“A-ano ba'ng sinasabi mo?” natatawang tanong ko sa kanya. Iniisip niya ba talaga na maniniwala ako sa gano'ng kalokohan? “Bakit naman gagawin ni Ate 'yon? Galit ako kay Ate pero alam kong hindi niya magagawa 'yon, s-saka lalaki si Zared, hindi mananalo si Ate sa kanya,” sabi ko na lang saka tumayo at hinawakan ang kamay ni Zared. Tumingin ako sa kanya, napakunot ang noo ko nang mapansing wala siyang kibo. “Alam ko na ngayon kung bakit hindi mo magawang sabihin sa kanya ang totoo, Ridge,” natatawang sabi ng nanay ni Zared. “Zared, Rina, halika na kayo. Umuwi na lang tayo, pagod na rin ako,” sabi ko na lang at sinubukan silang hilahin pero natigilan ako nang mapansin kong hindi nagalaw si Zared. “Ano po bang nangyayari?” inosenteng tanong ni Rina. Lumapit si Tita Shenna sa kanya at kin

