JILLIAN Galit akong napatayo kaagad sa sinabi niya. "Hindi pala e bakit mo pa ako ininterview? Pinaglululuko mo ba ako Mr. Del Carpio?" He chuckled. "Too much attitude--" "So 'yong attitude ko ngayon ang issue dito?" tinuro ko ang pinto. "Kung hindi mo ako binastos kanina hindi ako magagalit sayo ng ganito. But you know what? Wala rin namang manyayari sa bwesit na interview na 'to." hinablot ko ang hawak niyang folder na may laman ng resume ko pero hindi niya iyon binitawan. "Akin na resume ko. Uuwi na ako." "I'm gonna offer you a different job position." "'Wag na. Salamat na lang. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo." "Will double your salary more than what you get as a Human Resources Manager." Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ng biglang pag-alingaw-ngaw sa aking utak ng bos

