HINDI lumayo sina Mabel at Kellan. Dinala siya ng lalaki sa hardin, sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Tila napakarami nang nangyari sa pagitan nila mula noon. Naging masaya sila hanggang sa malaman niya ang totoo. Inalis ni Mabel ang kamay ni Kellan na nakahawak sa kanya. Walang karapatan ang lalaki na hawakan siya. Hindi siya nito asawa. “Kapag nalaman ni Berry na kasal ka, ewan ko na lang kung ano ang gawin niya sa `yo. Masuwerte ka na kung gilitan ka lang niya sa leeg at bitayin nang patiwarik hanggang sa maubos ang lahat ng dugo mo sa katawan.” Hinding-hindi niya aaminin na hindi niya hahayaan ang kapatid na gawin iyon kay Kellan. Tinangka ni Kellan na muling hawakan ang kanyang kamay ngunit hinampas niya ang kamay nito. “Huwag mo akong hahawakan! Mag-uusap lang tayo pero hi

