Chapter 24

3617 Words

“Umayos ka Reign, baka nalilito lang sa ngayon si Rina. Bigyan mo muna siya ng time.” Hindi ako sumagot sa sinabi ni Nestlyn, wala akong gana kahit ang makipag-usap sa kanila. Dalawang araw na 'kong hindi nakakatulog ng ayos, hindi rin ako nakakapasok sa trabaho. Wala akong ganang kumilos, kahit pagkain ko sina Nestlyn pa ang nagdadala rito sa bahay. “Oo nga Reign, 'wag ka munang mawalan ng pag-asa. Hindi rin naman madali para kay Rina na tanggapin agad ang lahat, pero mahal ka naman no'n, hahanapin ka rin ni Rina,” sabi ni Mea habang ipinaghahain ako. “Sus, malamang na-brainwash na ng Ridge na 'yon si Rina,” bulong naman ni Gio. Binatukan siya ni Nestlyn. “Hindi ka nakakatulong teh, manahimik ka na lang,” napapailing na sabi ni Nestlyn, napaismid na lang si Gio. Napabuntong hininga a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD