Chapter 12

2294 Words
JILLIAN "Happy Biiiirthday To You! Happy Biiiirthday To Yoooou! Happy Biiiiirthday, Happy Biiiirthday, Happy Biiiirthday Nay Julieee!" Sabay-sabay na kanta naming lahat habang nakaumang ang kamay kong may hawak na malaking cake sa harapan ni Inay matapos mag-perform ng dalawang clown. Tuwang-tuwa ang mga bata pati kami sa mga magic tricks nila. Ang galing din nila magpatawa pero hindi man lang natawa si Inay kahit isang beses. Seryoso lang itong nakatingin sa kanila. Subrang tahimik sa kanyang kinauupuan, hindi nagsasalita. Kahit kanina, wala man lang akong makitang katiting na emosyon na nasiyahan siya, or nagulat man lang nong ilabas na namin siya ng bahay habang iginagala ang paningin sa buong paligid. May nalalaman pa kaming pa piring-piring wala naman palang epekto. "Wish ka muna Nay bago mo hipan." nakangiting sabi ko sa kanya. She smiled back. Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nahigit ko pa ang aking hininga at naestatwa sa aking kinatatayuan. For the very first time sa tagal ng panahon na iniwan kami ni Itay ngayon ko lang nakitang ngumiti sa akin si Inay. Pakiramdam ko biglang nagliwanag ang nagdidilim kong daigdig. Nakangiting hinawakan ni Inay ang pisngi ko. "Salamat anak. Hindi ko inaasahan 'tong sorpresa mo sa akin. Kaya pala parang nababaliw na 'yong dalawa kanina kakaaliw sa akin sa sala. Ayaw akong papuntahin dito sa likod ng bahay." sabi niya sabay baling kay Blessie at Cheena. "Nababaliw agad-agad Nay Julie?" nakangusong sabi ni Cheena. "Oo nga... Hindi ba pwedeng nabawasan lang ng turnilyo ang utak?" sabad naman ni Blessie. "Ang hirap mo kayang patawanin." Nakakunot-noong napabaling si Cheena kay Blessie. "Parang... parehas lang ata 'yong nabawasan ng turnilyo ang utak sa nababaliw e." "Parehas ba 'yon? Bakit magkaiba ang spelling?" nakangising sabi nito. Napailing ako sa sagutan nilang dalawa saka binalingan si Inay na kay lapad na ng ngiti habang nakatingin sa mga ito. Lalo akong natuwa sa aking nakikita. Hindi ko akalain na matutupad kaagad 'yong wish kong masilayan muli ang kanyang ngiti. Malaking senyales ito para sa akin. Na may pag-asa pang maibalik ko ang dating sigla ng aming tahanan kahit kaming dalawa na lang sa buhay. Marami namang mga taong nakapaligid sa amin. Lalo na ang mga kaibigan ko na mga pasaway, mas mapapadali nito ang recovery ni Nanay. "Kami pong apat nina Jordan ang nagplano nito Nay. Pero 'yong pa-lechon at iba pang handa pati 'tong dalawang clown at videoke ay sina Kevin po ang may pakana. Nagulat nga ako kanina bigla na lang silang sumulpot sa harapan ko doon sa daan matapos akong iwan ni Jordan." paliwanag ko sa kanya. Muling ngumiti si Inay sa sinabi ko sabay baling sa grupo ni Kevin. "Salamat sa inyo. Alam ba ni Mayor na nililigawan mo ang anak--" "NAY! Hindi niya po ako nililigawan!" nanlalaki ang mga matang sabad ko sa kanya. Tumango-tango siya. "Ah, hindi ba? Namamanhikan--" "NAY!" sigaw ko. Nagulantang ako. Hindi ko inaasahan ang mga lumalabas sa bibig niya. Kaagad uminit ang buong mukha ko ng malakas silang nagtawanan. Animo'y may nakakatawa naman sa sinabi ko, lalo na sa sinabi ni Inay. Sh*t... bakit ba sa akin napunta ang spotlight? Hindi naman ako ang may birthday! Tiningnan ko ng masama ang mga kaibigan ko ng pagkantiyawan nila ako. Halos lahat ata ng bisita pinagtutukso na kami ni Kevin. Tapos ang luko tuwang-tuwa naman. Parang mas pabor pa sa kanya ang mga ginagawang panrereto sa aming dalawa! "Oo nga naman Jillian, hindi kaya sinabay lang nitong si Kevin sa birthday ni Julz ang pamamanhikan n'ya sayo?" kantiyaw pa ni Tay Josue. "Naku--HINDI PO!" mabilis kong sagot sa kanya. "Baka hindi lang makapagsalita itong si Kevin kaya dinaan sa gawa?" sigunda pa ng nanay ni Cheena. "Oo nga, ganun ang ginagawa ng lalaki kapag hindi masabi ang nararamdaman sa isang babaeng iniirog nila." sigunda pa no'ng isa. "Tsaka ang pogi ni Kev--" "HINDI!" singhal ko kay Blessie ng makita kong aarangkada na naman ang walang filter nitong bibig. "Wala kaming relasyon ni Kevin. Tsaka bakit napunta sa amin ang usapan e birthday ngayon ni Inay?" "'Yong birthday celebrant ang nagsimula hindi kami ah." katwiran pa nila. "Tsaka pumunta kami dito para makikain hindi para tuksuhin ka." sabi pa nong isa na ikinatawa ng lahat. "Sabi nila pag pikon daw meaning totoo." sabad pa nong isa na ikinalakas lalo ng tawanan at kantiyawan. "Haaayst! Pauwiin kaya kayong lahat." naiinis kong sabi sa kanila ngunit pinagtawanan lang nila ako. "Ito naman killjoy." sabi Cheena. "Masyadong seryoso sa buhay ang lola natin. Pagpasensyahan niyo na." sabi naman ni Blessie. "Hipan niyo na po Nay Julie ang cake para makapagkanta na kami." sabi ni Jordan. "Oo nga Julz ng makapagtsibog na tayo. Mamaya tutuhanin pa ni Jillian 'yong sinabi niya hindi kami nito makapag-take home." sabi pa nong bisita. Muling nagtawanan ang mga tao. "Wait lang atat naman kayo masyado." sabi ko sabay baling kay Inay na abot tainga ang ngiti. "Wish ka muna Nay. Tsaka 'wag mong hipan ang kandila. Hawakan mo na lang or paypayan ng kamay mo hanggang sa mamatay ang sindi." nakangiting sabi ko sa kanya. "Aba... may pamahiin ka pa talagang nalalaman." sabad ni Austin. Nakakaluko ko siyang nginisian. 'Yong halos mawala ang aking mga mata. "Syempre. Ganun daw 'yon para ma-grant 'yong wish. Kapag hinipan daw parang pinalayo mo lang din 'yong swerte." "Asus... naniwala ka naman. Kanino mo naman 'yan narinig?" sabi ni Jordan. "Basta! Bakit ba pinapakialaman niyo ako? Mas marunong pa kayo sa akin." inis kong sabi sa kanila sabay baling kay Inay. "Sige na po Nay. Sa akin ka makinig." Malalim siyang bumuntong-hininga sabay pikit. "Wish ko mabuo muli ang pamilya natin." sabi niya sabay hawak sa sindi ng kandila para patayin ito. Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig ng matagal sa kanyang mukha. Malakas na nagpalakpakan naman ang mga tao. Kaagad pumailanlang ang malakas na tugtog ng videoke. Nagsimula na rin mag-serve ng pagkain ang mga kaibigan ko. Samantala ako parang natuklaw ng ahas na nakatitig pa rin kay Inay na ngiting-ngiti sa akin. Kinuha niya ang cake sa kamay ko saka nilapag sa mesa. Kaagad pumatak ang luha sa aking mga mata ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Huy--Nagdrama na naman kayong mag-ina diyan. Kumain na kayo dito." untag sa amin ni Cheena. Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata sabay kalas ng yakap kay Inay. Pinunasan ko rin ang tumakas na luha sa kanyang mata. I smiled. "Masaya ako at nakabalik na po kayo Nay." wala sa sariling sabi ko sa kanya saka muli siyang niyakap. Nangunot bigla ang kanyang noo sa sinabi ko. "Bakit kailan ba ako umalis?" Natawa ako sa sagot niya. "Mareng Julz, hali ka dito! Kanta tayo!" sigaw ni Nay Glenda, nanay ni Blessie. Sabay pa kaming napabaling ni Inay sa kanya. Nakangiting kumakaway ito sa amin. "Punta muna ako sa kanila ha." paalam ni Inay sa akin. "Ayy sige po." kaagad na sagot ko sa kanya. "Enjoy po kayo Nay." pahabol ko pa ng maglakad ito palapit sa grupo ng mga matatandang bisita na nagkakantahan. 'Yong mga bata naman ang iingay habang nanonood ng magic tricks ng mga clown. Hindi nila ito tinigilan kaka-one more. Nakangiting napailing ako ng sugurin nila ang mga ito matapos mag-magic ng maraming candy. Lumingon ako sa mahabang mesa ngunit bigla na lang nawala doon ang dalawa kong kaibigan. Nagpalinga-linga ako. Hinanap si Cheena at Blessie. Pero hindi ko sila makita. Saan na ba pumunta ang dalawang 'yon? Nagkibit-balikat na lang saka naglakad palapit sa mesa. Kumuha akong plato at kubyertos. Nilagyan ko ng pagkain. Muli akong nagpalinga-linga para maghanap ng bakanteng upuan ng matanawan ko si Kevin na tahimik na umiinom mag-isa sa tabi ng punong-kahoy, nakatingin sa akin. Napakuno't noo pa ako ng bigla niya akong ngitian. Bakit nag-eemote ang isang 'yon doon sa gilid? Nagtatakang tanong ko pa sa aking sarili sabay lingon sa table nina Jordan. Wala na rin doon sina Austin at Kenneth. Saan ba nagsisipagpuntahan ang mga 'yon? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan ni Kevin bitbit ang aking plato habang iginagala ang aking paningin. Napahinto ako sa paghakbang ng matanawan ko sa kabila sa may kakahuyan sina Blessie at Cheena kasama ang dalawang kaibigan ni Kevin. Nagulat pa ako ng nakangiting kumaway sila sa akin ng mapatingin sa gawi ko. May something ba sa kanila? Kailan pa? Bakit 'di ko yata alam? Tanong ko pa sa aking sarili sabay kaway din sa kanila. Muli kong nilingon si Kevin saka lumapit sa kanya. Matiim siyang nakatitig sa akin. Sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat paghakbang ko habang tinutungga ang alak sa boteng hawak niya. "Bakit nag-iisa ka lang dito, hindi ka nakihalubilo sa kanila?" bungad na tanong ko pagkahinto sa harapan niya. Nilingon niya ang mga kaibigan namin na nagtatawanan. "They're busy. Maa-out of place lang ako sa kanila." sabi niya sabay tungga ng kanyang alak habang nakatingin sa akin. Napangiwi ako. "Kumain ka na ba?" Umiling siya. "Hindi pa pala. E bakit umiinom ka kaagad ng alak?" He chuckled. "Ano girlfriend lang at pinapagalitan ako?" Sinimangutan ko siya. Tinanggal ko ang tsinelas sa aking mga paa at doon naupo. Nagulat pa ako ng bigla siyang tumabi rin sa akin. "Lumayo-layo ka sa akin at baka may makakita--" "Ano naman ngayon? Boto naman sa akin ang Na--" Tinulak ko siya sa kanyang mukha. Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa ginawa ko. "Masasapak talaga kita, luko ka." "Ito naman 'di na mabiro." umusod siya palayo sa akin. "Sinabi ko naman na sayo dati pa na wala kang mapapala sa akin. Kahit ubusin mo pa 'yang pera mo sa akin hindi mo ako madadala." "OUCH--!" nasasaktang sabi niya sabay hawak sa kanyang dibdib. "Ang talas naman ng punyal na tinarak mo sa aking dibdib." umaarte pang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya. "Kaya gustong-gusto kita. Ibang-iba ka sa kanila." Lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi n'ya. Kaagad kong tinutok sa kanya ang hawak kong tinidor. "Woah..." nakangising bulalas niya. Hindi man lang nasindak sa ginawa ko. "'Wag na 'wag mo akong ibilang sa mga babae mo ha. Baka hindi lang 'tong tinidor ang tumama sayo." "Ikaw lang ang tumama sa akin, sapat na--Awww!" daing niya ng malakas ko siyang hinampas ng tinidor sa braso. "Testing pa lang 'yan. Sa susunod paa ko na ang tatama diyan sa mukha mo." sabi ko sa kanya saka sinimulang kumain. Pinagtawanan niya ako pero hindi ko siya pinansin. Hanggang sa namalayan ko na lang na mataman siyang nakatitig sa akin habang sunod-sunod akong sumusubo ng pagkain. Inalok ko siya pero tumanggi siya. Nagkibit balikat na lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Nagugutom ako e. Bakit ba? Bahala siya sa buhay niya. "Kaya ka ba nag-aral ng taekwondo para bugbugin ako?" maya-maya'y tanong niya. Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Sunod-sunod akong napaubo habang hinahampas ng aking kamay ang dibdib ko. Nasuntok ko pa siya sa noo ng abutan niya ako ng bote ng alak imbes na tubig. Ang lakas ng tawa niya sa ginawa ko sabay takbo at kumuha ng tubig. "Naisip mo pa talagang ikaw ang dahilan?" sabi ko sa kanya matapos kong inumin ang tubig na dala niya. "Hindi ikaw no. Para sa proteksyon namin 'yon ni Inay. Dalawa lang kami dito sa bahay, babae pa. Tapos nasa bundok pa kami nakatira. Dapat laging handa. Mahirap na diba." Bigla siyang natahimik at matagal na napatitig sa akin sa sinabi ko. Hindi kumukurap na para bang may kakaibang tumubo sa aking mukha. Winasiwas ko ang aking kamay sa harapan niya. "'Wag mo akong titigan ng ganyan. Hindi ako pa-fall pero kapag na-fall ka sa akin lagapak. Walang sasalo sayo." He chuckled. "Hindi naman lahat ng lalaki kapareho ng Tatay mo." "Asus... Nanliligaw ka pa nga lang sa akin noon niluluko mo na ako. 'Wag ka ngang ano diyan. Hindi ako romantic na tao. Mas lalong hindi ako naniniwala sa forever." "Ayaw mo naman kasi akong sagutin noon kaya naghanap akong iba." katwiran niya pa. "Asus kunwari ka pa. Ang sabihin mo hindi talaga kayo makuntento sa isa." "Hindi ganun 'yon. Kaya marami dahil namimili kami kung sino 'yong tama para sa--" "Dumadahilan ka pa." sabad ko sa kanya. "Alam mo may tawag sa taong ganyan e. Search mo sa google kung anong klaseng hayop ka dahil tumitibok 'yang puso mo ng higit sa isa." "F*ck! Seriously?" "Hindi mo alam? Kaya nga isa lang ang puso ng tao e. Malamang 'yong Tatay ko uod or mas tama siguro ang salitang ANAY. Sinira niya ang sarili niyang pamilya. Akalain mo 'yon? Ang galing niya diba?" nakatawang sabi ko sa kanya. Hindi makapaniwalang umiling siya sa sinabi ko. "Siguro may dahilan--" "Putanginang dahilan niya!" galit na galit na sabad ko sa kanya. "Hey--TEKA LANG! Chillax... Change topic na nga. Nakakatakot ka naman." napapakamot pa sa ulong sabi niya. I smirked. "Hindi ko akalain na duwag ka pala." "Hell NO! Sayo lang ako naduduwag dahil gusto--" "'Wag mo ng ituloy. Alam ko na 'yan. Gasgas na masyado." sabi ko sabay tayo. Muli kong sinuot ang aking tsinelas. Lumingon ako sa mga bisitang nagsisigawan habang nagsasayawan. Napangiti ako ng makita ko si Inay na nakikipagsayawan na rin sa kanila. "Salamat nga pala sa mga dala niyo ah. Sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Nanay." "Wala 'yon. Basta ikaw." nakangiting sabi niya sabay pisil ng aking pisngi. Aw! Kaagad kong tinabig ang kanyang kamay. Pinagtawanan niya ako. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata na ikinalapad lalo ng ngiti niya. "Kumain ka na nga doon. Kaya ka nawawala sa sarili mo dahil lagi kang nalilipasan ng gutom." sabi ko sabay talikod. Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Napangiti ako habang malalaking hakbang na nagtungo sa mesa. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD