"Mama, magaling ka na?" tanong ng anak ko habang pinipilit na umakyat sa hospital bed ko. Lumapit ako sa kaniya at inangat siya bago inupo sa tabi ko. "Magaling na ako, Kian. Hindi na sasakit ang ulo ni Mama" sabi ko sa kaniya. Nag-ningning ang mga mata nito at ngumiti. "Really, Mama?" tumango ako sa kaniya. Si Kristian lang naman ang nagpupumilit na hindi pa ako okay kaya nasa hospital ako. "Then, why are still here?" nawala ang ngiti nito at napalitan ng kunot. Hinilot ko ang noo niya hanggang sa nawala ang pagkakakunot. "Kasi hindi pa magaling ang Mommy mo. She's just pretending that she is." nilingon ko ang nagsalita at tinignan iyon ng masama. Pretending? ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Nakakaalala na nga ako, eh. Lumapit ito sa amin at umupo sa tabi ng bed ko. "Ma

