MARCO
"What's your plan after this?"
"A grand wedding ofcourse." I grinned.
"I'm sure Tita Isme will be shock..." he laughed. "...pero nasabi mo na ba kay Joyce ang totoo?"
"WHAT THE F*CK?!" nagulat pa siya sa malutong na mura ko. "Who give you permission to call my girl by her first name?"
He laughed again. "So possessive..."
"F*ck off! You womanizer--"
Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Umayos ka Santiago. Baka paglamayan ka ngayon ng asawa mo." warning ko sa kanya na ikinalakas lalo ng tawa niya. Kalaunan umiiling na natawa na rin ako. "How is she anyway? Kailan mo siya ipapakilala kina Tita Vangie?"
Umayos siya ng upo.
"She's fine... a little bit moody. She met Dad already but not my Mom yet." then he chuckled. "Laging mainit ang ulo niya ngayon sa akin. Tumakas nga lang ako sa kanya e. Ang alam niya nasa loob lang ako ng library, nagtatrabaho."
"Sorry bro--"
"Nah, it's fine."
I looked at the envelop. "Ipapadala ko na lang 'to sayo next week. Ikaw na bahala magsabi kay Uncle Robert."
Tumango siya. "Congrats in advance bro."
"Thanks bro." iginala ko ang paningin sa labas ng sasakyan saka isinuot ang itim na sumbrero. Muli ko siyang binalingan. "Pa'no... ingat na lang sa byahe."
"You too. Uhm--wait..." pigil niya sa akin ng akma na akong bababa ng kotse. Nagtatakang nilingon ko siya. "About sa tumambang sa inyo... It's Kevin who ordered to kidnap your girl."
"What?! Sino may sabi?"
"Si Arthur... 'yon daw ang sabi no'ng lalaking binugbog mo."
I automatically clench my fist and gritted my teeth. "That son of a bitch."
"And guess what..." pambibitin niya pa.
"What is it?"
"Remember what your Dad said about you grandma's friends?"
Tumango ako.
"They're all alive."
"What do you mean?"
"Palabas lang ang lahat. Walang namatay sa nangyaring pananambang sa Lola mo't mga kaibigan niya noong nawala ang Daddy mo sa Isla Alona."
"How does that happen? Pa'no niyo nalaman ang tungkol diyan?"
Nagkibit-balikat siya. "Miguel do the researched. And the others... they're still tracking the hide out and the main den of the mastermind."
"Damn... This is insane." napahilot ako sa aking sentido. Ilang minutong namayani ang katahimikan bago ako muling nagsalita. "I have to go. Baka maghinala na 'yon si Jillian." tinapik ko siya sa kanyang balikat. "Don't forget to update me."
"Keep safe. 'Wag ka ng makipagkita kay Arthur, na briefing ko na 'yo--."
"Kailangan ko pa rin siyang makausap." sabad ko. "Sige na... ingat sa byahe."
"Wait..." pigil niya ulit sa akin. Salubong ang mga kilay na nilingon ko siyang muli. "...there's more." nagulat ako ng kunin niya ang isang bouquet ng red roses sa back seat at nakangiting inabot sa akin. "Just sharing to you my specialty."
"Specialty?" kunot-noong napatitig ako sa bulaklak. "Anong specialty? Tsaka para saan 'to?"
He tsked. "Ang hina mo talaga dumiskarte. Inabot ka pa ng taon bago naka-score--"
"T*rantado... hindi ako kagaya mo." singhal ko sa kanya. "Ipapadala ko ang bayad nitong bulaklak sa account mo mamaya. Next time 'wag kang bibili kung hindi ko sinabi sayong bumili ka ha."
Pabalibag kong sinarado ang pinto ng kotse ng pagtawanan ako ng h*nayupak. Malalaking hakbang na tinungo ko ang botika pagkalabas ko ng kotse. Bumili akong gamot ni Jillian. Pagkatapos naglakad ako papunta sa tricycle-an at nagpahatid pauwi sa bahay.
Malayo pa lang tanaw ko na ang tatlong parang nagtatalo sa labas ng bahay. Napakunot-noo ako ng makita kong nagpupumilit lumabas ng pintuan si Jillian habang pilit itong pinapabalik ng dalawa sa loob. Binilisan ko na ang paglalakad palapit sa kanila.
"Hindi ka nga pwede lumabas."
"Ang kulit mo talaga, bess. Kami itong malilintikan kay Kuya Pogi."
"Siya naman ang pupuntahan ko e."
"Kahit na--"
"What's going on here?" sabad ko sa kanila.
Sabay-sabay silang tatlo napalingon sa akin. Nagliwanag kaagad ang mukha no'ng dalawa.
"Kuya Pogi!"
"Thanks God nandito ka na."
"Marco..." she murmured.
I looked at her. "Saan ka pupunta?"
Hindi siya sumagot. Nanatili lang na nakatitig sa akin. Lalo na sa bulaklak na hawak ko.
I smiled and stepped forward. Inabot ko sa kanya ang bulaklak. "For you my loves." tiningnan ko si Cheena at inabot ang gamot ni Jillian.
"Ano ba 'yan..." himutok niya sabay abot ng brown paper bag. "...mercury talaga ang sa akin Kuya Pogi?"
I grinned. "Gamot 'yan ni Jillian, 'di 'yan sayo."
"Awts savage bebe Cheena." malakas na humagalpak ng tawa si Blessie pero kaagad din ito natigilan ng suntukin ni Cheena ang noo nito. "Aww--T'ngna!"
"Bulaklak kay Jillian, supot ng Mercury Drug Store sa akin, suntok sayo--"
"Bwesit ka--"
"O--Wag ka ng umangal pa." sabad ni Cheena. "Pasalamat ka na lang at binigyan kita. Hindi ka na-zero."
Nakangiting nagkatinginan kami ni Jillian.
"Oh my gosh!" tili ng dalawa ng dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ni Jillian.
Subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa subrang kaba pero hindi ko pa rin mapigilan ang sariling mapangiti ng makita ko ang reaksyon ni Jillian. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang pa ang mga labing nakatitig sa akin. Kinuha ko ang kaheta sa aking bulsa at binuksan iyon sa harapan niya. It was a gold infinity ring. Gusto ko sana diamond ring kaso baka maghinala si Jillian kung pa'no ko na-afford 'yon that's why I settled with this simple ring.
"You are the sunshine of my life, the shade that comforts me, my saviour and my happy pill. I wouldn't promise you heaven and earth, but I have the only one precious to me to give you. And that's my heart. I have said this to you before and will repeat it over and over again for the rest of my life. I'm crazy in love with you and want you forever in my life. Joyce Jillian Montecellio, will you marry me?"
"Ayiiii...! Yes na kaagad!"
"Putek ang bagal sumagot... YES NA YES Fafa MARCO, isuot mo na kaagad ang singsing!"
Kinikilig na tili no'ng dalawa nang hindi sumagot si Jillian. I nervously bit my lower lip when I didn't saw any reaction in Jillian's face after I said those words. Hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata kasabay ng pagtakip ng kamay sa kanyang bibig. Tuloy nataranta ako at kaagad na napatayo.
"OhMyGod--why are you crying?" nag-aalalang pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata at niyakap siya ng mahigpit. Hopeless na nilingon ko si Nay Julie na nakangiting nagpupunas din ng luha. "Damn... stop crying please, my loves." paulit-ulit kong hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo na ikinalakas lalo ng paghikbi niya. Sh*t. Sinapo ko ng aking dalawang kamay ang kanyang mukha. "Damn it Jillian, say something please... Bakit ka umiiyak?"
She smiled and bit her lower lip while her tears keep on falling on her cheeks.
"Y-Yes."
"Ha?"
"Yes."
"Yes?"
Tumango siya. "I will marry you."
"Oh F*ck!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Napasabunot pa ako ng kamay sa aking buhok.
Tuwang-tuwang napapalakpak pa sina Cheena at Blessie habang kinikilig. Ang ingay nilang dalawa sa gilid pero nanatiling magkahinang ang mga mata namin ni Jillian. Mabilis kong pinalis ang luhang tumakas sa aking mga mata at walang babalang siniil siya ng halik. It just a swift kiss but It feels like heaven to me. Dali-dali kong kinuha ang singsing at isinuot kaagad sa kanyang palasingsingan.
"Damn... It's perfectly fit with your finger."
Itinaas iyon ni Jillian at nakangiting tinitigan.
"Baka naubos ang pera mo dito, Marco."
I laughed and hold her chin. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Don't think about the price my loves, think about... how much I love you." then I claimed her lips again.
Hindi ko pa sana bibitawan ang kanyang mga labi kung hindi niya lang ako tinulak ng lumakas lalo ang tuksuhan no'ng dalawa sa amin ni Jillian, sumabay pa si Nay Julie. Nakangiting hinaplos ko ng aking kamay ang namumula niyang pisngi. She's still hot and had a fever!
"Ano 'yang nasa brown envelop, Kuya Pogi?" maya-maya tanong ni Cheena.
Oh f*ck... I almost forgot!
Kaagad ko iyon binalingan saka dinampot. Nilingon ko si Nay Julie na hanggang ngayon kay lapad pa rin ng ngiti habang nakatingin sa amin ni Jillian.
"Pwede pahiram po akong black ballpen Nay?"
Tumango siya. Nilingon niya ang estante sa sala at may kinuha doon. Lumapit siya sa akin at inabot ang ballpen. Nilabas ko ang dulo ng form sa brown envelop kung saan magpipirma si Jillian at inilapit sa kanya sabay abot ng ballpen.
"Can you please sign it here, my loves?"
"Para saan ba 'yan?"
"Basta... pirmahan mo na lang."
Mariin niya akong tinitigan. "Bakit ayaw mong sabihin? Mamaya niyan binibenta mo na pala ako."
I laughed wholeheartedly. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sige na. Pirmahan mo na lang. It's a surprise kaya bawal sabihin."
Ilang minutong nag-aalangan niya akong tinitigan pero kalaunan ay pinermahan niya rin ang lahat ng form. Though nagpupumilit siyang basahin kung ano iyon pero hindi siya umobra sa akin. I was grinning ear to ear till she finished signing it all.
"'Yang uri ng ngisi mo pakiramdam ko may ibang kahulugan ang pinapapirmahan mong 'to sa akin."
I hugged her again. "Thank you my loves. I love you so much."
"Bwesit ang alat..." sabi ni Blessie. "Uwi na tayo. Iniinggit lang tayo ng mga bwesit na 'to."
"Tara na nga." humakbang palapit sa akin si Cheena sabay lagay ng brown paper bag sa kamay ko. "Painumin mo na 'yan ng gamot. Baka matuluyan."
Nagkatinginan kami ni Jillian ng walang lingon-likod na naglakad ang dalawa palabas ng bahay.
"Awww--!" napaigtad ako ng kurutin niya ako sa aking tagiliran. "What's that for?"
"Thank you for this beautiful flowers."
I smiled and pinch her chin. "You're most welcome, my love."
"Ehem..." malakas na tikhim ni Nay Julie. Kaagad naman kami napabaling sa kanya. "Inuman mo na 'yan ng gamot na lagnat m--"
"Okey lang po ako Nay." sabad ni Jillian. "Hindi ko po kailangan uminom niyan."
"But you need to rest." sabi ko saka iginiya siya papasok sa loob ng kwarto.
Nilingon ko si Nay Julie and mouthed 'Thank You' at her na sinuklian niya naman ng matamis na ngiti at pagtango.
At last... my plan went well.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023