FIVE

1392 Words
Hindi ko alam kung anong mahika ang inilagay niya sa akin o kung ginayuma niya ba ako para sumunod ako sa kaniya pero natagpuan ko nalang ang sarili kong yakap yakap ang anak ko sa loob ng sasakyan niya. Dapat makaramdam ako ng takot, kaba o kahit ano pero imbes na ganun ay iba ang nararamdaman ko. Kalmado ako at nararamdaman kong safe ako hindi katulad sa bahay ni Tita na parang parating may nakatingin at anumang oras ay may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Gumalaw si Kian at sumiksik sa akin. Mukha itong hindi kumportable dahil nakakunot ang noo nito at kanina pa galaw ng galaw. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinilot ang pagkakakunot ng noo niya. Kahit nakapikit siya ay makikita mo parin ang pagkakahawig niya sa lalaking kasama namin kahit pa sabihing hindi ko nakikita ang asul niyang mga mata. "Ginagawa mo din sa akin iyan noon. Hinihilot mo ang noo ko kapag nakakunot, pinapakalma mo ako kapag nagagalit ako." lumingon ako kay Kristian ng sabihin niya iyon. Kaya ba hilig kong gawin iyon kay Kian kasi ginagawa ko na iyon dati kay Kristian? Ano ko ba siya? Sino ba siya sa buhay ko? "Sino ka ba talaga Kristian Fourth Dela Marcel? Ano ba kita? Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin? Kung ikaw ang ama ni Kian, ibig bang sabihin noon asawa kita?" sunod sunod kong tanong. Unti unting nawala ang ngiti niya at umiwas ng tingin na siyang ikinakunot ng noo ko. May nasabi bakong mali? "Hindi mo ako asawa. Hindi naging tayo. Mahirap ipaliwanag, Hera. Mas magandang unti unti mo nalang na maalala." bumuntong hininga ako at hindi na muling nagtanong pa tungkol doon. Mukha kasi siyang hindi kumportable kapag tungkol doon ang tinatanong ko.  Ilang minuto ang nakakaraan ay muli akong lumingon sa kaniya. I was about to ask another question but he interrupted me. "Magpahinga ka muna, Hera. Sasagutin ko lahat bukas katulad ng sinabi ko. Dadalhin pa kita sa lugar kung saan nangyari ang mga bagay na iyon pero sa ngayon magpahinga ka muna dahil bukas hindi lang ikaw ang kailangan ko maging ang lakas, puso at isipan mo. Sana nga totoo ang sinasabi nila na maaari mang makalimot ang utak ngunit hindi ang puso. Sana, Hera maalala mo pa ako kasi may pangako kang iniwan sa akin na hanggang ngayon ay hinihintay kong matupad." umiwas ako ng tingin ngunit bumalik din sa kaniya ng maramdaman kong may naghawak sa kamay ko. Tinanggal ko din iyon hindi dahil ayaw ko kundi dahil sa parang naku-kuryente ako sa mga hawak niya. Ngumiti ito ng tignan ko pero hindi umabot sa mga mata nito. Nasaktan ko siya base sa ekspresyon ng mukha niya. Kinagat ko ang labi ko at tumingin nalang sa bintana. Nagising ako na nasa isang malaking kama na. Agad akong umupo ng makitang mag-isa lang ako at wala si Kian. Agad na umahon ang kaba sa dibdib ko at hindi na pinansin na iba na ang damit na nakasuot sa akin. Lumabas ako ng kwarto at lalo lang kumunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang napakalawak na living room. Nasaan si Kian? Luminga linga ako sa paligid. Naghanap ng ibang kwarto at nakahanap din naman ako kaagad sa isang gilid. Agad akong pumunta doon at binuksan ngunit wala itong laman. Lalo akong kinabahan. Bumaba ako at naghanap ng tao ng makasalubong ko si Kristian na mukhang kakagising lang dahil nakasuot ito ng tanging pajama lang! Kitang kita ko ang naguumapaw nitong kakisigan. Kumurap kurap ako at iiwas sana ng tingin ng mapansin ang tattoo sa dibdib niya. Wala sa sariling napatitig ako doon. "Hera." basa ko. Ako ba iyon? "H—Hera, stop looking at me like that" "Mama!" kumurap kurap ako at unti-unting tumingin sa b****a ng hagdan kung nasaan ang anak kong hinahanap ko pala. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa inis. Nakakita ka lang ng abs nakalimutan mo na ang anak mo! "Kian" sabi ko bago siya sinundo sa taas. Binuhat ko siya at yumakap naman ang maliliit nitong braso sa leeg ko. Doon ko napagtantong ibang iba talaga ang suot ko.. "Mama bakit tayo nandito? Bakit ibang house na ito? Nasaan po si Lola? Bakit kasama mo iyang lalaking iyan?" sunod sunod na tanong ni Kian. Kinagat ko ang labi ko at naghahanap ng sagot pero inunahan na ako ni Kristian. "Dito muna kayo titira ng Mama—" "Mama ko!" sigaw ng anak ko dito. Tinakpan ko ang bibig ni Kian dahil ang lakas ng boses nito at nakakahiya kay Kristian pero nginitian lang nito ang bata. "...Fine, buddy. Dito kayo titira hangga't hindi pa nakakaalala ang Mama mo" sabi ni Kristian. Umirap si Kian dito at sinubo ang thumb nito bago sinandal ang ulo sa balikat ko. "Ikaw ba ang nagpalit sa akin?" hindi ko maiwasang hindi tanungin. Ibang iba kasi ang suot ko at sobrang nipis pa na pantulog pero at least hindi nighties kundi spaghetti strap at shorts na magpartner na may print na hello kitty ito. Nagulat ako ng mamula ang mukha nito maging ang mga tenga nito. Umiwas ito ng tingin tsaka umiling iling. "H—Hindi! Si M—Manang kaya nagpalit sa iyo!" parang batang sabi nito. Bakit ang guwapo niya kahit namumula siya na parang babae? Minsan napapatitig nalang ako sa kaniya. Ano ba naman itong nasa utak ko! Bakit puro gwapo at abs! "Mama gusto ko ng gatas." doon ko lang naalala na wala pala kaming dinalang gamit kagabi at malamang sa malamang naiwan rin namin ang mga feeding bottles ni Kian. Kahit halos magtatatlong taon na ito ay umiinom parin ito ng gatas sa feeding bottles. Ayaw nito sa baso kahit na anong gawin ko. "May gatas sa kitchen. Hindi ko lang sigurado kung ano ang gatas na—" "Mama gusto ko Progress lang! Ayoko ng iba." sabi agad ni Kian. "May Feeding bottles ka ba Kristian?" tanong ko at agad itong tumango. Kumunot ang noo nito na parang nagtatanong. "Hindi kasi umiinom ng gatas si Kian kapag hindi sa Feeding bottles at hindi Progress ang milk niya" sabi ko bago yumuko at kinagat ang labi ko. Ang dami na naming nagawang abala. Nakakahiya na sa kaniya. Sa kaniya na nga ako titira, kami ng anak ko tapos lahat pa ng kailangan ay sa kaniya ko inaasa. Wala naman kasi akong dalang kahit ano. Pati wallet ay iniwan ko sa aming kwarto.  "May feeding bottles ako diyan. Binili ko para sa mga pamangkin kong namamasyal dito. Kung hindi ako nagkakamali ay may mga hindi pa nabubuksan sa kusina. May ganoon din akong gataw sa kusina. May iba pa ba siyang kailangan?" tanong nito. Umiling ako at sinabing wala na. Katulad nga ng sinabi niya ay may feeding bottle siya at ang gatas na paborito ng anak ko na hindi pa nabubuksan. Agad na umupo si Kian sa lamesa at hinintay na mabuksan ko ang gatas. "Mama pahingi ako. Gusto ko ng ganiyan!" sabi nito at nilagay ang hintuturo sa gatas tsaka pinasok sa bibig nito. Hilig nitong papakin ang gatas na hindi pa natitimpla. Mahirap naman siyang pagbawalan dahil masyadong madaming tanong at sa dulo ay wala kang magagawa kundi pumayag nalang sa kagustuhan niya. "Kian, hindi natin bahay ito. Hindi din sa'yo 'tong—" "It's okay, Hera. Let him do whatever he wanted. Kaya ko namang ibigay sa anak ko ang mga pangangailangan niya." anak ko. Iyon ang narinig ko. Sigurado ako doon. "Pero..." "Hindi ako nagtrabaho ng ilang taon para gutumin ang magiging anak ko. Ibibigay ko lahat ng luho niya, gusto niya at lahat lahat kahit ano pa iyan kung kakayanin ko katulad ng kaya kong ibigay sa Nanay niya. Kung hahayaan niya lang ako." lumingon ako sa kaniya at halos mapaatras ako ng makitang titig na titig siya sa akin. Umiwas ito ng tingin. Ipinagkibit balikat ko nalang ang sinabi niya at tinuloy ang ginagawa. Sinabihan ko si Kian na mamaya na magpapak ng milk kapag nakakain na ng kanin na agad naman nitong tinanguhan. It may sounds crazy or something pero iba ang pakiramdam na kasama siya. Iba ang pakiramdam na nandito ako sa bahay niya. Para akong nabuhay. Parang nagkakulay ang mundo ko at hindi kagaya noon na sobrang dull. Pumikit ako at nilagay ang kanang kamay sa dibdib ko. Ang lakas ng t***k nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD