dami ng tao sa mundong ito, ako pa ang napiling magkaroon nito. Mabuti na lang at malakas ang loob ko at hindi ako matatakutin kapag may kaluluwa akong nakikita. Parang mas nakakatakot pa nga ang buhay na tao kaysa sa mga nakikita kong hindi nakikita ng iba. Sampung taong gulang ako nang madiskubre ko ang kakayahan kong ito, at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan dahil iyon din ang unang beses na nag-away ng matindi ang Nanay Phara ko at Tatay Norman ko. Diba, pangalan pa lang nila, malalaman mo nang may anak silang may third eye? Dahil pag pinagsama mo ang pangalan nila, muntik nang maging "paranormal"—Phara plus Norman, Pharanorman. *FLASHBACK 15 YEARS AGO* "Nay! Tay!" tawag ko sa dalawang magulang ko. Kakauwi ko lang galing eskwelahan, pero abala sila sa kanilang pag-aaway. Normal na sa akin na makita silang ganito palagi sa mura kong edad. Paano ba naman, itong tatay kong si Norman, lagi na lang nahuhuli ni Nanay Phara ko na may ibang babae. Napakamot na lang ako sa ulo ko nang hindi man lang nila ako pinansin. Maya-maya pa, napalingon ako sa ale na nasa tabi ng pintuan. Seryoso siyang nakatingin kina Nanay at Tatay na patuloy pa rin sa kanilang bangayan. Seryoso rin akong nakatingin sa ale nang bigla siyang tumingin pabalik sa akin. "Sino po kayo? At bakit kayo nandito sa loob ng bahay namin?" tanong ko nang may pagtataka, na mukhang ikinagulat niya. "Nakikita mo ako?" tanong niya, at lalo akong nagtaka. "Oo naman po, nakikita ko po kayo dahil hindi naman po ako bulag," sagot ko. "Sol!" mariing tawag sa akin ni Nanay kaya napalingon ako sa gawi niya. Tumigil na sila ni Tatay sa pagtatalo at seryosong nakatingin sila pareho sa akin, bakas ang pagtataka sa mukha nila. "Sinong kausap mo, anak?" seryosong tanong ni Tatay, puno ng pagtataka ang itsura at tono ng boses niya. "Siya po, Tatay," sagot ko, sabay turo ko sa ale na nasa harap ko. Saglit na nagkatinginan si Tatay at Nanay bago muling binalik ang seryosong tingin sa akin. Dahan-dahan silang lumapit matapos kong ituro ang ale. "Anak, wala naman kaming nakikita ng Nanay mo d'yan sa tinuturo mo," sabi ni Tatay na halata ang pagtataka. "Naku, mukhang may third eye yang anak mo, katulad ng tatay mo, Norman," sambit ni Nanay na hindi ko maintindihan, kaya napa-hawak ako sa mga mata ko. "Nanay, dalawa lang po ang mata ko. Ano pong sinasabi n'yo na tatlong mata? At hindi naman po tatlo ang kay Lolo Gosh, ah," sagot ko, at muli na namang nagkatinginan si Tatay at Nanay. "Sino ba yang nakikita mo, anak?" biglang tanong ni Nanay, at napakamot ako ng ulo. "Nay, bakit hindi n'yo siya tanungin? Nand'yan lang naman siya, oh," sabi ko, sabay tapon ng tingin sa ale na seryosong nakatingin pa rin sa amin. "Sabihin mo sa kanila, ako si Marites, ang may-ari ng panty na pinag-aawayan nila," utos ng ale, at agad ko namang sinunod. "Siya daw po si Marites, ang may-ari ng panty na pinag-aawayan n'yo daw po," wala akong pakundangan na sabi kay Nanay at Tatay. Mabilis na tumakbo si Tatay palabas ng bahay matapos kong sabihin iyon, at agad namang humabol si Nanay sa kanya. Natanaw ko pa si Nanay na inihagis ang itak ng kapitbahay namin na nagtitinda ng fresh buko sa labas ng bahay. *END FLASHBACK* Si Aling Marites ay isa sa mga naging babae ni Tatay noon, at siya rin ang dahilan kung bakit hinabol ni Nanay ng itak si Tatay. Kaya ko siya nakita noong panahon na iyon ay dahil wala na pala siya—dalawang linggo na siyang patay nang makita ko siya. Tandang-tanda ko ang mga pangyayaring iyon dahil iyon ang unang beses kong makakita ng kaluluwa, at masaklap pa, kabit pa ito ng Tatay ko. Nasa bahay namin ang kaluluwa ni Aling Marites nang araw na iyon para balikan ang pulang panty niya na nadala ni Tatay sa bahay namin matapos silang mag-motel. Sabi pa nga niya, binalikan niya iyon dahil may sentimental value ang panty na 'yon para sa kanya. Ang lupit din ng sentimental value ni Aling Marites—talagang panty pa talaga. Isang linggo hindi nakauwi si Tatay matapos ang nangyaring iyon. Mabuti na lang at napagkasundo sila ni Lolo Gosh, at siyempre, para mapatawad ni Nanay, nangako si Tatay na hinding-hindi na siya muling mangbabae. Napanindigan naman ni Tatay ang pangako niyang iyon, at mula noon hanggang ngayon, wala na siyang naging ibang babae pa. Ewan ko lang kung totoo nga ba na wala na talagang babae si Tatay, o sadyang maingat na ngayon si Tatay para hindi siya mahuli ni Nanay. Hahaha! "Oh anak, pangiti-ngiti ka d'yan, yung kape mo, lumalamig na," sabat ni Nanay sa akin nang mapadaan siya sa tabi ko. Nagkakape kasi ako ngayon bago lumabas ng bahay para maghanap ng trabaho. Yung kumpanya kasi na pinapasukan ko dati ay nalulugi na, kaya nagtanggal sila ng ibang staff, at siyempre, isa lang naman ako sa natanggal. Task! Hindi ko kawalan 'yon; kawalan ng kumpanya nila 'yon dahil tinanggal nila ang pinaka-magaling nilang cleaner. Oo nga pala, office cleaner ang trabaho ko, pero ngayon lang yan, dahil nag-iipon pa ako ng pera para sa board exam ko sa kursong nursing. Hindi ko kasi magamit-gamit ang kursong natapos ko dahil hindi pa ako nakakapag-take ng board exam, kaya ito, tiyaga-tsyaga muna sa pagiging cleaner. Sanay naman ako sa trabahong ito dahil working student ako mula high school hanggang sa makagraduate ako ng kolehiyo. Hindi kasi kaya ni Tatay at Nanay ang gastusin sa pag-aaral ko dahil sobrang mahal ng tuition fee ng nursing students. Kaya naman, kahit mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho, pinilit ko ito para mabago ang takbo ng buhay namin sa hinaharap. Balak ko rin mag-abroad kapag nakapag-take na ako ng exam, at di hamak na mas mapapadali at mapapabilis ang pagyaman ko kapag sa abroad ako nag trabaho. Nursing din pala ang napili kong taposin dahil bukod sa ito talaga ang gusto kong kurso, gusto ko rin makakilala ng marami pang kaluluwa kapag nagtrabaho na ako sa hospital. Minsan kasi, yung mga babaeng kaluluwa ang gaganda rin nila. Who knows, baka kaya pala ako binigyan ng ganitong kakayahan ay para makilala ko ang literal na soulmate ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
282.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook