JILLIAN "Next applicant, please." Kaagad tumayo ang isang babae. Parang isang modelo sa tangkad. Pati lakad at katawan ang ganda. Kaso parang pupunta ng club ang suot niya. Kunting tuwad lang kita na ang itim niyang underwear. "Next applicant, please." muling sabi no'ng lalaki na nag-a-assist sa aming mga applicants. Kung gaano kami karami, ganun din kabilis ng interview ng Boss na nasa loob ng opisina nito. Hindi nga umaabot ng segundo lumalabas din ang mga babae. Kung hindi galit, mga luhaan. May nagmakaawa pa doon sa lalaki paglabas ng office ng applicant. Tuloy lalo akong binalot ng subrang kaba at nerbiyos. Pinagpawisan ako ng malamig. Pati kamay ko namamawis. Bakit kasi 'yong pinaka-BOSS pa mismo ang naga-interview? Bakit hindi galing HR or Manager kaya? Kahit anong pilit kong

