Chapter 46

1594 Words
MARCO Parang ginigiling ng pinung-pino ang puso ko sa subrang sakit na naramdaman ko habang nakatanaw kay Jillian na tumatakbo't malakas na humahagulhol papunta sa kakahuyan. Alam ko papunta siya sa burol. Gusto ko sana siyang sundan pero mahigpit akong pinigilan ni Nay Julie sa aking braso at paulit-ulit na umiiling sa akin. Damn... hindi ko akalain na ganito pala katindi ng impact ng nagawa kong paglilihim sa kanya. How much more 'yong nasaksihan niya mismo ang panluluko ng kanyang sariling ama? F*cking sh*t Marco!! Napakaduwag mo kasi! Kung kailan pure 'yong intention ng babae saka ka naman naduwag. Langit na ang nakuha mo, lumagapak ka pa pabalik sa lupa! Damn man... "Bumalik ka na muna sa inyo, Marco. I'm sure miss na miss ka na ng pamilya mo. Ilang taong ka rin nawala. Malamang subra-subra ang pag-aalala nila sayo." Tiim bagang na naikuyom ko ang aking mga kamao habang nanatiling nakatanaw sa dinaanan ni Jillian. Ayokong umalis nang hindi siya kasama but damn... knowing her, I don't think mapapayag ko siya ngayon. Damn it! Mabibilis ang mga kamay na dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa. I dialled Arthur number. Isang ring lang ay kaagad itong sumagot. "I saw your girl... ikaw ba nagpaiyak don?" bungad niya. I cursed him. "She knows everything now, hindi mo na kailangan pang mag unggoy-ungguyan diyan sa itaas ng puno na bwesit ka." malakas itong napahagalpak ng tawa sa kabilang linya. "Umayos ka Thur, baka maibaling ko sayo ang galit ko." "Grabe... sa akin talaga?" he laughed again. "Anyways, condolence sa puso mong sawi--" "T'ngna ka. Ikaw ang dahilan kaya naghinala sa akin si Jillian. Palpak ka talaga kahit kailan!" "Sus ako talaga?" Lalong uminit ang ulo ko sa mga sagot niya sa akin. Kung kaharap ko lang siya, siguradong comatose ang bwesit na Arturo na 'yon. Nawiwili na akong asarin e. He cleared his throat. "Anyways, what's the next plan, Boss?" "Bantayan niyo siya--" "Nakakatakot Boss..." kaagad na sabad niya. "...lagi kaming natatakasan. Ang dami niya pa naman na patibong dito sa kakahuyan. Sino bang naghukay ng pagkalalim ng hukay na 'yon? Magdamag akong na-trapped do'n a." I released a pissed groaned. "Sa subrang dami n'yo tinalo lang kayo ng maliit na babae? Nasaan ang well trained na binibida-bida mo sa akin na h*nayupak ka?! Sana pala 'di ka na nakalabas sa hukay na 'yon. Tinabunan ka na lang. Wala ka talagang kwenta--" He laughed wholeheartedly. Nakagat ko ang aking kamay ng pagbaling ko masamang titig ni Nay Julie ang sumalubong sa akin. "Sorry po Nay..." nakangiwing hinging paumanhin ko sa kanya. Bahagya akong tumalikod at paulit-ulit na pinagmumura si Arthur sa aking utak. "Sabi mo kasi bawal hawakan e." katwiran pa niya sa kabilang linya. "Ayaw pa namin ma-double kill no." "Uuwi na ako sa amin. Bantayan niyong maigi ang mag-ina, Arthur. Sabihan mo sina Brix na 'wag lubayan ng mata sina Tay Pio at iba pang mga nakatira dito. Kung kinakailangan 'wag kayong matulog magdamag gawin niyo. Kapag nagalusan kahit kunti si Jillian..." I paused then heaved heavily. "...kalimutan niyo ng huminga." He groaned in protest. I evily smirked as if he's in front of me. Nanggigigil ako sa kanya pero he's the best man I've ever had. I badly needed him in my group and I can trust him that he will protect my loves Jillian and her mom. Hindi ko siya pwedeng bugbugin lalo't aalis ako. Oh damn it... ngayon pa lang pakiramdam ko para na akong pinapatay. Mawawala ako sa tamang katinuan kapag hindi ko siya nahawakan. I needed her just like the air to breathe. Like a water to live. Like a star and moon to shine my life. She's my life! My f*cking life... damn it. Without her... I'll f*cking die! Bwisit ka Julius! Siguraduhin mo lang na hindi ka talaga nambabae dahil kung oo, ako mismo ang papatay sayo. Asshole! "Grabe dagdag bawal na naman... Bawal na ngang mahawakan tapos ngayon bawal din magalusan, paano namin siya maililigtas sa kalaban niyan? Ang hirap naman masyado ng pinapagawa mo Boss." "Ah ganun? Umaangal ka na ngayon? Pwede ka naman mag-resign--" "Sabi ko nga Boss, napakadali ng trabaho. Sisiw!" nakatawang sabad niya. Pinatayan ko siya ng cellphone saka binalingan si Nay Julie. "Hindi ko po maipapangakong hindi maisama si Jillian ng Manila, Nay." malalim akong bumuntong-hininga. "Uuwi ako sa amin pero babalikan ko siya, babalikan ko kayo. Will do everything to clear your husband name. 