bc

God's Plan

book_age16+
432
FOLLOW
1.3K
READ
others
family
arranged marriage
others
tragedy
sweet
straight
small town
others
first love
like
intro-logo
Blurb

Magkaibang henerasyon, magkaibang panahon, magkaibang storya ang isinulat ng panginoon. Dalawang istorya ng pag-ibig, magkaibang umiibig at iniibig. Mga estado ng buhay ay magkaiba, mayaman at mahirap, kung baga. Parehong pinag-isa, pero sa kasalukuyan lang naging masaya. Ang isa ay may tadhanang ipaglayo, ang isa naman ay pinagtagpo, ang isa ay pag-ibig na hindi naipaglaban, ang isa ay nauwi sa simbahan.

Ang nasimulan sa nakaraan, matutuloy sa kasalukuyan. Si Neya at Sacorro, na parehong tindera, parehong umibig at inibig sa mga lalaking mas matataas pa sa langit. Sina Henereyo at Corro, mga lalaking tindera ng isda ang mundo. Kapwa mga inhenyero, pero mga babaeng walang pinag-aralan ang tipo.

Sa kamatayan nagtapos, ngunit sa diary nabasa ang pag-ibig na walang pagtatapos. Kung may namatay, sino ang babaeng trahe-de-boda ang suot?

“In the past, they'd start; in the future, we'll end up.” ─Neya Antonio

God's Plan

© 2020 Day Biasca

chap-preview
Free preview
Introduksiyon
Ang Pasacao ay kasalukuyang itinuturing na Summer Capital ng probinsyang Camarines Sur sa Bicol o ang ika-limang rehiyon ng Pilipinas. Ito ay itinuturing na Summer Capital sapagkat karamihan sa mga Bicolano— mga taong nakatira sa Bicol, ay bumibisita sa lugar tuwing sumasapit ang bakasyon upang magliwaliw at maligo sa dagat. Isa sa mga atraksiyon sa Pasacao ay ang bundok sa gitna ng karagatan nito na tinatawag na Daruanak, makikita iyon sa Sitio Balogo. Marami pang ibang atraksiyon sa lugar. Nariyan ang Sitio Caranan na nasa may bandang dulo na ng Pasacao, Santa Rosa, Dalupaon, Antipolo, at iba pang mga Sitio. Bukod sa mga bisita galing sa ibang munisipalidad at lalawigan, mayroong ring mga tao sa Pasacao na naninirahan. Sa Pasacao naganap ang kuwento sapagkat sinasabing ang lugar na ito ay puno ng paghihirap, kaguluhan, at pagdurusa dahil sa kasaysayan ng heograpiya nito. Isa ang Pasacao sa mga lugar kung saan naganap ang mga pandarambong ng mga piratang Moro noong panahon ng mga Espanyol. Ang mga karagatan sa Pasacao sa kasalukuyan ay nananatili ang mga bagay na makapagpapa-alala sa mga kaganapan noon. Hanggang ngayon ay naroon parin ang mga barkong ginamit nang mga tao noong panahon ng paghihirap ng lugar. Nasa kailaliman man iyon ng dagat ngunit naroon ang halos lahat ng mga kagamitang magpapakita sa tinamo ng Pasacao. Tulad nang mga barko, may pagkakahawig ang nakaraan ng Pasacao sa istorya dahil sa talaarawan na siyang mismong simbolo ng buong kuwento. Bukod pa rito, tulad nang pagdarambong na pinag-planuhan, tila nasa plano rin ng tadhana ang kinahantungan nang mga karakter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

OSCAR

read
248.6K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.5K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook