MARCO
"Marco..?" narinig kong boses ni Jillian.
Napahinto ako sa pagsasalita sabay atras papunta sa likod ng puno ng Oak.
"E-message mo ako kaagad kapag nasa bayan ka na, pupuntahan kita. Bilisan mo..." sabi ko sa pinsan ko habang nakatanaw sa tent ni Jillian pero pinagtawanan lang ako nito sa kabilang linya. I released a pissed groan. "Hindi ako nagbibiro sayo bro, I need that as soon as possible. Baka magbago pa ang isip ni Jillian."
He laughed again. "Sinabi kong daanin mo sa santong paspasan pero hindi ko sinabing agad-agad." malakas itong tumawa ulit. "Grabe ang lupet mo talaga bro! Superb! Wala akong masabi. Tiyak hindi 'yon makalakad ngayon. Three years ka pa namang na bakante."
"Gagooo! Siraulo! Napakarumi niyang utak mo!" sunod-sunod na singhal ko sa kanya na ikinalakas lalo ng tawa nito. Napangiti ako. "But thanks to the idea though... she's mine now. My soon to be Mrs. Del Carpio."
"Marco..?" tawag ulit sa akin ni Jillian.
"Sige na, gising na ang My loves ko." humalakhak na naman ito. "Bilisan mo bro... masasapak talaga kita kapag nabuliyaso ang plano ko." mahina kong sabi sa kanya sabay pindot ng end call button ng akmang aapela pa ito sa sinabi ko habang malakas na tumatawa.
Kahit kailan talaga mapang-asar ang hinayupak na John Wayne na 'yon...
Nakangiting umiiling na sambit ko pa sa aking sarili. Nagmamadaling tinago ko kaagad ang phone sabay hakbang palapit kay Jillian. Nakatayo siya sa labas ng tent, nagpapalinga-linga't hinahanap ako. Nagulat pa siya ng malingunan niya ako. Kaagad naman napalis ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang itsura niya. Nag-aalalang dinaluhan ko siya kaagad, hinawakan sa kanyang braso. Natigilan ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang balat.
"Mainit ka..." sinapo ko ang kanyang mukha, pati leeg at noo. "Okey ka lang ba, Jil? Bakit subrang init mo..? Nilalagnat ka ba?" hinapit ko siya sa kanyang bewang ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan.
Hindi niya ako pinansin. Nagpalinga-linga ulit siya sa paligid bago nag-angat ng tingin sa aking mukha.
"Sinong kausap mo kanina?"
"Ha?"
"May..." muli siyang nagpalinga-linga sa paligid. "May kausap ka ba kanina?"
Nakangiting niyakap ko siya ng mahigpit. "Wala.. I'm just practicing my speech, my love."
"Speech?" kumalas siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya. "What speech?"
I didn't answer her. Walang babalang binuhat ko siya in bridal style. Gulat na kaagad siyang napakapit naman sa leeg ko.
I give her a swift kiss on her reddish and swollen lips. "We need to go back home--"
"No..." umiiling na sabad niya sabay baba ng kanyang paa pero kaagad ko iyon napigilan. Tinitigan niya ako. "I'm okey. I-It's normal to have a fever I guess... after all it was my first time, right?"
"I... uhmmm... I-I don't have an idea. M-Maybe... I overwhelm you with my size, that's why."
She blushed and looked away. "I-I'm okey, Marco." tumingin siya sa damuhan saka muli akong tiningala. "Put me down please--"
"No." matigas kong sabi sa kanya sabay hakbang, tinungo ko ang daan pauwi sa bahay. "You're not well--"
"Don't be over reacted, Marco."
"I'm not over reacted. I'm just taking good care my soon to be wife."
Natahimik siya sa sinabi ko. Patuloy lang ako sa paghakbang palabas ng kakahuyan.
She sighed. "Hanggang kailan ka magiging ganito sa akin, Marco?"
"Till death do us part."
"Pa'no kung magsawa ka at makahanap ng mas nakakahigit kaysa sa akin?"
"You're good enough for me Jillian and will never ever get tired of loving you."
"Sinabi din 'yan noon ni Itay kay Inay."
"Hindi lahat ng lalaki kagaya ng Tatay mo, Jil." katwiran ko sa kanya. "Will get married as soon as possible whether you like it or not. You're gonna be my-- "
"Keep talking..." sabad niya.
"What?" nagtatakang napahinto ako sa paghakbang saka tiningnan siya.
Malikot ang kanyang mga matang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanan ko at sa unahan namin. Nilingon ko ang tinitingnan niya pero kaagad pinigilan ng kanyang kamay ang mukha ko.
Bahagya siyang bumangon mula sa pagkakabuhat ko sa kanya at naupo sa bisig ko. Ikinawit niya ang kanyang braso sa aking leeg then kissed me at my cheeks. "Keep walking... there's a gun pointing us." she whispered. Natigilan ako sa sinabi niya pero pinagpatuloy ko ang paghakbang at iginala ang aking paningin sa paligid na tanging mata lang ang gumagalaw. "I'm not sure kung ilan sila but there's someone behind us, 'yong isa sa kanan mo."
Kaagad rumagasa ang takot sa dibdib ko sa sinabi niya. Kumalabog iyon ng pagkabilis-bilis. Not because they had a gun but because I'm with Jillian and she's not feeling well!
Damn... If they're pointing us a gun, meaning hindi sina Arthur... they must be our rival. f*****g s**t! Nasaan ang mga bantay?!
Naestatwa ako ng biglang may matigas na bagay ang tumutok sa likod ng ulo ko. Napahawak ako ng mahigpit kay Jillian pero dalawang beses niyang tinapik ang braso ko. I don't know what she mean by doing that but I can tell that she's up to something.
Then the man spoke behind me.
"Don't move or else pasasabugin ko ang bungo ng lalaking 'to." sabi no'ng lalaki. "Sumama ka amin Jillian--"
Hindi na natapos pa ng lalaki ang sinasabi niya. Bigla na lang nawala ang baril na nakatutok sa likod ng aking ulo kasabay ng mabilis na pagkawala ni Jillian mula sa ibabaw ng mga bisig ko. Napaluhod din ako sa damuhan dahil sa pagtulak niya sa akin kasabay ng putok ng baril na umalingaw-ngaw sa kakahuyan.
In split seconds nakita ko na lang na nakahiga na ang lalaki sa damuhan at wala ng malay. Sa bilis ng pangyayari halos hindi ko nakita kung paano niya iyon napatulog. Paglingon ko sa kanan lumilipad na ang baril na binato niya doon. Sapol ang lalaking nagpaputok ng baril kanina sa noo. Kaagad iyon tinakbo ni Jillian at kinuha ang dalawang baril. Binato niya sa akin ang isa. Parang tuod na nakaluhod pa rin ako sa damuhan pero nasalo ko iyon.
"Marco sa likod mo!" sigaw niya.
Kaagad akong lumingon. Pakiramdam ko na-dislocate ang panga ko matapos dumapo ng kamao ng hinayupak na sumuntok sa akin. Napahiga ako. Akmang lalapitan ako nito ng patidin ko ang kanyang paa. Bumagsak ang lalaki sa damuhan. Kaagad akong tumayo and immediately shoot him into his legs so he wouldn't escape from us. Kinuha ko ang nabitawan niyang baril saka sinuksok sa aking likod. Inundayan ko siya ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha saka nagpalinga-linga sa paligid. Kumuha akong baging at tinalian ito sa kamay patalikod.
"Ahhh!" malakas na sigaw ni Jillian.
Marahas akong napabaling sa kanya. Kaagad nagdilim ang paningin ko ng makita kong bumagsak sa damuhan si Jillian.
"That Bastard..." nakatiim bagang na pinaputukan ko ang kamay ng lalaki ng akmang dadamputin nito ang baril.
Galit na nilingon ako nito habang napapangiwing hinawakan ang kamay na tinamaan ko. Malalaking hakbang na nilapitan ko ito at malakas na sinipa sa tagiliran. Napahiga ito sa damuhan. Kaagad ko itong kinubabawan at pinaulanan ng suntok sa mukha.
"You animal..."
Hindi ako tumigil kakasuntok kahit dugo-dugo na ang kanyang mukha. Nanginginig ang kalamnan ko sa tindi ng galit matapos ko makitang sabunutan nito si Jillian at malakas na sinampal sabay bagsak ng mahal ko sa damuhan.
"Marco..." nakakuyom ang mga kamao at nagtatagis ang mga bagang na nilingon ko si Jillian ng hawakan niya ako sa aking balikat. Umiling siya sa akin. "...enough, baka mapatay mo siya."
Muli kong binalingan ang lalaki. "Anong kailangan niyo kay Jillian ha?" halos hindi gumalaw ang aking mga labing tanong ko sa kanya.
Hindi ito sumagot, bagkus pinagtawanan niya pa ako. Lalong uminit ang ulo ko sa uri ng tawa niya. Muli ko siyang inundayan ng suntok.
"Marco..."
Marahas akong bumuga ng hangin ng marinig ko muli ang malumanay na boses ni Jillian.
Nagdura ng dugo ang lalaki sa damuhan saka marahan na tumawa. Ngali-ngaling susuntukin ko sana ulit ang mukha nito ng pigilan ni Jillian ang braso ko. Nilingon ko siya. Sunod-sunod siyang umiling sabay hatak sa akin. Kaagad kong binalingan muli ang lalaki at malakas na inundayan ng suntok sa mukha. Nakatulog ito sa ginawa ko. I smirked. Umalis ako mula sa pagkakakubabaw dito. Kaagad ko namang hinapit si Jillian sa kanyang bewang at dinikit sa aking katawan habang malikot ang mga matang iginagala sa buong paligid.
Malilintikan talaga ang Arthur na 'to sa'kin...
Kumukulo sa galit na himutok ko sa aking sarili ng may biglang na lang bumagsak na nakatayong lalaki sa harapan ko. Mabilis ko itong tinutukan ng baril sa subrang pagkagulat pero kaagad iyon napalitan ng galit ng makita ko ang nakakalukong ngisi ni Arthur sa akin. Napatingala pa ako sa malaking puno saka muli siyang tinitigan ng masama.
"Ang sarap pala manood ng live show." nakangisi pang sabi nito.
Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya sabay paputok ng baril sa paa nito pero nakailag ito. Tumalon paatras. Tinutukan ko siya ng baril. Kaagad naman nito itinaas ang dalawang kamay at iwinagayway sa harapan na para bang sumusuko.
"Easy boss. Hindi ako ang kalaban."
I gritted my teeth. "Where the hell have you been?"
Tumingala ito sabay turo sa taas ng puno. "Up there."
"You want to die?"
Arthur laughed. "Well, your girl was fast and seems like... expert in fighting. You don't have to--"
"Do your f*****g job or I'll kill you!" singhal ko sa kanya.
"Whoa... chill!" nakatawa pa ring sabi nito pero kaagad din sumeryoso ng panliitan ko siya ng aking mga mata. "Will tell you full details..." he stop then make face.
Napatingin ako kay Jillian matapos kong makuha ang ibig sabihin ng tingin ni Arthur sa akin. Nagtatakang nagpapalipat-lipat ang tingin ni Jillian sa aming dalawa ni Arthur.
I froze. s**t. This is bad...
Kaagad ko siyang binuhat in bridal style. Tinapunan ko ng makahulugang tingin si Arthur bago ako humakbang at binaybay ang daan pauwi sa bahay.
"Mag---kakilala kayo?"
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023