'Yon ang maipapangako ko sayo but Jillian..." umiling ako. "...sa ayaw at sa gusto niya iuuwi ko siya sa amin. She's my wife now after all." Kaagad ko siyang niyakap ng makita kong umalpas ang luha sa kanyang mga mata. Bigla ko tuloy na miss si Mom. "Maraming salamat, Marco." she sobbed. "Please pakihabaan mo pa ng pasensya mo sa anak ko. At... sorry kong nasampal ko--" "Sa kanya ka po mag-sorry, 'wag po sa akin Nay." sabad ko sa kanya. "Ako nga dapat ang mag-sorry sa inyo e. Nang dahil sa akin kaya nagawa mo 'yon. Patawad po, Nay. Hindi ko po sinasadyang saktan si Jillian. But I promise to fix every messes I did. And stop crying please... I can't stand seeing you crying." mariin kong pinisil ang nose bridge ko para pigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko kayang mawalay kay Jillian but I need to do my mission. Bahagya ko siyang inilayo sa akin. "I know nasa burol po si Jillian, Nay. Pwede niyo po ba siyang puntahan?" Sunod-sunod itong umiling sabay palis ng luha sa kanyang mga mata. "Just let her alone. Kilala ko siya... mas makabubuti sa kanya ang mapag-isa. After no'n maiyak ang lahat ng sama ng loob uuwi din 'yon ng bahay. Hindi mo 'yon makakausap kapag galit lalo na ngayon na sarado ang puso't isip niya. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon kung lalapitan ko siya." nakangiting hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "'Wag mo na siyang problemahin pa. Ako ng bahala mag-explain sa kanya." Gusto kong magprotesta sa sinabi niya pero hindi na lang ako kumibo. Tinanaw ko muli ang bahay nila at ang kakahuyan. Sunod-sunod akong humingang malalim ng maramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata at pagbara ng aking lalamunan habang rumaragasa sa aking harapan ang masasayang araw na kasama ko sila. Siya... ang babaeng kinainisan ko ng subra na naging tagapagligtas ng aking buhay. She show've me how to be contented having a simple life. Accept and cherish... Every little things... Every moments... Every minute of my life having all those people that surrounds around me. And now, I'm ONE BILLION sure in myself na siya na nga talaga ang babaeng nakalaan para sa akin. Ang babaeng kabiyak ng aking puso. The missing piece that I've been looking for. There is no mistake for that fact. And will do everything to win her back! She's mine! Forever! Alone... Kaagad kong pinalis ang mga luhang basta na lang pumatak sa aking mga pisngi at nakangiting binalingan si Nay Julie. "Please take very good care of yourself for me. 'Wag niyo pong pababayan si Jillian Nay--" "Hindi mo na kailangan pang paalalahanan ako tungkol diyan, Marco. Ikaw ang mag-ingat. Kayo ng mga kasamahan mo." mabilis kong pinalis ang luhang pumatak rin sa kanyang pisngi. Bahagya siyang tumawa sa ginawa ko. "Please, bumalik kang buhay at walang ano mang galos sa anak ko. Kailangan ka niya, Marco." I hugged her again. "I will. I promise." "Maraming salamat--" "No THANKS TO YOU..." pinagdiinan ko pa ang mga salitang iyon. "...kayo po ang dahilan ni Jillian kung bakit nagkaroon ng tamang landas ang buhay ko. Kayong lahat na sumagip at tumulong sa akin. Utang ko sa inyong lahat ang buhay ko. And I'm so happy to be a part in your family. Pangako, babawi ako sa inyong--" "Hindi mo kailangang bumawi, Marco. Hindi kami nanghihintay ng anumang kapalit mula sayo. Bukal sa loob namin--" "I know..." nakangiting sabad ko sa kanya. "...pero sigurado akong malulungkot ang asawa ko kapag hindi niya kayong lahat makasama once na iniuwi ko na siya sa Hacienda." umayos ako ng tayo at muling bumuntong-hiningang malalim. "Basta sa akin na lang po 'yon. Secret muna ngayon." I wink at her. She chuckled. "Bakit pakiramdam ko binibenta ko na sayo ang anak ko?" Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Hindi naman po sa ganun. Tsaka mas pabor pa nga po sa akin ang ginagawa niyo e. Ang swerte ko sa aking biyanan." "Sus binola mo pa ako." nakairap niyang sabi. "Buti umamin ka na kaagad sa akin sa simula pa lang. Dahil kung hindi..." umiling-iling siya. "...malabo kitang tutulungan sa anak ko. Noong una ayaw ko dahil mayaman ka. Pero nang makita kong parang seryoso ka naman sa anak ko..." nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya habang tumango-tango siya. "...do'n mo ako nakuha." "Ano pong parang seryoso, Nay? Seryoso po talaga ako kay Jillian. Ako na po 'yong pinakaseryoso sa lahat ng seryoso." She laughed. Sumimangot naman ako. "Pinapatawa lang kita. Kaso mali ata 'yung sinabi ko, napasimangot kita." Nangingiting napailing na lang ako. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Although lumilipad ang utak at puso ko papunta sa burol, kay Jillian, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa lalo't kakampi ko ang Nanay niya at si Tay Pio. Though Cheena and Blessie didn't know yet about my real identity, still they're in my side. That's good enough support for me not to give up on her. And hell... I'm not giving up on her! Never! Never ever ever ever! ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD