"So sinasabi mo na hindi ikaw ang gusto ko kung hindi ang Kuya mo?" tanong ko sa kaniya.
Naguguluhan kasi ako. May anak kami at sinasabi niyang anak niya si Kian pero ngayon naman kinukwento niya na may gusto ako kay Kristoff daw na Kuya niya. Halos magkakasabay daw kaming lumaki at bata palang ako ay gusto ko na ang Kuya niya.
Pinakita niya sa akin ang kapatid at mas matanda pala ito ng halos pitong taon sa akin. Hindi ko maalalang nagustuhan ko siya dahil kung titignan ay mas guwapo si Kristian kaya bakit hindi si Kristian ang gusto ko?
Sobra akong naguguluhan. Isama mo pa na paano kami magkakaanak kung hindi pala siya ang gusto ko? Hindi ko maatim na nakipagtalik ako sa kaniya pero iba naman ang tinitibok ng puso ko. Para talagang hindi ako.
"Hindi lang gusto, Hera. Obsess ka kay Kuya na kahit ano ginawa mo pati ang paghiwalayin silang mag-asawa." nanlalaki ang mga mata ko.
Nagawa ko iyon? Ganoon ako ba ako kasama noon? Mas lalo kong hindi maintindihan iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa iyon. Hindi ko magagawang pag-hiwalayin ang mag-asawa dahil lang sa nararamdaman ko.
"M-Masama akong tao noon?" tanong ko sa kaniya na nagpahalakhak sa kaniya.
Kumunot ang noo ko at inirapan siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, ah?
"Sort of. Nasaktan mo kasi sila pero in the end naintindihan mo din na hindi ka naman mahal ni Kuya at si Ate Ysa ang gusto niya" sabi nito.
"Humingi ba ako ng tawad?" tanong ko.
Kung nasaktan ko sila at naging ganun ako dahil sa obsession ko sa Kuya nila at naintindihan ko na sa huli, nakahingi naman siguro ako ng tawad?
"Oo, pero hindi na kay Ate Ysabel. Hindi na kasi kayo nagkita pa. Sinubukan mo pero hindi na kayo nagkausap pa dahil ayaw ni Kuya at umalis ka na." ngumuso ako at nangalumbaba.
Siguro hanggang ngayon ay galit na galit parin ang Kuya niya at Ate niya sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil base sa kwento ni Kristian ay umabot pa sa puntong muntik ng mawala ang anak nila dahil sa akin. Hindi ko din naman mapapatawad ang sarili ko kung nangyari iyon.
"So ibig sabihin ba non ay kahit kailan ay hindi ikaw ang nagustuhan ko?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya pero katulad ng dati ay hindi na naman ito umabot sa mga mata niya. Gusto kong makita siyang ngumiti na umaabot hanggang sa mata niya. Gusto kong maging puro ang ngiti niya pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga din alam kung bakit ko nararamdaman ito.
"Oo. Umamin ako sa'yo pero sinabi mong hindi mo matutugunan ang nararamdaman ko. That we should take time pero nagulat ako ng magpaalam ka sa akin na aalis ka. Kaya kong maghintay ng taon, Hera basta nasa tabi kita. Hindi ko kakayaning mapalayo ka sa akin. That time, sa iyo lang umiikot ang mundo ko. Kung nasasaktan ka, nasasaktan ako. Kung masaya ka, masaya ako. Ikaw lang... tapos nangyari ang gabing iyon. Akala ko hindi ka na aalis. Akala ko may pag-asa na ako pero mali pala ako dahil iiwanan mo pala ako. Ilang taon na ang nakalipas, Hera. Sana tapos na ang time na hinihingi mo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Ibig sabihin ba non ay nag-hintay siya sa akin kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ako o kung magugustuhan ko siya?
"I was hurt but I looked for you. Hindi kita nahanap. Your parents wasn't able to find you. Sabi nila patay ka na pero hindi tinatanggap ng mga magulang mo. Kung nalaman ko lang na ganoon ang nangyari..."
Paano kung hindi nila ako nakita sa Resort ng gabing iyon? Paano kung hindi na ako bumalik? Hinihintay niya ba talaga ako... pero bakit ako?
"Ang tanga ko ba? Alam kong iniisip mo iyon ngayon. Sino ba naman ang matinong lalaking mag nahihintay sa babaeng hindi naman siya mahal? Sinong matinong lalaking maghihintay na walang kasiguraduhan na babalikan nga siya pero kasi Hera, sa pagalis mo pati puso ko dinala mo. Paano kita makakalimutan kung hindi ko naman nabawi ang puso ko sa'yo? Paano ako magmamahal ng iba kung nasa'yo ito?" hindi ko alam kung bakit parang nababasag ang puso ko habang nakikita siyang nagkakaganito.
Hindi ba talaga siya ang gusto ko? Bakit hindi nalang naging siya?
"Tsk. Tama na nga ito. Hindi ka pa nga nakakaalala. Tsaka na kapag naaalala mo na ako" sabi nito.
"Bakit ba parati kayong magkasama Mama? Pinagpapalit mo na ba ako sa kaniya Mama? Ayaw mo na ba sa akin?" nagulat ako ng pameywangan ako ni Kian na masama ang tingin kay Kristian.
Kapag galit ito at nangungunot ang mga noo ay lalo kong nakikita na magkamukha nga talaga sila. Hindi ko nga lang masabi sa anak ko kung sino si Kristian sa buhay niya dahil natatakot pa ako.
"Kian, naguusap lang naman kami—"
"Tapos sasakit na naman iyong head mo tapos mahihimatay ka na naman! Mama naman, eh!" sabi nito at lumabi bago tuluyang umiyak. Hahawakan ko palang siya pero naunahan na ako ni Kristian.
"Hindi ko naman sasaktan ang Mama
mo, Kian. Katulad mo gusto ko din siyang alagaan. Pareho lang naman tayo na nag-aalala kay Mama mo. Kapag nananakit na ang ulo ni Wifey mo, titigil na ako. Hindi ko na ipapaalala sa kaniya lahat kahit hindi na niya ako maalala basta 'wag lang sumakit ang ulo ng Mama mo" tumigil sa pag-iyak si Kian at nanatili itong nakatitig kay Kristian. Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis na naman ang t***k ng puso nito.
You can close your eyes for the things you don't want to see. You can cover your ears for the things you don't want to hear but you can never close your heart for the things you don't want to feel. Ayokong maramdaman ang mga ito pero masaya ako tuwing nakikita ko silang dalawa kahit na hindi sila magkasundo at kahit galit si Kian dito.
Hindi ba talaga si Kristian ang minahal ko? Bakit parang hindi naman?
Umupo ako sa sofa bago tumingin sa orasan. Pumasok sa trabaho si Kristian ngayon. Ayaw niya pa nga sana pero ayoko namang ako ang maging dahilan kung bakit hindi siya papasok kaya naman pinilit ko siya. Tulog si Kian kaya lalo akong naburyong. Ilang oras pa bago ito dumating.
"Nagugutom ka ba, hija?" tanong ni Manang. Umiling ako at nagpaalam na aakyat muna. Tutuloy na sana ako sa kwarto ng may mapansin na maliit na kwarto sa malapit sa hagdan. Maliit lang ang pinto at halos magkakulay lang sila ng pader kaya kung hindi mo ito titignan ng mabuti ay hindi mo makikita na may pinto pa pala doon.
Bumaba ako at binuksan iyon. Maswerte ako dahil hindi naman pala ito naka-lock. Hindi ko alam kung bakit hinihila ako nito papasok at hindi na ako nagtaka kung bakit. Punong puno ng larawan ko ang kabilang gilid ng kwarto. May nakangiti ako pero halos lahat ay stolen. Lumingon ako sa kabilang side at nakapaskil doon ang larawan naming dalawa. May ilan ding stolen.
Hera and I. Seventeenth birthday
Hera and I. Js Prom
Hera and I. Dad's Birthday.
Hera and I. My Birthday.
Kung ano ano pa ang mga Caption ng mga larawan. Lumingon ako ay may mga photo albums naman sa may malapit sa bed. Halatang palaging nililinisan ang mga ito dahil sobrang kintab ng covers. Binuksan ko ang isang photo album at sa harapan ay may nakasulat na 'Hera and her friends'. May mga babae akong kasama sa mga larawan. Mayroong punong puno kami ng icing sa mukha, may mga naka-damit kami ng pang-hollowwen. Marami pang iba at ang iba namang photo album ay may nakasulat na 'My Love'. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko habang sinisimulan kong buksan ang photo album. Mga larawan ito simula ng baby hanggang sa magdalaga ako. Ako... dahil kamukhang kamukha ko ito.
Puro masasaya ang mga larawan na para bang ayaw makita ng may-ari na malungkot ako. Wala sa sariling hinaplos ko ang dulong larawan ng 'My Love' photo album. It's him, Kristian, and me naked in his bed. Tanging ang maseselang parte lang namin ang may cover. Nakatalikod ako sa kaniya habang yakap ang unan, siya naman ay nakayakap sa akin mula sa likuran habang parang hinahalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
Bakit hindi ko ito maalala? Ilang taon na ang nakakalipas pero bakit wala parin akong maalala? Gusto ko ng maalala lahat! Gusto ko ng maalala ang mga bagay na ikinuwento sa akin ni Kristian. Gusto kong malaman kung bakit hindi siya ang minahal ko at kung bakit iba ang nararamdaman ko sa kinuwento niya.
Sa sobrang frustration ko ay sinabunutan ko ang sarili ko. I keep on mumbling 'Bumalik ka na'. Thinking na babalik nga ang memories na nawala sa akin habang ginagawa ito pero wala. Kahit anong gawin ko ay walang bumalik. Umiiyak na sumubsob ako sa kama. Bakit ba ako nawalan ng alaala? Paano nangyari iyon?
"Hera?" nakarinig ako ng iilang mahihinang mura bago ko maramdaman na may yumakap sa akin. HInawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kaniya. Muli siyang nagmura ng makitang umiiyak ako.
"Gusto ko ng makaaalala, Kristian. Gusto ko ng maalala lahat iyan! Bakit wala parin! Bakit wala?" sabi ko. Hinalikan niya ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya at tuluyan na akong kumalma sa yakap niya.