20

1257 Words

HALOS hindi namalayan ni Mabel ang pag-uwi niya sa mansiyon. Inihatid siya ni Kellan pauwi. Kinakausap siya nito ngunit wala siyang naririnig, walang naiintindihan. Nakikita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki para sa kanya at nais sana niyang sabihin na wala itong karapatang mag-alala. Nais niyang magalit. Nais niyang paulanan ng tanong si Kellan. Ngunit hanggang sa isip lang ang lahat ng iyon. Hindi niya magawa. Wala siyang enerhiya. She couldn’t function. Hinagkan ni Kellan ang kanyang noo bago siya hinayaang pumasok sa loob ng mansiyon. Hanggang sa makahiga siya sa kama ay ramdam pa rin niya ang init na iniwan ng mga labi nito sa kanyang noo. Habang nakatitig sa kisame ay hinayaan ni Mabel ang sariling balikan ang unang pagkakataong nilapitan siya ni Kellan. Napagtanto niyang napa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD