JILLIAN
His manly scent assaulted my nose. And his hot and tight embrace made me sobbed even more.
"I'm so sorry Love..." nahihirapan na bulong ni Marco sa aking punong tainga. "I'm so sorry... so sorry Love... I didn't mean to hurt you for hiding my real identity. Please don't judge me, my loves. Listen to me first, please..."
Paulit-ulit na hinging paumanhin niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ayaw kong makinig sa kanya.
Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinapakawalan. Lalo lamang humigpit ang kanyang mga brasong nakapulupot sa akin. Nilubog niya pa ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Bitawan mo ako, Marco! Ano ba?!"
"No... no... ayoko" paulit-ulit siyang umiling sa aking leeg. "No way... I don't wanna let you go. Not until you hear my explanation."
"I don't wanna hear your damn explanation! Bitawan mo ako!"
"Jil naman please... listen to me first--"
"Ayoko! Lumayas ka! Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo! Sinungaling ka! Wala kang pinagkaiba kay Itay! Pare-pareho lang kayong mga manloloko! Bitawan mo ako!"
Galit na galit na sigaw ko sa kanya. Natanawan ko sa nanlalabo kong mga mata si Inay na patakbong lumabas ng bahay. Nagulat pa siya pagkakita sa aming dalawa ni Marco.
Unti-unti namang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Marco. Sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis kong nakalas ang kanyang mga braso at lumayo sa kanya saka siya hinarap.
I was taken aback when I saw his shock bloodshot and teary eyes. Walang kurap-kurap na nakatitig sa akin. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi. Animo'y hindi makapaniwala sa mga katagang basta na lamang lumabas sa nanginginig kong mga labi. Huli na at hindi ko na rin naman mabawi pa ang naibulalas ko kaya pinangatawanan ko na lang.
Although natatalo ako ng pagmamahal ko sa kanya but damn...puso tumahimik ka! 'Wag marupok at baka matuluyan tayong dalawa. Kahit 'di siya nambabae, still, ginawa niya akong bobo!
Paano niya mabubuo ang tiwala ko na winasak niya ulit ngayon kung sa simula pa lang ay dati ng durog-durog... sugatan at hindi pa tuluyang humihilom ang pilat ng kahapon, patuloy akong minumulto? Paano pa ako magtitiwala sa kanya kung ang sarili ko ngang dugo't laman ay niluko kami't iniwan, pinagpalit sa iba, siya pa kaya na maimpluwensyang tao? Tinitingala... iniidolo... hinahabol-habol. Pinag-aagawan pa nga e.
Paano ako nakakasigurong mahal niya nga talaga ako? Paano kung palabas lang pala ang lahat ng 'yon? Pero anong rason niya? Ang dami namang iba diyan pero bakit ako pa? Easy target ba ako para paglaruan niya? Gumaganti lang ba siya sa mga pagkakamaling nagawa ko noon sa kanya?
But you love him. Is that not good enough reason for you to forgive him, and listen to his plea? Maybe he has a deep reason--
Shut up!
Kastigo ko sa aking sarili ng magsagutan na ang utak ko.
My head was clouded with so much anger and bombarded a lot of questions. Scared to know the truth and an accurate answer that are against of what my heart wanted. Staring at my man thinking that I'm gonna lose him in a minute in my life makes my heart tore apart piece by piece. Making my whole body trembled with so much pain and heartache. Feeling betrayed... broken... exhausted.
Nabubulag ako ng pinaghalong subrang galit at takot ng aking nakaraan. Hindi ko akalain na mauulit iyon sa akin. Though in different way. 'Yung kabit ni Itay ang mayaman at ngayon si Marco. Ang lalaking hinangaan ko at pinangarap na makita ng personal, sa isang iglap lumuhod at nag-alok sa aking ng kasal? Nakakatawa diba?
Mapakla akong tumawa sa aking isip. Mocking... insulting myself. How ambitious I am.
Sino ba ako para patulan ng isang Jeff Marco Del Carpio? Isa lang akong mahirap at anak ng mambubukid. Nakapagtapos nga ako ng pag-aaral with flying colors, Summa c*m Laude pa nga e, pero wala naman akong trabaho.
Napaka tanga ko talaga. Nagpabulag ako sa lintik na pag-ibig na alam ko din naman sa sarili ko na sa huli ay subrang sakit din ang maidudulot no'n sa akin kagaya ng nangyari kay Inay. Hindi na ako natuto!
Pinalis ko ang mga lintik na luha sa aking pisngi sabay turo ng kalsada kung saan nakaparada ang kanyang kotse.
"Umalis ka na..."
"Jillian..." saway sa akin ni Inay. Hinawakan niya ang braso ko. "Bakit pinapaalis mo si Marco? Anong nangyari at umiiyak ka?" nilingon niya si Marco. Matagal silang nagtitigan bago muli akong binalingan. Malalim siyang bumuntong hininga sabay haplos sa aking braso. "Ayaw mo bang pakinggan muna ang paliwanag niya, anak?"
Natitigilan na napamaang ako kay Inay sa kanyang sinabi sabay bawi ng braso kong hawak niya. Umatras ako. Nagpalipat-lipat ang nagtataka kong tingin sa kanilang dalawa.
"May--May alam po kayo tungkol sa pagkatao niya, Nay?"
"Jillian--"
"Pati rin po ba si Tay Pio may alam, Nay?" sunod-sunod na dumaloy muli ang aking luha. "Kailan niyo pa nalaman?"
"Jillian makinig ka muna--"
"Noon niyo pa ba alam, Nay?" sabad ko. "Kaya pala palagi mo siyang kinakampihan. Nasilaw ka din po ba sa yaman--"
Malakas na lagapak ng kamay ni Inay ang dumapo sa mukha ko na nagpatigil sa aking pagsasalita. Sa subrang lakas halos mabingi ako, tumabingi pa ang aking mukha. Subrang sakit pero wala ng ikasasakit pa sa katutuhanan na pinagkaisahan nila akong lahat. Ginawa nila akong tanga! Napahikbi ako.
"Nay Julie..." nilapitan ni Marco si Inay at hinawakan sa magkabilaang balikat.
"Higit kanino man ikaw itong nakakakilala sa akin, Jillian--"
"Nay tama na po." sabad ni Marco.
"'Wag kang lalapit!" sigaw ko sa kanya ng akmang lalapitan niya ako.
Laglag ang mga balikat na tiningnan niya ako.
"I'm so sorry Jil. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang nagsabi sa kanila na 'wag munang sabihin sayo ang tungkol sa pagkatao ko. 'Wag kang magalit sa kanila please..."
"Bakit?" garalgal ang boses na tanong ko sa kanya. "Bakit kailangan mong ilihim sa akin ang lahat? Bakit mas nagtiwala ka kina Inay kaysa sa akin?" with action pa ng kamay na turo ko kay Inay at sa sarili ko habang patuloy na umiiyak. "Nagsabwatan pa talaga kayo. Pinagmukha niyo akong tanga! Alam niyo ba 'yon ha? Alam niyo ba kung gaano kasakit ng ginawa niyo?"
"I know... and I'm sorry, naduwag ako. Nagawa ko lang naman iyon dahil natakot ako na baka magalit ka sa akin."
"Ganun ba ako kababaw para isipin mong magagalit ako sayo kung sinabi mo nga sa akin ang totoo?"
"Hell no..." frustrated na napahilamos siya sa kanyang mukha. "...but the way we met at sa nakikita kong galit sa tuwing binabanggit mo ang panlulukong ginawa ng Tatay mo ang pumipigil sa akin na umamin sayo."
"Sa tingin mo ba hindi kita maiintindihan kung ipinaliwanag mo sa akin ang lahat ng mas maaga?" pinalis ko muli ang luha sa aking mga mata. "Kaso hindi e, pinatagal mo pa. At saka base sa narinig ko kanina na usapan niyo doon sa kakahuyan wala ka naman talagang balak umamin sa akin e."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Why, na surprise ba kita?" tumawa ako ng mapakla. Ang sarap niyang sapakin. "Natutulog kasi sa pansitan ang mga bantay mo e. Ang hihina. Ni hindi nga ako mahuli. Sabagay hindi naman ako kalaban para pag-aksayahan nila ng panahon." nagkibit balikat ako. "I'm quite impressed with their fighting skills though. Hindi ko akalain na mga alipores mo silang lahat. Malamang may kinalaman ka din kay Itay, magkasabwat kayo ni Inay e."
"Jil, you misunderstand everything--"
"Till now magsisinungaling ka pa rin ba sa akin ha, Marco?"
"Si Kevin at si Mayor Sarmiento ang nagpapadala ng mga tauhan dito para manmanan kayo kaya naglagay ako ng mga bantay dito for our safety. Natakot lang talaga ako na baka oras na umamin ako sayo kung sino talaga ako baka pagtabuyan mo ako. Baka hindi mo ako matanggap. At ayokong mangyari 'yon Jil. I love you so much and I don't wanna--"
"Pero binigay ko sayo ang buong sarili ko ng walang alinlangan kahit hindi kita lubusang kilala." walang hiyang sabad ko sa kanya. Kahit nanlaki ang mga mata at napaawang pa ang mga labi ni Inay sa sinabi ko, wala na akong pakialam pa. Patuloy akong nangatwiran kay Marco. "Hindi pa ba 'yon sapat para magtiwala ka sa akin?"
"Jil--"
"Umalis ka na lang." pumiyok ang boses ko sa subrang sakit ng mga katagang iyon na lumabas sa bibig ko. "Kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan, anong saysay ng pagmamahal mo kung sa simpleng bagay na 'yon hindi mo kayang magawa. Pa'no na lang pala kung may manira sa akin? Pa'no kung may unos na dumating sa atin? Kagaya ng sa mga magulang ko. Wagas 'yung pag-iibigan nila. Na inakala kong pang habambuhay na pero tingnan mo... sa isang iglap nawasak. Kamusta naman tayo? Ngayon pa lang nakikita ko nang iiwanan mo rin ako kaagad dahil mahina ang pag-ibig na inaalay mo sa akin."
"Jillian--"
"Umalis ka na." mariin kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang paghikbi ko pero malakas pa rin iyon umalpas sa lalamunan ko. Umatras ako ng humakbang palapit sa akin si Marco. "Umalis ka na lang... hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko sa lumalagablab na galit dito sa puso ko."
"Jillian, please--JILLIAN!" sigaw niya nang kaagad akong kumaripas ng takbo papunta sa kakahuyan.
"Hayaan mo muna siya, Marco."
"Pero Nay..."
Narinig ko pang sabi nila pero subrang sakit at bigat ng puso ko para intindihin pa sila. Dumeritso ako ng burol at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023