MARCO "Ano 'to?" tanong ko kay Ryan nang ilapag niya sa harapan ko sa ibabaw ng mesa ang brown envelop. Ilang oras kaming naghintay sa kanila sa hideout namin dito sa Fairview bago ito humahangos na dumating. Tinambangan sila ng panibagong Van at hindi kilalang mga armadong kalalakihan on the way here kaya iniligaw muna nila. Kung anong pakay ng mga 'yon wala pa kaming idea. They're must be in different group. "Open it." Kaagad ko naman iyon binuksan. "F*ck! Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ko sa kanya matapos ko mabasa ang documents at makita ang litrato ni Shienna kasama ang isang batang babae. Nagkibit balikat siya. "Kompleto 'yan. But don't tell Migz about that yet. Tayong lima lang ang tanging makakaalam muna tungkol diyan. We need further investigation about her and Ke

