"H'wag ka ngang tumingin kay Mama! Hindi nga sumasakit ang ulo niya, tinutunaw mo naman siya sa mga tingin mo!" pinanlakihan ko ng mata si Kian.
Parang wala lang itong nakita dahil umiwas ito ng tingin sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon, nagsisisi akong sobrang talino ng anak ko. Akala tuloy nito ay kaya na nitong gawin lahat.
"It's okay, Hera. Hayaan mo lang siya." nakangising sabi ni Kristian bago kumindat sa anak niya.
Natawa pa ito ng umirap ang bata sa kaniya. Tsk, natutuwa pa talaga siya sa binabastos siya ng bata. Lahat ata ng ginagawa ni Kian ay kinatutuwaan niya. Umiling nalang ako at tinuloy ang pagkain.
Nasasanay na rin akong tinatawag niyang Hera. Ika niya ay Hera Artemis Go ang tunay kong pangalan.
"Kristian, nariyan si Yshna." lumingon ako kay Manang ng bigla itong dumating. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya. Sino naman si Yshna?
"Pakisabi nalang Manang na dumiretso na siya dito at ng makapag-agahan naman siya." sabi ni Kristian.
Lalong kumunot ang noo ko ng mapansin na iba ang kinang ng mga mata niya habang pinag-uusapan ang babaeng iyon.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Sino siya? Kilala ko ba siya?
Maya maya ay may dumating na babae. Nakasuot ito ng botton down long sleeves at bandage skirt na nagpapakita ng perpektong hubog ng katawan nito. Nakaladlad ang buhok niyang kulot-kulot na bumagay sa maliit nitong mukha.
Humarap ito sa kanila at napansin ko ang pagkunot ng noo nito at ang pag-tigil nito sa paglalakad. Gulat na gulat ang ekspresyon nito na parang bang nakakita ng multo. Maya maya ay tumalim ang mga mata nito tsaka umiwas ng tingin at malambing na ngumiti kay Kristian.
"May bisita ka pala, Kristian. Akala ko pa naman makakapag-solo tayo ngayon" malanding sabi niya kay Kristian bago lumapit dito at humalikan si Kristian... sa gilid ng labi nito.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko na namang umiyak sa nakikita ko. Para akong sinasaksak ng libo libong punyal habang nakikita sila. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung hindi ko gusto si Kristian bakit ganito? Bakit parang nasasaktan ako?
Umiwas ako ng tingin at sinubukang lumunok kahit na parang binuhusan ng asido ang lalamunan ko. Sino si Yshna?
What's their relationship?
"Yshna!" kunot noong sabi ni Kristian. Parang wala lang na humalakhak si Yshna sa ginawa ni Kristian.
"Parang ngayon ko lang naman ginawa iyan. Dati nga mas grabe pa diyan." makahulugang sabi nito bago tumingin sa akin at ngumisi na parang hinahamon ako.
"Yshna! Pinapunta kita dito para sa mga dokumentong kailangan ko at hindi para magsalita ng mga ganiyang bagay!" may diing sabi ni Kristian. Namumula ang pisngi niya sa galit... para saan? Para kanina? Dahil ba sa sinabi ni Yshna?
"Mama, sa loob nalang ako. Hindi ko pa natatapos ang jigsaw puzzle ko." paalam ng anak ko.
Napansin ko kung paano niya tinignan si Kristian. My son is disappointed. Laling dumilim ang tingin ni Kristian.
"Go, baby."
"Hera, si Yshna pala secretary ko. Yshna si Hera." si Kristian ng makalayo na ang anak namin.
I was expecting na may katuloy pa ang sa akin pero naghintay lang ako sa wala dahil wala na talagang katuloy. Bakit ba nasasaktan ako sa mga simpleng bagay ngayon? Alam ko naman na wala naman talaga kami.
"Nice meeting you, Hera." sabi ni Yshna at ngumisi sa akin.
Tumango lang ako sa kaniya at sinimulang ubusin ang breakfast ko kahit na halos pinaglalaruan ko nalang ito. Ayokong umalis. Ayoko.
"Ito na 'yong mga papers na kailangan ng urgent mong pirma. Kung sana pumapasok ka, di sana hindi ko na kailangan pang pumunta dito?" may bahid ng sarkasmo sa boses niya.
Hindi ko alam kung dahil ayaw ko lang sa kaniya kaya nakakarinig ako ng ganoon o talagang ganoon lang talaga ang pagkakasabi niya. Nanatili akong tahimik kahit na gustong gusto kong ipamukha sa kaniya na sekretarya lang siya and besides wala naman akong karapatan na gawin iyon? Sino ba ako sa buhay ni Kristian? Isa lang naman akong babaeng pinapatira niya at tinutulungang makaalala.
"Wala na din akong kasamang kumakain, Kristian. Kailan ka ba kasi papasok?" hindi ko na napigilan at umirap na ako. Parang siya iyong boss kung makapag-salita, eh, di hamak na secretary lang naman siya.
"You can eat alone, Yshna. I'm busy. " siryosong sabi ni Kristian.
Sumimsim ako ng juice at pasimpleng tinignan si Yshna. Ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko siyang nakatingin sa akin ng masama. May ginawa ba ako? Hindi pa nga ako nagsasalita?
"Mas importante pa ba ito sa kumpanya niyo? Mas importante pa sa lahat? Hanep! Matapos mawala ng ilang taon, Kristian mas importante parin siya kaysa sa mga taong nandiyan at hindi ka iniwan?" kinagat ko ang labi ko at yumuko.
Alam kong ako ang tinutukoy niya. The way she looks at me is enough proof that she doesn't like me.
I just felt so hopeless. Hi di ko magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga gonawa ko noon. Ni hindi ko maalala kung bakit ako umalis.
"Yshna, tama na!" sabi ni Kristian.
I was about to stand at magpaalam na aalis nalang dahil hindi ko na kaya kung may maririnig pa ba ako pero sinamaan ako ng tingin ni Yshna.
"Aalis ka? Bakit? Kasi hindi mo kayang marinig ang mga sasabihin ko? Wala kasing boses si Kristian para tanungin ka kaya ako na ang gagawa. Bakit ka umalis? No... Bakit ka pa nagpakita ulit, Hera? Bakit ngayon pa? Ano na naman ang kailangan mo?" nagulat ako ng biglang ibagsak ni Kristian ang kamay sa mesa na dahilan kung bakit nalaglag at nabasag ang ibang plato. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya.
Napakadilim ng mukha niya. His lips were pressed on a thin line.
"I told you to stop! You don't have the rights, Yshna! You are just my secretary!"
"I am also your friend, Kristian! I was there when you almost died trying to find her! I was there when you were nothing but a trash! Ako iyong nagbantay sa'yo at tumulong sa'yong tumayo noong ilang beses kang madapa dahil sa sobrang kalasingan at dahil ulit sa babaeng iyan! Ako ang nandoon, Kristian! Kaya siguro naman karapatan akong malaman." sigaw ni Yshna pabalik dito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Lalo lang nakadagdag sa sakit ang dahilang wala akong maibigay na kahit ano. Walang wala dahil hindi ko din alam kung bakit... bakit ko siya iniwan?
Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Inis ko itong pinunasan. Wala na ba akong ibang gagawin kundi umiyak? Nakakasawa na kasi. Nakakasawa ng umiyak at masaktan pero wala akong maibigay pabalik sa mga taong nasasaktan ko.
"I'm sorry—"
"Sorry? Kung si Kristian tatanggapin iyan pwes ako hindi. Anong dahilan mo, Hera! Magbigay ka naman!" tinulak niya ako pero hindi naman ako natumba dahil hindi naman ganun kalakas.
"Yshna!"
"I need to know, too!"
Nagsukatan sila ng tingan sa harapan ko. Ilang beses na umiling si Yshna bago tuluyang umalis. Kristian followed her.