“Beh, magluluto lang ako. Hindi ako aalis.” Napangiti na lang ako nang mas higpitan ni Rina ang pagyakap sa 'kin. Marahan kong hinaplos ang buhok niya saka dinampian ng halik ang noo niya. “Baka po umalis ka ulit, yayakapin lang po kita palagi para hindi ka po umalis,” sabi niya na lang kahit napapahikab na siya. Mukhang antok na antok na siya pero pinipigilan niya lang ang sarili niya na matulog dahil baka umalis ako. Napabuntong hininga na lang ako at pinahiga siya ng ayos sa kama niya. “Hindi ako aalis, promise. Magluluto lang ako ng pagkain mo. Tingnan mo, pumayat na ang baby ko. Bakit ba kasi hindi ka nagkakakain? Pinag-alala mo si Mommy,” nag-aalalang sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya. “S-sorry po Mommy, sorry rin po kung nagalit ako sa 'yo. Hindi ko na po uulitin tapos

