10

1680 Words
HINDI nagkaroon ng katuparan ang hiling ni Mabel. Wala pang alas-dose ay pumasok na sa loob ng showroom ang nakangiting si Kellan. Kinawayan siya ng binata nang makita siya. Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa at mabilis iyong tinapos. Ayaw sana niyang pansinin ang lalaki ngunit hindi niya magawa. Natagpuan pa rin niya ang sariling lumalapit sa binata pagkatapos niyang gawin ang trabaho. Kinuha niya ang thermal bag at lumabas na kasama si Kellan. Pumuwesto uli sila sa mahabang bangko. “How’re you?” tanong nito. “Fine.” Matamlay na sagot ni Mabel. Sinabi niya sa kanyang sarili na ang tanging dahilan kung bakit hinarap niya si Kellan ay dahil nais niya itong komprontahin. Nais niyang malaman ang totoo. Nais niyang marinig mula sa bibig mismo ng binata ang talagang motibo sa pakikipaglapit sa kanya.  Ngunit alam ni Mabel na niloloko lamang niya ang sarili. Nais niyang makasama si Kellan. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng hiling niya bago umalis ng bahay, hindi niya maikakaila sa sarili na nais niyang masilayan ang guwapo nitong mukha. Nais din niya talagang malaman ang totoong dahilan ng pakikipagkaibigan ng binata sa kanya, ngunit naduduwag siya. Parang hindi niya kakayaning marinig ang kumpirmasyon ng hinala ni Aunt Carrie. “You don’t look fine,” ani Kellan habang bahagyang salubong ang mga kilay.  “I’m fine,” giit ni Mabel. Nagsimula na siyang kumain upang makaiwas sa mapanuring tingin ng binata. Walang lasa ang beef salpicao ni Aunt Carrie. Hindi niya sigurado kung wala talagang lasa ang pagkain o sadyang walang panlasa ang dila niya. “As a general rule, when a woman says she’s fine, it means everything’s not fine. And she’s mad at the guy who’s asking.” Napatingin si Mabel kay Kellan. Inaasahan niyang makita ang amusement sa ekspresyon ng mukha nito ngunit concern at pagtataka ang nakita niya sa halip. Napabuntong-hininga siya. “Why are you doing this?” tanong niya. As a general rule, women never went straight to the point. “Doing what?” “This. Hindi mo naman kailangang puntahan ako kada tanghali para saluhan sa pagkain. Hindi mo kailangang makipagkaibigan sa akin.” “Hindi kailangan?” “There’s no need,” ani Mabel kung sakaling hindi nito gaanong naintindihan ang kanyang sinabi. Dahan-dahang tumango si Kellan. “You’re right. There’s no need to do all this. The truth is, I don’t know why I’m really doin’ this.” Humina ang tinig nito sa huling pangungusap kaya hindi niya gaanong narinig. “Ang sabi mo, you have some business to settle bago ka bumalik sa Ireland.” Tumango si Kellan. “I was hoping I will not have to come back here next year once I’ve settled it.” Nagsalubong ang mga kilay ni Mabel. “Pero ang sabi mo ay espesyal na sa `yo ang lugar na ito. Dito ka nakakapag-relax.” Tumango ang binata. “But I also think it’s time to try and see other places. Explore the world. Like the way I used to.” “This business. It’s me, right?” Mukhang hindi naintindihan ni Kellan ang kanyang sinasabi kaya kinlaro niya. “You have to settle your business with me.” Mukha pa ring naguguluhan ang lalaki kaya dineretsa na niya. “Kailangan mong bilhin sa akin ang parte ni Lolo na parte ko na ngayon sa kompanya mo. Gusto mo ring bilhin sa akin ang vacation house sa Ireland dahil dating pagmamay-ari iyon ng grandparents mo. Para sabihin ko sa `yo, hindi mo na ako kailangang bola-bolahin para makuha ang mga iyon sa akin. Hindi mo na kailangang magkunwari. Hindi mo kailangang magdala ng lunch araw-araw. Hindi mo kailangang makipagkaibigan. Pagkatiwalaan mo ang sasabihin ko ngayon sa iyo. Wala akong interes sa timber business mo at sa vacation house. Kapag naayos na ang lahat ng kailangan para malipat sa pangalan ko ang lahat ng iyon, ipapaayos ko kaagad ang pagbebenta sa `yo. Lolo made sure I can’t sell the shares and property to other people but you. So, tomorrow, don’t bring me lunch. Don’t show your face here.” “Wait, wait! Slow down. Hindi ko gaanong maintindihan. Bola-bola?” “Hindi ko uulitin ang lahat ng sinabi ko. Bahala ka sa buhay mo,” ani Mabel, sabay halukipkip. Sandaling nanahimik si Kellan, tila binabalikan sa isip ang kanyang mga sinabi. “You think I’m being friendly because I wanna buy your shares in Conolly Timber?” “Hindi ba?”  Banayad itong natawa. “You don’t think I’m being friendly because I find you interesting?” Napalabi si Mabel. Her heart sped up. “Huwag mo sabi akong bola-bolahin.” Mukhang matatawa uli si Kellan ngunit pinigilan na nito ang sarili. “I’m not worried about the business. The first time I approached you, I didn’t even know your grandfather is giving you his shares and his vacation house.” “T-totoo?” Nakangiting tumango si Kellan. “I’m not gonna offer to buy your shares. If you wanna sell, I’m gonna buy. But you’re the one who’ll gonna initiate the deal. If you don’t wanna sell, fine by me. Walang probleyma.” “B-bakit? Can you explain para mas maintindihan ko?” “Okay, let me start from the beginning. Conolly Timber Group was established by my grandfather. When he died, my dad took over. When my father died, I inherited his fifty-two percent share in the company. I was not as good as my grandpa and father in handling the business. I came to the point where I was ready to give it all up. Then I came here in Sagada. I met your lolo. I already told you how we met and how he helped me out. I sold my twenty-five percent shares to yer lolo. After a year, when the company was doing well again, ibinalik niya ang ten percent to me. Your grandpa didn’t ask for anything. He simply gave it back to me. So now, I own thirty-seven percent. It’s still the controlling share. It’ll be great to have fifty-two percent again but I know the Filipino concept of utang-na-loob, Mabel. Your grandfather may be gone now, but I will never forget how he helped me out, how he pulled me out of the gutter. He didn’t just help me save a company, he helped with a lot of personal things.” “So, utang-na-loob ang talagang dahilan ng pakikipagkaibigan mo?” “You really don’t think I’m interested in you?” Naitirik ni Mabel ang mga mata. “Come on.” Ayaw niyang umasa at baka mabigo lamang. O nais lamang niyang siguruhin ang dahilan ng paglapit ni Kellan? Totoo nga kaya na interesado ang dayuhan sa kanya? “If that’s the case, I should prepare lunches for your other sisters, too. You’re not the only granddaughter.” “Tinawagan ka lang ni Ate Vera.” “The first day. I should’ve stopped after that.” “But here you are,” aniya sa munting tinig. Ngumiti nang matamis si Kellan. “Here I am.” Naramdaman ni Mabel ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Hinusgahan niya si Kellan. Kung ano-ano ang ipinaratang niya sa binata dahil lang naimpluwensiyahan siya ni Aunt Carrie. Hindi nga dapat niya sisihin ang madrasta. It was all her. Siya ang nag-isip ng negatibo. Na-insecure siya.  “And just so you know, my grandparents’ vacation house is still mine. Your lolo purchased his to one of my friends who migrated in the States.” Nagbago bigla ang isip ni Mabel. Naiinis na siya kay Aunt Carrie. Hindi ba alam ng madrasta ang bagay na iyon o sinadya nitong bigyan siya ng maling impormasyon? “So, anong business ang kailangan mong i-settle?” Ibinaling ni Kellan ang tingin sa ibang direksiyon, ngunit hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang pagpanglaw ng mga mata nito. “Something personal.” “Hindi mo puwedeng sabihin sa akin?” “It’s a little complicated.” Hindi na iyon ipinilit ni Mabel na malaman. She respected his privacy. Umasa na lang siya na kusa nitong sasabihin ang lahat sa kanya isa sa mga araw na ito. “So... uhm... you are really i-interested?” Hindi alam ni Mabel kung saan niya hinugot ang lakas ng loob upang sabihin ang bagay na iyon. Kailangan lang niyang malaman. Nais niyang itaas uli ang self-confidence na pinababa ni Aunt Carrie. Iyon ang sinasabi ng isang bahagi ng isip niya ngunit iba ang sinasabi ng kabila. Muling tumingin sa kanya si Kellan, may magandang ngiting nakaguhit sa mga labi. Nangingislap ang mga mata nito. Hindi niya sigurado kung dahil sa amusement o panunudyo. “You are interesting.” Hindi kontento si Mabel sa isinagot ni Kellan ngunit alangan namang mag-insist siya ng ibang tugon na ikakakontento niya? Hindi rin niya alam kung paano tatanggapin ang tugon na iyon. Interesting siya in what way? Friendly kind of way or not so friendly s***h pumapag-ibig kind of way? Interesting siya na nais siyang mas makilala pa ng binata o interesting na simpleng naaaliw lang? All her life, Mabel never thought she was that interesting. Her life was never interesting—it was plain and uncomplicated. Hanggang sa marating niya ang Sagada. She didn’t even want to be that interesting. She loved her plain boring self. Hanggang sa makilala niya si Kellan. Bakit hindi na lang sinabi ni Kellan na interested ito sa kanya? Upang hindi na siya gaanong nag-iisip at naguguluhan. Mas madali sana iyong maintindihan. “Y-you too,” ang naging tugon na lang niya. “Interesting.” Nagyaya na si Mabel na ituloy ang pagkain bago pa man mapunta sa kung saan-saan ang usapan. May mga naging malinaw kay Mabel. Hindi atat si Kellan na bilhin ang shares na minana niya. Kung hindi niya gustong ibenta iyon, okay lang. May vacation house ang lalaki sa Ireland at hindi nito pagdidiskitahan ang vacation house na ipapamana sa kanya. Hindi na siya kailanman magkakaamor kay Aunt Carrie. Last but not the least, infatuation na at hindi na simple at harmless crush ang nararamdaman niya para kay Kellan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD