MARCO
Napalunok ako sa tanong niya sa akin. Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin sa unahan at patuloy sa paghakbang. Ramdam ko ang init ng kanyang mga matang nakatitig sa akin pero deadma lang ako. Kanina pa nagririgudon ang t***k ng puso ko sa subrang kaba at takot.
Hindi pa rin ako makahanap ng bwelo kung pa'no ko sisimulan magsabi sa kanya. Baka bigla na lang siya magalit sa akin at 'yun ang kinatatakutan ko... ang magalit siya at 'di niya matanggap ang pagkatao ko. Hindi ko kakayanin 'yon. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Iniisip ko pa lang 'yon para na akong pinapatay, pa'no na lang pala kung nangyari na?
Damn it, Arthur! Bakit pa kasi bumaba ng puno wala namang naitulong? Malilintikan talaga sa akin ang damuhong na 'yon.
"Do you have something to tell me, Marco?"
Nahigit ko ang aking hininga sa tanong niya. Huminto ako sa paghakbang saka nakangiting tiningnan siya.
"I love you so much, Jillian." I kissed her on her forehead. "Whatever happens, always remember that you're the only woman that I want to be with for the rest of my life hmmm... always remember that, my love."
Hindi siya umimik sa sinabi ko, nanatili lang na nakatitig sa akin kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad. Lalo tuloy akong kinabahan pero hindi ako nagpahalata sa kanya.
"Jillian?" salubong ang mga kilay na napahinto sa paghakbang papunta sa likod ng bahay si Nay Julie pagkakita sa amin. Sinalubong niya kami. "Marco... anong nangyari kay Jillian?"
"Okey lang po ako Nay."
"Ang init mo." dinama nito ang noo at leeg ni Jillian. "Nilalagnat ka ah. Bakit namumula 'yang mukha mo?" Makahulugan niya akong tiningnan saka muling binalingan si Jillian. "May sugat pa 'yang gilid ng mga labi mo."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang mag-ina. Iginala ko rin ang aking mga mata sa buong paligid ng bahay. Nakahinga akong maluwag ng makita ko ang nagtatagong mga bantay. They were full alert.
Akmang bababa si Jillian mula sa pagkakabuhat ko sa kanya pero hindi ko siya pinayagan. Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kanya.
She sighed. "May tumambang po sa amin ni Marco na tatlong kalalakihan doon sa kakahuyan, Nay. This time armado na po sila. I don't think si Itay nagpadala sa kanila." tiningnan niya ako. "Put me down, Mar--"
"No. You're not well. You need to rest." sabi ko sabay hakbang papasok sa bahay.
Dinala ko siya sa aking kwarto at maingat na nilapag sa ibabaw ng kutson sa papag. Nagprotesta pa siya at gustong lumipat sa kabila pero hindi ko siya pinakinggan. Lumabas ako at pumunta sa kwarto niya. Naghanap akong ipapalit sa damit niya. I took her white big t-shirt and cotton short. Napangiti ako ng mabuksan ko ang kabilang drawer na puno ng underwear at bra niya. Kumuha akong tag-isa no'n saka lumabas, bumalik ako sa kwarto ko.
"Magbihis ka muna--"
Natigilan ako ng bigla niya na lang hinablot ang mga damit na hawak ko pagkalapit ko sa kanya. Pero kaagad din akong napangiti ng makita kong namula lalo ang kanyang buong mukha.
"Lumabas ka na." nakayukong sikmat niya sa akin.
Nag-squat ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang kanyang chin at hinarap sa akin ang mukha niya. Sinalubong ko ang bahagyang namumula niyang mga mata.
"Bakit ang sungit mo na naman sa akin, my loves?"
"L-Lumabas ka na lang please... m-magbibihis na ako."
"Hmmm o--key." I slowly caressed my thumb on the side of her wounded lips. "Gamutin ko muna--"
"Hindi na kailangan." sabad niya. "'Di naman masakit."
"I insist--"
"'Wag na nga."
"Okey then... Ipaghahanda na lang kitang pagkain. Babalik ako kaagad ha. Dito ka lang." sabi ko sabay talikod.
Dumeritso ako ng kusina. Malalim akong bumuntong-hininga ng makita ko si Nay Julie na tahimik na nagsasandok ng pagkain sa plato.
"Anong nangyari Marco?" kaagad niyang tanong pagkapasok ko sa loob.
"May tatlong armadong lalaking gustong kunin po si Jillian."
"Si Sarmiento ba nagpadala?"
"I guess so... pero hindi pa po ako sigurado. Sorry po, nasaktan si--"
"Wala kang kasalanan, Marco." sabad nito. "Kilala ko ang anak ko. Hindi 'yon tutunganga lang lalo't galit na galit pa rin siya sa kanyang ama."
"'Yan pa po ang isa pang pinoproblema ko, Nay. Natatakot po akong malaman ni Jillian ang tungkol sa pagkatao ko. Baka hindi niya ako matanggap. Lalo't iyon ang iniisip niyang dahilan kaya nasira ang pamilya niyo."
Humakbang siya palapit sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Marahan niya itong pinisil.
"Magkaiba kayo ng Tatay niya, Marco." nakangiting sabi niya. "Gawin mo kung ano ang tama. 'Wag kang matakot. Matanggap ka man o hindi, atleast sinabi mo sa kanya ang totoo."
"Pero po Nay--"
"Mahal ka niya kaya sigurado akong matatanggap ka ng anak ko."
"Pa'no po kung hindi? Pa'no kung palayasin niya ako? Pa'no kung hindi siya makinig sa paliwanag ko, Nay? Anong gagawin ko?"
"Then face the consequences--"
Damn... Kaagad kong binawi ang kamay kong hawak niya. Frustrated na napahilamos ako sa aking mukha.
"Mamamatay ako kapag nawala sa akin si Jillian, Nay. I don't want to take the risk. Not yet..." paulit-ulit akong umiling sa kanya. Damn this what If's! It's devouring my whole strength! "'Wag po muna ngayon. I just gained some of her trust and I don't want to lose that. Natatakot po ako sa maaaring kahinatnan ng pag-amin ko sa kanya ng totoo."
Malalim siyang bumuntong-hininga saka naglakad pabalik sa mesa. Kinuha niya ang pagkain na hinanda niya para kay Jillian.
"Sa aming dalawa, siya itong subrang nasaktan. Nakita niya mismo ang pagtataksil, ang pananakit sa akin at ang kerida ni Julius." naglakad siya palapit at inabot ang platong may lamang pagkain sa akin. Kinuha ko naman iyon. "Kaya hindi ko masisisi ang anak ko. Pero 'wag mo siyang susukuan, Marco. Maaaring magalit nga siya sayo sa paglilihim mo pero may malalim ka namang dahilan kaya nagawa mo 'yon. I'm sure maiintindihan ka ni Jillian. Kailangan mo lang maging tapat sa kanya."
"Hindi ko po alam, Nay. Ngayon pa lang kinakabahan na ako... honestly, hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanya." I released a heavy sighs. "Noon ko pa sana gustong aminin sa kanya ang totoo kaso no'ng makita ko ang matinding galit sa kanyang mga mata habang kinukwento niya sa akin ang tungkol sa ginawa ni Tay Julius, naduwag po ako."
"Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nandito lang kaming lahat sa likod mo. Tutulungan ka namin pero kailangan sayo mismo manggaling ang katutuhanan hindi sa amin. Sige na..." pagtataboy niya sa akin. "...baka sumunod pa 'yon dito."
Lumabas ako ng kusina. Nagkagulatan pa kami ni Jillian. Kaagad naman nagsalubong ang aking mga kilay ng makita kong palabas siya ng kwarto.
"Where are you going? Bumalik ka doon sa loob."
Natigilan siya pero nakinig naman sa sinabi ko. Bumalik siya sa loob ng kwarto.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago sumunod sa kanya. Nakaupo siya sa ibabaw ng kutson habang nakasunod ang tingin sa bawat paghakbang ko palapit sa kanya. Hanggang sa makaupo na ako sa tabi niya nakasunod pa rin ang kanyang walang ekspresyon na mga mata sa akin. Akma ko siyang susubuan ng pagkain ng pigilan niya ang kamay ko.
"Ako na..." kinuha niya sa akin ang plato. "...hindi naman ako baldado, Marco para subuan mo."
I chuckled. I raised my hand and held her right hand then caressed it. I intertwined our fingers.
"Alam mo bang... takot na takot ako kanina."
She tilted her head and looked at me intently. "Why is that?"
"I was once witnessed someone killed in front of me that's why I'm traumatized. Nag-aral akong martial arts and how to use a gun para... in case of emergency may magamit ako. Pero kanina biglang namanhid ang buong katawan ko. I mean... I'm not scared with the gun... what scared me the most is your safety pero hindi ko nagawang ipagtanggol ka. Para akong tanga kanina. And I'm sorry for that..."
"What do you mean... you're traumatized?"
Nagbuga ako ng hangin bago muling nagsalita.
"Yung inakala kong girlfriend ko dati... before I met you, sinaksak siya mismo sa harapan ko--"
"Jillian..!" sabad ng malakas na boses nina Cheena at Blessie.
Sabay pa kami ni Jillian napabaling sa labas ng pintuan. Humahangos naman na pumasok ang dalawa sa loob ng kwarto.
"Oh my gosh--Bess! Your face..!"
Puno ng pag-aalala at takot ang mukha ng dalawang lumapit kay Jillian.
"May tama ka ba?"
"Saan ang masakit sayo?"
"Anong nangyari?"
Jillian rolled her eyes. "Ang OA niyong dalawa. Anong meron at napasugod kayo dito sa bahay?"
"Anong OA? Girl... tatlong putok ng baril 'yong narinig namin. Kaya napasugod kami dito."
"Akala ko talaga..." naiiyak na sabi ni Cheena sabay yakap kay Jillian pero kaagad din ito napalayo. "Bakit ang init mo?"
"Malamang nilagnat sa takot." nakaingos na sabat ni Blessie. "Ito talaga... mindset bhe mindset."
Nagkatinginan kami ni Jillian sa sinabi no'ng dalawa.
I smiled at her. "May... pupuntahan lang muna ako." paalam ko sa kanya ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa aking bulsa. "Babalik din ako kaagad."
"Saan ka pupunta?"
"Sa bayan--"
"Anong gagawin mo doon? Baka sundan ka nila, Marco."
"Will buy you some med. Don't worry about me, kaya ko ang sarili ko."
"Pero Marco--"
"Mabilis lang ako promise." binalingan ko ang dalawa. "Dito muna kayo ha. Bantayan niyo si Jillian."
"No problem, Kuya Pogi."
"Mag-ingat ka Kuya."
Hinalikan ko si Jillian sa kanyang noo bago lumabas ng kwarto. Halos maglupasay naman 'yong dalawa kakakantiyaw sa amin. Nakangiting lumabas ako ng bahay matapos ko magpaalam kay Nay Julie at nagtungo sa bayan.
"Nasaan na ang pinakuha ko sayo?" bungad ko kay Wayne pagkapasok ko sa kanyang kotse.
"Here." inabot niya sa akin ang kaheta at brown envelop. "Kompleto 'yan."
"Buti binigyan ka ni Uncle Robert." inilabas ko ang papeles sa envelop at pinasadahan iyon ng tingin.
"Sus, malakas ako do'n. Siya ang nagkasal sa amin ni Sam kaya alam kong sisiw lang 'yon sa kanya."
Nakangiting muli ko iyon ipinasok sa loob ng envelop at binalingan ang pinsan ko.
"Thanks bro. I owe you a lot."
"Don't mention it bro... Basta't ikaw, nanginginig pa."
Then we both laughed.
I'm soooo... happy. At last... Jillian's gonna be mine forever. Whether she like it or not, she'll gonna be my wife and stuck with me forever.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023