Kabanata 34

1416 Words

Mayo 6, 1899 Sa aking talaarawan, Pang pitong araw ko sa bahay na ito ng hindi lumalabas. Labis-labis na ang lungkot na nadarama ko sa aking puso, maging ang aking mga mata ay mugtong-mugto na dahil sa pag-iyak. Ang aking katawan naman ay mahina at mahapdi dala ng konting kinakain ko at mga tinamo ko sa palo sa akin ng Itay. Naka sarado parin ang pinto ng silid at binubuksan lamang kapag kakain na sa hapag. Sabay-sabay parin kaming kumakain na pamilya ngunit daig ko pa ang hangin sa kanila. Hindi ko magawang kumain ng marami dahil bukod sa wala akong gana ay dinig ko ang lagapak ng mga kubiyertos sa plato ng Inay at Inay, sinasadya nila iyon. Ngayon na pang pitong araw ay nakatanggap ulit ako ng sampal galing kay Inay dahil sa pagdala ko kay Hereneyo sa loob ng aming bahay noong umalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD