Ridge Zared Farthon ~ "Kumusta ang pag-aaral mo, anak?" tanong ni Mama. "Ayos naman po," I said and smiled at her. "Buti naman kung gano'n, wag kang gagaya rito kay Rash," sabi ni Mama saka binatukan si Rash. "Ako na naman Mama, mabait na 'ko." I just smiled while looking at them. Mama Shenna is too good to be true, she's a perfect mother, and a perfect mother like her doesn't deserve to have a son like me. "Ano'ng gusto mong kuhaning kurso?" Mama asked while preparing food for us. I just smiled at her. "Kung ano'ng gusto ni Papa," sabi ko na lang at napatingin kay Papa na abala sa pagkain. Natigilan siya at napatingin sa 'kin. "You should choose a track that you really want, Ridge. I'll support you with anything you want," he said while looking at me. That's my problem, I don'

