Chapter 7

1253 Words
YUKI'S POV Naihatid ko na sa opisina ng boss ko yung pagkain na pinadala ng sekretarya nya kaya naman ime message ko na sana sya para i inform kaya lang ay dumating na ito. "Good afternoon Sir." Bati ko dito and he greeted me back. "Ms. Mendez naibigay mo ba yung pagkain?" Tanong nito sakin "Yes sir, kakabigay ko lang po actually." Sagot ko naman dito. "Okay, Thank." umalis na ito at dumiretso na sa office ng boss namin. Itinuloy ko na lang yung mga ginagawa ko dahil marami pa akong kailangan tapusin na reports na kailangan kong mai submit sa manager. Lumipas ang maghapon at malapit na mag uwian. Nagaayos na ako ng mga gamit ko nung lumapit ang sekretarya ng boss ko. "Ms. Mendez, can I have a minute?" Tawag nito "Yes Sir, what is it?" Tanong ko dito "Do you have plans on saturday night?" Tanong nito kaya naman binigyan ko ito ng confused at nagtatanong na tingin "I just wanna ask you a favor, you can charge it as an overtime work." Sabi ulit nito. "There's acharity ball that will be held on saturday night and I can't go, I just wanna know if you can go instead of me?" Dagdag pa nito. "Ahh, sige po since wala naman po akong gagawin that day." Sagot ko rito, totoo naman na wala akong gagawin at sayang naman yung overtime pay na matatanggap ko dahil dun. "Great!" Tuwang sabi nito. "Then I'll inform our boss na ikaw ang sasama sa kanya sa event." Dagdag nito bago umalis. Ha? Okay? So kasama ko si boss dun? Hindi naman kaya nakakahiya? Jusko ano isusuot ko?? Ngayon pa lang nag sink in sakin na nag agree ako ng walang plano. Hayaan na nga, sa sabado pa naman yun, ilang araw pa naman. Bahala na si batman. Niligpit ko na lang ang mga gamit ko at lumabas na ng opisina. Naglalakad na ako ngayon papunta sa sakayan, ilang minuto lang naman syang lalakarin pero sure ako na pagdating ko dun ay mahaba naang pila dahil uwian na din. Habang naglalakad ay bigla akong nakarinig na may bumusina sa likuran ko kaya namantinignan ko kung sino at bakit bumusina ito. Tumigil ang sasakyan at lumabas sa bintana ang ulo ng sekretarya ng boss ko. "Ms. Mendez, hop in, we can give you a ride to your home." Sabi nito, tatanggihan ko sana pero sinabi nitong madadaan sila dun kaya hindi na ko nagdalawang isip na hindi pumayag. Bukod sa malilibre ako ng pamasahe ay hindi na ko mahihirapan at mapapagod pumila sa sakayan. Naupo ako sa likuran at katabi ko ngayon ang boss namin. Medyo nao awkward pa din ako dahil minsan parang ayaw sakin ng boss ko. "By the way, Ms. Mendez, I already told Kai na ikaw ang kasama nya sa sabado." He said then he look at the mirror and saw me with confused look. "Haha, I'm referring to the man beside you. Don't mind me if I'm not calling him Sir or whatnot when we're out of the office. We're friends so it's okay and he doesn't mind that. You can also just call us by our names and drop the formality." Sambit ulit nito. "I think I'll stick with being formal Sir Santos." Sagot ko naman dito. "Oh gosh, you can just call me Peter. Parang yung tatay ko tinatawag mo kapag gamit ang apilyedo. Haha" Natatawang biro nito "Sige po Sir Peter." Sagot ko na lamang. Medyo traffic na kaya patigil tigil ang sinasakyan namin. Nakatingin ako sa labas kahit sarado ang bintana at napansin kong tinitignan ako ng boss ko. "You really are her" Mahinang sabi nito pero narinig ko pa rin at narinig din ni Peter. "Nag meet na kayo before Kai?" Tanong ng sekretarya "I guess" He shrugged "Parang malabo naman po na na meet ko na kayo sir" Sagot ko naman "Yuki? the woman who ki---" Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil huminto na ang sasakyan at bumaba na din ako. "Thank Sir Kaizer and Sir Peter." Nagpaalam na ako dito. Naglalakad na ako ngayon papunta sa apartment, huminto muna ako sa karinderya ni Aling Maria para bumili ng pagkain dahil tinatamad na akong magluto. Pagkarating sa apartment ay nagbihis muna ako bago naghapunan. Medyo maaga pa naman kaya nanuod muna ako ng movie sa netflix after kumain at maghugas ng pinagkainan. Habang nanunuod ay naalala ko yung nabanggit ng boss ko. Saan ko naman sya na meet if ever ngang nag meet na kami before? Wala kasi akong maalala. Bigla na lamang natulala si Yuki ng bigla nyang maalala yung nangyari sa Bar na pinuntahan nilang magkakaibigan nung nakaraan. "Waaaaaait!!! No way????" Biglang napatayo si Yuki ng maalala nya yung mukha at scenariong pilit nyang ibinaon sa limot at iniiwasang alalahanin. "Owwwwgoooood! No way! It wasn't him right?" Tanong ni Yuki sa kanyang sarili. At sa hindi nya malaman na dahilan ay tinawagan nya ang isang kaibigan. "Yes, hello Yuki babe?" Tanong ng kaibigan sa kabilang linya. "Due date na ba ng rent mo?" dagdag nito "Ahhh, hindi pa naman, next week pa" Sagot naman ni Yuki "Well, ano meron at napatawag ka? Broken ka? Joke wala ka pang jowa, we know. Haha" Sambit ng kaibigan "Baliw. Anyways, naaalala nyo yung ahmm guy sa bar? That one with the dare? I mean, I know that may picture kayo ng nakakahiyang nangyari na yun, baka nga video meron pa." Sagot ko naman "Oww, that hottie guy? Akala ko ba wag na namin babanggitin ang about dun dahil nakakahiya yun?" Balik na tanong ng kaibigan "Ano kasi, pano bato, may picture ka ba dyan nung lalaking yun? Hindi ko kasi matandaan yung mukha nun baka mamaya bigla ko na lang makasalubong tapos kidnapin at itapon ako sa bermuda triangle dahil sa ginawa ko eh" Pabirong saad ni Yuki "Gaga, haha. Teka check ko sa gallery ko" Sabi nito sa kabilang linya. "Oww, ang swerte mo Yuki, meron ako dito ng picture. Malinaw na parang naka HD. Hahahaha. Se send ko sayo sa messenger at kawawa ka naman baka ma kidnap ka. HAHAHAHAHA." Sabi ng kaibigan "Baliw ka Alessana" Sagot ko naman dito "Hahahahaha, sige na ba bye na Shaira Miyuki. Na sent ko na din yung picture. Wag mo masyadong titigan bago ka matulog at baka mapanaginapan mo at bigla mong makaharap bukas. Hahaha. Good night bessy." Biro nito at nagpaalam na. After mag end ng tawag ay binuksan naman agad ni Yuki ang message sa kanya ng kaibigang si Lisa (Alessana). At yun na nga ang kinababahala nya. Malinaw pa sa malinaw na tubig ng pacific ocean kung sino ang lalaki sa picture. Ang lalaking hinalikan nya ng walang paalam at ang lalaking inangkin nya ng walang hiya hiya sa harap ng maraming tao. "Ohhh lupa! Lamunin mo na ako! Ngayon na. Jusmeyo, paano ako haharap sa boss ko neto?" Tila nanghina sya kahit busog na busog sya dahil naalala nya ang nangyari at ang mukha ng lalaki. Madaling araw na at hindi pa rin nakakatulog si Yuki dahil sa mga inaalala nito. Hanggang sumapit na ang umaga na hindi man lang sya natulog kahit ilang minuto o segundo man lamang at kailangan nya ng mag ayos dahil may pasok pa sya. "Wag na lang kaya ako pumasok? Mag resign na lang kaya ako?" Sambit ni Yuki sa sarili habang naghahanda ng agahan. "Gaga, wag wala ka pang ipon. Kahit may kaya pamilya mo hindi mo pa rin pera yun" Sagot naman nya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD