TATLONG araw na hindi nagpakita at hindi nagparamdam si Kellan kay Mabel. Sa wakas ay nagawa na ring magalit ni Mabel sa lalaki. Hindi marahil siya dapat magalit dahil wala naman silang relasyon. Ngunit pinaasa siya ni Kellan. Pinaasa siya sa mga bagay na hindi naman pala maaari. Hinayaan siya ng lalaki na mahulog dito. Pinaibig siya. Dumating na marahil si Mabel sa puntong kailangan na niya ng ibang masisisi. She refused to blame just herself. She wouldn’t fall in love with him if he wasn’t so charming, if he wasn’t so lovable. Pagsapit ng Huwebes, napagpasyahan ni Mabel na sawa na siyang maghintay. Hindi na siya umasang makikita pa si Kellan. Kakain siyang mag-isa sa tanghalian at hindi na hihintayin ang isang lalaking hindi naman darating. Napagpasyahan ni Mabel na hindi niya hahayaan

