
Ipinanganak yata sa mundong ibabaw si Arra para maging isang certified man hater. Bata pa lang siya nang biglang umusbong ang kaniyang matinding pagkamuhi sa mga taong may lawit sa baba. At ang pagkamuhing iyon ay lalong nagliyab nang makilala niya si Deevon, ang estrangherong walang pakundangan na sinira ang imahe niya sa lahat. Ang lalaking walang awa, na sa isang iglap ay magpapakendeng ng kaniyang galit na puso.
