MARCO "Baka gusto niyo na pong magkwento Dad about what exactly happened to grandma and..." I paused and stared at him intently. "...sainyong anim na magkakaibigan." Kasalukuyan kaming nasa Library ngayon na apat. Nakatayo si Dad sa tabi ng bintana. Masama ang tingin sa akin. Si Mom naman nakaupo sa swivel chair at paulit-ulit na binabasa ang reports at tinititigan ang mga pictures. Si Wayne tahimik lang na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo habang nakaupo sa mahabang sofa. Sa edge naman nito ako nakaupo at nakikipaglabanan ng titig kay Dad. Pagdating namin kanina ng Hacienda ni Wayne sinalubong ako kaagad ng kamao ni Dad. Hindi ko inaasahan na alam niyang darating kami at mag-aabang mismo siya sa rooftop ng Mansion. Wala siyang sinabi sa akin na kung ano, basta niya na lang

