MARCO
"Mom, Dad? Anong ginagawa niyo dito?" bulalas ko ng mabungaran ko sila pagkabukas ko ng pinto ng aking Unit.
"Ano itong nabalitaan namin na pinagtatanggal ni Miguel ang mga trabahador sa tubuhan?" galit na tanong ni Dad sa akin.
Malalim akong napabuntong-hininga sabay lock ng pinto. Nilagay ko sa gilid ang mga gamit na binili kong pang-camping sa SM.
Muli ko silang tiningnan saka naglakad palapit sa kanila sa may sofa. "Pinabalik ko na silang lahat. Mainit ang ulo--"
"Mainit ang ulo niya kaya sa mga trabahador na matagal ng naninilbihan doon ibinunton ang kanyang galit?! Nababaliw na ba siya? Nasaan ba ang g*gong 'yon at wala daw doon sa Hacienda sabi ni Nana Rosa?" singhal sa akin ni Dad.
"Kailan pa kayo dumating?"
"Sagutin mo ang tanong ko, hindi 'yong iniiba mo ang usapan."
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung nasaan siya."
"Hindi mo alam?" tanong niya saka salubong ang mga kilay na pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?" tanong ni Dad.
"Bakit gula-gulanit 'yang damit mo? Nakipagbasag-ulo ka na naman ba JM?" galit na tanong naman ni Mom.
I chuckled. "Galing kaming San Agustin. Nag--"
"Naglakwatsa? Kasama ng mga barkada mo? Kaya pala hindi ka mahagilap sa opisina sa tuwing tumatawag ako doon dahil nagbubulakbol na naman kayo ni Miguel. Kailan ba kayong dalawa titino ha?" sabad ni Mom.
"Hindi lang naman lakwatsa ang pinunta ko doon. Nakipagkita din ako kay Mr. Chua. Sa Lunes na ako mag-start pumasok sa opisina. Tsaka kahit hindi ako pumapasok updated naman ako sa nangyayari doon."
"Kayo talagang anim kahit saan kayo magpunta puro sakit sa ulo ang dala niyo. Iwan ko ba kung ano na ang gagawin ko sa inyo. Nakakapagod. Bahala na nga kayo sa buhay niyo!" sabi ni Dad sabay hakbang palabas ng Unit ko. Sumunod sa kanya si Mom.
"Saan kayo pupunta, gabi na?" nagtatakang habol na tanong ko sa kanila.
Huminto sila saka ako nilingon. "Uuwi ng probinsya. Kailangan kong bisitahin doon. Pati 'yong beterinaryo tinanggal ng Miguel na 'yon. Ano bang balak niyo sa Hacienda, pabagsakin? Pamana pa 'yon sa Lola niyo ng mga magulang nila tapos ginaganun-ganun niyo lang? Paano 'yong mga taong umaasa lang doon? Kahit kailan talaga wala kayong mga utak. Ano bang kinaaayawan niyo doon sa Hacienda ha?"
I sighed. "Wala po akong kinalaman diyan. Si Miguel na lang ang tanungin niyo. Ilang ulit ko na rin sinabi sa inyo ang dahilan ko kung bakit ayaw ko. Tsaka bumibisita naman ako doon ah."
"Siguraduhin mo lang na hindi ka na masasangkot pa sa kahit anong gulo. Tsaka 'yang itsura mo..." sabad ni Mom habang pinapasadahan pa rin ang kabuuan ko. Literal sa punit kong damit. "...ayusin mo nga ang sarili mo JM. Umuwi ka lang dito sa Pilipinas nabaliw ka na ng tuluyan."
Tumawa ako.
Sinamaan niya ako ng tingin.
Tumigil ako sa pagtawa pero abot tainga pa rin ang ngiti ko sa kanya. "Bukas na kayo umuwi. Gabi na. Tsaka kumain na ba kayo? Kailan pala kayo dumating?"
"Ang dami mong tanong. Sige na, aalis na kami. Mabilis lang naman ang byahe. Tsaka..." humakbang si Mom palapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Aw! Nakangiwing daing ko pa ng pingutin niya ang tainga ko. "...magtino ka ng bata ka, utang na loob. Mamamatay ako sa subrang pag-aalala sayo." sabi niya habang nanggigigil din ang pagpingot sa akin. Animo'y isa akong bata na nahuling gumagawa ng kalukuhan.
Damn!
"Mom, 'yang kamay mo." nakangiwing reklamo ko sa kanya. "Pupunitin--"
"PUPUNITIN ko talaga 'tong tainga mo ng matutu kang makinig." sabad niya.
"Tama na 'yan Isme." sabi ni Dad. Kaagad naman binitawan ni Mom ang tainga ko. "Umuwi ka bukas sa probinsya." dugtong niya pa.
"Dad--"
"Tulungan mo muna ako doon."
"Uuwi din naman 'yon doon si Miguel e. Siya na lang."
"Kayong dalawa."
"Nagdagdag na akong trabahador doon, kaya niyo na 'yon."
Natahimik siya sa sinabi ko at matagal akong tinitigan. "Gusto kong tulungan ang mga nagtatrabaho doon, libreng pagamutan, papag-aralin ko din ang mga anak nila. Napag-usapan na namin 'yon ni Isme at ng Tito Conrad niyo. Ano sa tingin mo?"
Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. "Kung makakatulong sa kanila, why not? Deserve nila 'yon tutal matagal na panahon na silang naninilbihan doon."
"Ok good. Bukas umuwi--"
"Uuwi ako doon kung kailan ko gusto." matigas kong sabad sa kanya.
Malalim na napabuntong-hininga si Dad habang umiiling sa akin. Pinasadahan niya ako ulit ng tingin sabay talikod. Aww! Daing ko pa ng kurutin ulit ako ni Mom sa aking tagiliran saka malalaking hakbang na sumunod kay Dad palabas ng Unit ko.
"Ingat kayo sa byahe!" pahabol ko pa habang hinihimas ang tagiliran ko.
Tinanaw ko sila hanggang sa lumiko sa pasilyo. Nang mawala sila sa paningin ko, kaagad kong sinarado ang pinto at ni-lock iyon. Dinampot ko ang mga gamit na linagay ko sa gilid na binili ko kanina sa SM saka nagtungo sa stock room at nilagay doon, sa tabi ng iba ko pang gamit pang-camping. Nagtungo ako ng laundry room saka mabilis na hinubad ang aking mga damit. Muli akong lumabas at nagtungo sa aking kwarto. Dumeritso ako ng banyo para mag-shower. Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng boxer saka pabagsak na nahiga sa aking kama.
"Bakit ba ginugulo ng babaeng 'yon ang utak ko?" tanong ko pa sa aking sarili habang nakatitig sa kisame.
Hindi ko siya makalimutan. Kanina pa pasulpot-sulpot sa aking utak ang imahe ng amazonang babaeng 'yon na nakabangga ko sa SM sa San Agustin. Pati ang nangangalaiting boses nito parang umuugong sa aking tainga.
Bwesit! Hindi naman kagandahan ang bansot na 'yon. Akala mo kung sino.
Himutok ko pa sa aking sarili saka dumapa. Sinubukan kong pumikit pero ang mukha pa rin nito ang aking nakikita. Damn!
Bumangon ako ng kama saka nagtungo sa aking minibar. Nagsalin ako ng whiskey sa baso at mabilis itong tinungga. Muli ko itong nilagyan. Ilang minuto akong nanatili doon hanggang sa namalayan kong tinatamaan na ako ng alak. Hindi ko alam kung nakailang baso na akong nainom.
Ano balak mo pang kunin 'yan sa akin? Siguro member ka ng budol-budol gang? Kunwari mambabangga ka ng tao tapos drama-drama 'yon pala may nakuha ka ng gamit sa biktima mo.
Napangisi ako ng umalingaw-ngaw na naman sa utak ko ang sinabi nito.
"Budol gang." parang tangang sambit ko pa sa aking sarili. "Sa itsura kong 'to napagkamalan niya akong member ng mga mandurukot? Siraulo talaga ang babaeng 'yon."
Pasuray-suray na naglakad ako pabalik sa aking kwarto. F*ck! Mura ko pa ng mauntog ako sa pader. Parang dalawa na ang paningin ko. Muli akong napamura.
Nakailan ba akong baso at parang lasing na lasing yata ako?
Marahan kong hinilot ang aking sentido saka pabagsak muling nahiga sa kama. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip sa pangit na babaeng 'yon na nanggugulo ng buong sistema ko.
***
"Ah..." daing ko ng maalimpungatan ako sa lakas ng tunog ng call ringtone ng cellphone ko. Naiinis na inabot ko ito sa ibabaw ng drawer sa gilid ng kama. Bahagya ko lang ibinukas ang aking mga mata para tingnan kung sino ang istorbo sa pagtulog ko.
Miguel Calling...
Lalong sumakit ang ulo ko ng makita ko ang pangalan ng siraulong 'yon. Kaagad kong kinansel ang tawag niya. Ngunit hindi ko pa nga ito nailalapag ay muli na namang tumunog ang cellphone.
Damn! Ano na naman ba ang problema ng lalaking 'to at ginugulo na naman ako?
Tumihaya ako ng higa saka umatras at sumandig sa headboard ng kama. I pressed the answer button.
"Good morning." narinig kong bungad niya pagkalagay ko ng cellphone sa aking tainga.
I released a pissed groaned. "Ano bang maganda sa umaga?"
He laughed. "Ang sama ata ng gising mo bro?"
"Ano na naman bang problema mo at ginugulo mo ako ng ganito kaaga?"
Lalong lumakas ang tawa niya sa kabilang linya. Kaagad kong pinatay ang tawag sa subrang inis na naramdaman ko pero muli itong tumawag. Nanggigigil kong sinagot ito.
"Kung wala kang magandang--"
"Kailangan mong umuwi dito sa Hacienda. Nakita na ni Dad si Tay Philip." sabad niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Lalo na sa tawag niya kay Philip. "Tay? Close na kayo agad?"
Muli siyang tumawa. "I never thought na ama siya ng babaeng nagugustuhan ko."
Malalim akong napabuntong-hininga sabay hilot sa aking sentido sa sinabi niya. Kahit saan talaga pumunta ang damuhong na 'to puro babae ang inaatupag. "Kung 'yong babaeng sumugod sa Hacienda ang pinupuntirya mo Miguel maghunos dili ka. Subrang bata pa no'n. 'Wag kang magkamaling pagpraktisan 'yon at ako mismo ang makakalaban mo."
He laughed again. "She's eighteen. Hindi na minor 'yon no. Tsaka hindi ko bet ang amazonang 'yon... 'Yong ate niya ang gusto ko."
"Sinong Ate niya?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"'Yong caregiver ni Tita Felly."
"Sinong caregiver ni Tita? May caregiver ba siya?"
"Meron. Hindi mo na naabutan. Nagtatrabaho na ngayon do'n sa karendirya sa harapan ng pinapatayong Hotel."
"Karendirya? Bakit hindi mo binigyan ng ibang trabaho diyan sa loob ng Hacienda at hinayaan mo pang magtrabaho sa iba?"
He sighed. "I offered her a job. Tinanggihan niya. Nagalit siya sa akin no'ng tinanggal ko 'yong boyfriend niyang beterinaryo sa Rancho."
"F*ck Miguel! Ano bang pumapasok diyan sa utak mo?! May boyfriend na 'yong--"
"Well I like her. Mas bagay siya sa akin kaysa sa lalaking 'yon kaya dapat lang na mapunta siya sa akin."
Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha sa narinig kong katwiran niya. "G*go ka ba?!"
"I am. Kailangan mong umuwi ngayon dito. Balak ni Dad ibigay kay Tay Philip ang Hacienda. Sumang-ayon ako sa kanya. Nag-suggest din akong ibigay 'yong isang Rest House sa kanila para dito na sila tumira sa loob ng Hacienda. Pero kailangan ka rin makausap ni Dad. Pumayag ka kaagad ha, para mapalapit 'yon sa akin. Masyadong mailap ang babaeng 'yon. 'Yong isa naman parang tigre ang hirap kasabwatin."
"Seryoso ka ba diyan sa mga pinagsasasabi mo?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
I laughed. "Kaya pala hindi ka na umuuwi sa Mansyon at sa Barracks ka na natutulog."
"Basta, umuwi ka na ngayon. Bilisan mo."
"E pa'no kong tumanggi ako?"
"Damn, man! Hindi mo gagawin 'yon! Kapag tumanggi ka iiwan ko 'tong pinapatayong Hotel. Ikaw mag-asikaso!" singhal niya sa akin sabay patay ng tawag.
Napangisi ako. Mukhang umaayon ang pagkakataon sa akin. Sambit ko pa sa aking sarili. Kaagad akong bumaba ng kama at nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo saka nagmamadaling nagbihis. Dinampot ko ang aking cellphone and dialed Keith's number. Isang ring lang ay kaagad itong sumagot.
"Yes bro?"
Napangiti ako. "Uuwi ako ng Isla ngayon. Sasama ka ba?"
"May gagawin ako."
"Ihatid mo na ako ng chopper--"
"Marunong ka naman magpalipad no'n. Bakit hindi mo ihatid ang sarili mo at iniistorbo mo pa ako?"
"May hangover ako. Hindi ko kaya."
He released a pissed groaned. "Gawin niyo na lang kaya akong bodyguard. Lahat na lang ako e."
"Sige na pasyal tayo do'n sa kabilang Isla. Zipline tayo tsaka gusto kong matikman 'yong ibinibida ni Jonard sa akin na special bulalo sa lugar nila." pang-eenganyo ko pa sa kanya.
"Sinong Jonard?"
"Isa sa stockholder sa kompanya. Nagpapanggap din na trabahador sa Hacienda."
Tumawa siya. "No wonder nagkasundo kayong dalawa."
I chuckled. "Pumayag ka na. Emergency lang. Kailangan kong makauwi ASAP. Nahanap na ni Dad si Philip."
"O? Kailan pa?"
"Ngayon lang ata. Kagabi lang sila umuwi ng Hacienda e. Nakita ata ni Dad sa tubuhan. Anak niya 'yong amazonang sumugod do'n sa Mansyon. Remeber her?"
"Yeah... You know I kinda like--"
"Pati ba naman ikaw?! Tatamaan talaga kayong dalawa ni Miguel sa akin kapag kinanti niyo 'yon."
"Wow, over protective yaaarn?"
"Anak siya ng kaibigan ni Dad. She may be an amazona but she looks so innocent. 'Wag niyong idamay ang batang 'yon sa mga collection niyong babae."
Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko sa kabilang linya. F*ck mga bwesit talaga!
"Bata talaga? She's not a kid bro. Tsaka hindi naman siguro masama ang magka-crush diba?"
"Crush--YOUR FACE. Hindi ako pinanganak kahapon para mauto mo."
He laughed again. "Kaya pala nakailang ulit mo na akong nauto."
I smirked. "Well, magkaiba naman 'yon."
"Parehas lang 'yon. Bilisan mo na nga, ang dami mo pang sinasabi. Pumunta ka na dito. Baka magbago pa ang isip ko."
"I'm on my way." nakangiting sabi ko sabay patay ng tawag.
Mabilis kong sinamsam ang mga importanteng gamit saka sinilid sa 'di kalakihan kong maleta. Pinatay ko ang ilaw saka lumabas ng aking Unit. Dumeritso ako sa kinapaparadahan ng aking kotse. Nilagay ko ang maleta sa back seat. Kaagad kong in-start ang kotse pagkaupo ko sa driver seat saka pinasibad palayo sa lugar na iyon.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023