Chapter 44

1279 Words
JILLIAN Nang makita ko kaninang nagmamadaling umalis ng bahay si Marco kaagad ko siyang sinundan. Pumunta siya ng kakahuyan. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya lately at masyado siyang busy. Kung sa pelikula missing in action siya palagi. Hindi ko mahagilap. And my damn curiosity pushed me to the edge of the cliff! Hindi ako makapaniwala sa aking mga natuklasan. He and his men may be careful and did it discreetly without my knowledge but still... my instinct is more powerful than their moves. Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula. Hindi ko rin alam kung normal lang bang makaramdam ng ganito ang mga kababaihan. Basta na lang kasi ako nagising isang araw na napakalakas na ng pakiramdam ko. Nang kutob ko. Or siguro dahil magpahanggang ngayon alipin pa rin ako ng bangungot ng nakaraan nina Itay at Inay? Hindi rin ako sigurado. But damn, here it is...! Ang kinatatakutan ko sa isang iglap ay nasa harapan ko na! "Did you found anything about him?" tanong ni Marco sa lalaki. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang mukha no'ng lalaking kausap niya. Damn, its him! Sigurado akong siya iyong lalaking binugbog ko ng matagpuan ko si Marco na natutulog sa ilalim ng puno. Pero ano ang ugnayan nilang dalawa? Bakit magkakilala sila? Sino ang lalaking 'yon? Kasabwat din ba si Marco ni Itay? Naguguluhan ko pang sunod-sunod na tanong sa aking sarili habang nakikinig at lihim na nakamasid sa kanilang dalawa. Nagpalinga-linga pa muna sa paligid ang lalaki bago inabot kay Marco ang brown envelop. Kaagad naman nito iyon binuksan. Hindi ko alam kung ano ang laman niyon pero malakas ang kutob kong may kinalaman iyon sa mga nagkalat na tauhan na nagtatago sa paligid ng bahay namin at dito sa gubat. "It's Christian who impersonate you." sabi ulit no'ng lalaki habang tinititigan ni Marco ang litrato. "Sabi ni Clayde, mask lang 'yong ginamit niya. Hindi siya nagpa-plastic surgery para magaya 'yang mukha mo. Kung pa'no at saan siya kumuha no'n hindi pa namin alam. Nakapasok siya sa Hacienda nang walang nakahalata sa kanya. And take note... he knows every details about you too. Siya rin 'yong nambugbog kay Sir Wayne ng pumunta siya sa Hacienda. And I'm sure there must be have a traitor in our group or..." "Or what?" tanong ni Marco ng huminto sa pagsasalita ang lalaki. Kinabahan ako ng makita kong naglumikot ang mga mata nito. Gumapang ako sa kailaliman ng damuhan ng malingunan kong may mga parating na mga armadong kalalakihan. Kaagad iyon nilingon ni Marco. Huminto ang mga ito sa likuran niya. "Boss... I think that Pio guy is connected to Doc. Thompson." sabi no'ng lalaking pinakamatangkad na bagong dating. "What do you mean?" tanong ni Marco. "Nakausap ko si Che--yung anak niya." "What the--nagpakita ka sa kanya?!" singhal ni Marco. Tumawa ang lalaki. "Look at my outfit? Hindi niya naman ako nahalata tsaka isa pa sinabi ni Tay Pio na kakilala niya ako. So, no worries." Tay Pio? Bakit niya naman gagawin iyon? Lalo akong naguluhan sa takbo ng usapan nila. "Naks... nakahanap ka kaagad ng tatay ah." "Si Brix lang talaga ang sakalam." Nagtawanan ang mga ito. Nalukot naman ang mukha ni Marco. "Umayos ka Brix. Tatamaan ka talaga sa akin kapag kinanti mo 'yong anak ni Tay Pio." Malakas na naghagalpakan muli ng tawa ang mga lalaki sa sinabi ni Marco. "Easy Boss... hindi ako chickboy kagaya ng pinsan mo." sabi no'ng tinawag na Brix. "Anyways, nasa bayan na si Wayne. Kararating lang." "Pa'no mo nga pala nasabi na connected si Tay Pio kay Doc. Thompson?" "Nakwento kasi ni Cheena sa akin na dati daw may nagtangkang pumatay sa Tatay niya. Hindi niya masabi exactly kung anong nangyari. Pero natagpuan daw siya ng Nanay niya sa kalsada, humarang sa kanilang truck noong pauwi na sila after magdeliver ng mga na-harvest na gulay sa Manila. Duguan daw. Hindi nga daw in-expect ng Nanay niyang mabubuhay pa e. 50-50 chances but you see... he's still alive and kicking." "Kailan daw nangyari?" "Hindi pa siya pinapanganak." "That's impossible." tumingin si Marco sa gawi ko. Halos magdugtungan ang kanyang mga kilay dahil sa sinabi no'ng lalaki. Kaagad ko naman tinakpan ang bibig ko sa takot na makalikha ng ingay. "Tanging si Doc. Thompson lang ang nakaligtas sa m******e na nangyari sa pamilya nila more than two decades ago. 'Yon ang sabi ni Jonard sa amin ni Keith." "What if... si Pio pala ang ama ni Doc. Thompson?" sabad na tanong nong lalaking nagbigay ng envelop kay Marco. "Nakaligtas siya. Hindi napuruhan. Hindi naman natin alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa Doctor na 'yon at sa pamilya niya. Baka fake funeral 'yong nangyari since syndicate at si Mr. Sullivan ang involve." Nilingon iyon ni Marco. "Well that's your job, Suarez. Gather all the information about him. You know where's the Hospital Doc. Elvis Thompson work, right? In case si Tay Pio nga si Doc. Marcello Thompson na ama ni Elvis, matutulungan niya tayong ma-trace kung nasaan ang totoong anak na babae ni Tito Rafa at matutulungan din natin siyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng asawa't anak niya." "Copy Boss." "Ano nga pala ulit 'yong sinasabi mo kanina?" "Oh... about the traitor." mapakla itong tumawa. "Baka may inaalagaan kang ahas sa loob ng opisina mo." sabi no'ng Suarez. "What do you mean?" "I'm not sure yet, Boss. Will do research and ofcourse be careful. Pansin ko humihina ka na naman ngayon. Don't forget the past, Boss. Baka maulit 'yon. Mag laylo ka muna kaka-update do'n sa opisina mo." tinuro nito ang daan. "Exit na ako ah. 'Wag mong sasabihin kay Sir Wayne na nagkausap or nagkikita tayo ah. Malilitikan ako no'n." "Hmmm... Why is that?" "Tanungin mo na lang 'yong Daddy niya." nagsenyas pa itong nag-zipper ng bibig. "Ayaw ko pang ma deadbol." nakatawang sabi nito sabay alis. Kunot-noong sinundan ito ng tingin ni Marco bago binalingan ang iba pang mga lalaki. "Bumalik na kayo sa pwesto ninyo. Siguraduhin niyong 'di kayo makikita ni Jillian." "Copy Boss." sabay-sabay na sabi ng mga ito bago tumalikod. Malalaking hakbang din na nilisan ni Marco ang kakahuyan. Ilang minuto akong nanatili sa kinatataguan ko bago ko siya sinundan. Kaagad akong binundol ng kaba pagkalabas ko ng kakahuyan nang matanawan ko siyang sumakay ng itim na motorbike. They must be not all connected with my father. But damn... sino ka ba talaga Marco? At ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo dinamay pati ang puso ko? Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang aking mga kamao habang nanatiling nakatanaw sa kalsadang dinaanan ng motor niya. Sinusubukan kong intindihin siya at kalmahin ang aking sarili pero matapos kong marinig ang mga sinabi niya doon sa kakahuyan, pakiramdam ko wala talaga siyang balak na sabihin sa akin ang totoo. Kung bakit at kung sino nga ba talaga siya. Kung ano ang buong pagkatao niya. T'ngna pinaikot niya ako! Kaming lahat! Nagsisinungaling siya sa akin! Walang palya ang pagbuhos ng masaganang luha sa aking mga mata habang nakasakay ako sa tricycle pauwi ng bahay. Paulit-ulit na sinasaksak ng punyal ang aking puso ng buong katutuhanan. Ang sakit. Subrang sakit na halos lamunin ang kamalayan ko ng subrang galit sa panlulukong ginawa niya sa akin. Sa amin ni Inay. Sinungaling siya! Napakasinungaling niya! T'ngna niya. Anong akala niya sa akin mukhang pera kagaya ni Itay kaya tinago niya sa akin na mayaman siya?! Kaagad akong bumaba ng tricycle matapos ko magbayad saka malalaking hakbang na tinungo ang bahay namin. Ngunit kaagad din akong napahinto ng may malabakal na mga braso ang yumakap mula sa aking likuran. "Love..." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD