JILLIAN "Naaaay!" malakas na sigaw ko pagkakita ko kay Inay na nakatayo sa tabi ng mga tauhan ni Marco na nagkalat sa labas ng bahay namin. Pasugod ko siyang niyakap saka nag-aalalang pinasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan. "Okey ka lang po ba, Nay? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nila?" Nakangiting hinawakan niya ang kamay ko saka umiling. "Okey lang ako--" "Bess..." gumagaralgal na sabad na boses nina Cheena at Blessie. Kaagad akong napalingon sa kanila. Patakbo naman silang sumugod sa akin at mahigpit akong niyakap. Narinig ko pa ang mahina nilang paghikbi pero nanatiling nakatitig ang aking nanlalaking mga mata sa mga kababaryo kong umiiyak at takot na takot. Tipon-tipon sila habang napapaligiran naman ng mga bantay ang mga nakagapos na kalalakihan na duguan ang mukha

