HINDI pa rin makapaniwala si Mabel sa kinalalagyan sa kasalukuyan. Nakaupo siya sa malaking sala ng mansiyon. Mansiyon na kanina ay buong pagkamangha niyang pinakatitigan bago pumasok. Hindi siya lumaking salat, ngunit nakakawindang pa ring isipin na sa bahay na iyon nakatira ang lolo niya. Sa malaking bahay na iyon siya manunuluyan habang siya ay nasa Sagada. Bahagyang binalangkas sa kanya ng matandang abogado ang mga kayamanan ng lolo niya, ngunit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang maniwala.
Inilibot ni Mabel ang tingin sa sala. Nakilala na niya ang kanyang mga kapatid sa ama. Walo sila. Magkakaiba ang mga personalidad ng bawat isa. Parang sasabog na nga ang bahay. Parang sasabog na rin ang ulo niya. Mula nang dumating siya kahapon ay hindi na niya alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. Parang kailan lang ay buo ang paniniwala niyang only child siya. She couldn’t quite wrap her head around the fact that she had seven sisters. Seven!
Napatingin si Mabel kay Sky, ang una sa pito na nakilala niya. Nadisgrasya siya ng maleta nito. Nang subukan siyang tulungan ng kapatid niya ay lalo lang siyang nasaktan. Katabi ni Sky sa upuan si Berry. Parang alien para sa kanya si Berry. Napa-fascinate siya at nangingilag nang sabay. Ngayon lang siya nakakita at nakakilala ng katulad nito.
Ibinaling ni Mabel ang mga mata kay Amira na tahimik lang sa isang sulok. Parang laging seryoso ang kapatid niyang ito. Amira seemed passionate about everything. Nangingilag din siya rito. Napatingin siya kay Eira na niyayang mag-selfie si Berry. Si Eira ang kapatid niyang enthusiastic. Palaging nakangiti ang bunso. Parang si Eira ang tipo ng taong mahirap palungkutin. Magaan ang loob niya sa kapatid.
Gusto rin niya si Ate Vera Mae. Mabait ang nakatatandang kapatid sa kanya. Ang alam niya ay isa ito sa dalawang apo na lehitimong kinilala ng lolo nila mula pagkabata.
Napako ang tingin ni Mabel kay Aunt Carrie, ang asawa ng kanyang sperm donor. Nakatayo ang ginang sa likuran ng wheelchair ng lolo nila. Hindi niya gusto ang babae. Siguro ay normal ang pakiramdam na iyon para sa isang anak na loyal na loyal sa ina. Natural na kaagad siyang makaramdam ng disgusto sa babaeng pinakasalan ni Alfie. Alam kasi ni Mabel na labis na nasaktan ang kanyang ina dahil sa pag-abandona sa kanila ng kanyang ama. Natural na maitanong niya, ano ang mayroon sa babaeng ito na wala ang kanyang ina? Mukha namang mabait si Carrie. Siguro ay mapapalis din sa paglipas ng mga araw ang hindi magandang pakiramdam na iyon.
Napatingin si Mabel sa lolo niya na nakaupo sa wheelchair. Natatakot siya kay Don Alfonso. He looked intimidating and formidable. Pagdating niya kahapon ay sandaling-sandali lang sila nakapag-usap. Napagod na kasi ang matanda at kailangan din nitong i-welcome ang ibang kapatid niyang dumating. Hindi naging madamdamin ang pag-uusap nila katulad ng inakala niya. Nakaramdam siya ng kakaibang koneksiyon ngunit natabunan iyon ng iba’t ibang magkakasalungat sa damdamin. Hindi niya naranasang magkaroon ng grandparents kaya hindi niya alam kung paano makiharap sa matanda. She felt awkward talking to him. Kasabay niyon ay naghihimagsik pa rin ang kalooban niya. He was cruel. Pakiramdam pa rin niya ay inilalayo siya nito sa maysakit na ina.
Sabay-sabay silang napatingin sa may hagdanan nang bumaba roon ang isang napakagandang babae. Si Ailene, ang fashionista niyang kapatid. Nakapustura ang dalaga mula ulo hanggang sa paa. Aaminin ni Mabel na bagay rito ang lahat ng kasuotan. Tumingkad ang ganda ng kapatid. Tila alam na alam naman nito ang bagay na iyon dahil feel na feel ang bawat paghakbang sa mga baitang.
Napangiti si Mabel nang makita si Ate Yumi. So far, ang nakatatandang kapatid ang pinakagusto niya sa lahat ng pitong kapatid niya. Ate Yumi was very sweet and accommodating. Ipinaramdam kaagad nito sa kanya na welcome na welcome siya.
Ngunit mas sweet at accommodating sina Doray, Tinay, Nonita, at Aling Rosa. Sa palagay niya ay mahal na niya ang mga ito. They made her life so much easier.
Ipinakilala sila kay Ailene. Bahagya siyang nahiya nang tanungin ni Ailene ang trabaho niya. Hindi pa niya nararanasang magtrabaho. Hindi naman kasi niya iyo kinailangan noon.
Lalo siyang nainis sa kanyang sitwasyon. Bakit kailangan niyang mahiya? Bakit kailangan niyang makaramdam ng panliliit? Hindi niya mararamdaman ang mga iyon kung hindi siya pinilit na magtungo sa kabundukan na iyon, kung hinayaan na lang siya ni Don Alfonso na manatili sa tahimik niyang mundo.
Nagkagulo na ang mga kapatid ni Mabel. Hindi niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang sanhi ng kaguluhan. Tahimik siyang nagngingitngit at naiinis—sa kanyang sarili, sa lolo niya, kay Carrie, sa kanyang mga kapatid, kay Alfie, at sa buong sitwasyon. Gusto na niyang umuwi.
I want Mommy! Nais niyang pumalahaw ng iyak.
NAPAPALUNOK na nilapitan ni Mabel si Don Alfonso pagkatapos na pagkatapos ng hapunan. Natatakot siya ngunit alam niyang kailangan niyang lumapit at kausapin ang abuelo. Lalo siyang hindi matatahimik kapag hindi niya ginawa ang dapat, kapag hinayaan niyang mapangunahan siya ng takot at pangamba.
“Lolo, I’m so sorry,” ani Mabel sa munti at mapagpakumbabang tinig.
Mataman siyang pinagmasdan ng matanda. Nagyuko ng ulo si Mabel habang mariing kagat ang ibabang labi. Inihanda niya ang sarili para sa sermon na siguradong maririnig. Nagpapasalamat na lang siya na sila na lang ang naiwan sa dining room, patungo na ang lahat sa veranda para mag-tsa.
“You really should be sorry,” ani Lolo Alfonso sa malamig at pormal na tinig. “Your mother taught you better than that.”
Nais lumubog ni Mabel sa kahihiyan. Namasa ang kanyang mga mata nang maalala ang kanyang ina, ngunit hindi niya hinayaan na umalpas ang mga luha. Natatakot siya na baka lalo siyang mapagalitan. Kung naroon lamang si Lucinda, malamang na nagalit na ito nang husto sa kanya.
Kanina ay natarayan ni Mabel ang chef dahil hindi niya nakuha ang kanyang gusto. Iginiit pa niyang lumabas ito upang makausap niya. Nag-demand siya. Sanay kasi siya na nakukuha ang gusto. Sa bahay nila ay ganoon naman talaga siya minsan, lalo na kung wala siya sa mood at hindi masaya sa pagkain. Nagta-tantrums siya. Nakalimutan niya na wala na siya sa bahay nila at wala ang mommy niya upang lambingin at payapain siya. Siguro ay talagang hindi na niya nakayanan ang mga nadarama. Hindi na talaga niya alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. She just snapped.
Alam ni Mabel na labis na nagulat ang lahat sa naging asal niya kanina sa dining table.
“But I understand, apo,” ani Don Alfonso sa malumanay na tinig kapagkuwan. Inabot nito ang kanyang kamay at banayad na pinisil. “I know it’s hard to adjust, to accept the sudden changes. Alam ko na hindi ka sanay na malayo sa iyong ina. I know you don’t feel safe at the moment.”
Tumango si Mabel. All her life, she had been with her mother. Hindi sila nagkakalayong mag-ina nang matagal. Hindi siya sanay na hindi ito kaagad nakikita kapag hinanap niya. Hindi rin siya sanay na umaalis ng Tarlac City. Kahit na sa pagluwas sa Maynila ay napakadalang nilang gawing mag-ina. Hindi siya katulad ng ibang mga tao na gustong mag-travel. Kahit na sa mga field trip noong nag-aaral siya ay hindi niya gaanong kinatutuwaan. Masaya na siyang tahimik na nasa bahay lang. She felt safe that way.
“Hindi po ako gaanong naging handa, Lolo,” pag-amin ni Mabel sa munting tinig. “I’ve never... I’ve...” Hindi niya matapos-tapos ang nais sabihin dahil ang totoo ay hindi niya alam ang mga katagang gagamitin upang mailabas ang talagang nararamdaman.
“You’re scared,” anito.
Tumango siya. “Wala si Mommy, eh.”
Muling pinisil ng kanyang abuelo ang kanyang kamay. “Narito naman ako, apo. Narito ang mga kapatid mo.”
Her heart contracted violently. Halos bumigay na ang mga luha niya. Tila may kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. Bakit ganoon ang pakiramdam niya? Bakit siya naiiyak?
“It’s not just your mom anymore, Mabel. You have us.”
“Really?” Para siyang bata na nagtanong. Tumingin siya sa mga mata ng abuelo upang masigurong nagsasabi ito ng totoo.
Nakangiting tumango si Don Alfonso. “Really. Everything will be okay, darling. If you just open your mind and heart to new possibilities.”
“This is like a new world to me. I feel like a fish out of water.”
“You’ll make it because you’re strong.”
“I am?”
“You are.”
Napalingon si Mabel sa pinanggalingan ng bagong tinig. Nilapitan siya ni Yumi at inakbayan. “Tara na sa veranda, naghihintay na silang lahat.”
Nakangiting tumango si Mabel. Kahit paano ay gumaan na ang kanyang pakiramdam, nabawasan ang takot at pangamba. Everything will be all right.