CHAPTER 10

2174 Words

NAGPAROO’T parito ng lakad si Sebas sa gilid ng swimming pool nang pakawalan nito ang kaniyang kamay. Nakatayo lamang siya dalawang hakbang mula sa binata at tahimik niya itong pinagmamasdan. Naroon pa rin ang matinding kaba sa dibdib niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang gustong sabihin sa kaniya ni Sebas kaya hinila siya nito papunta sa swimming pool erea nila. Mayamaya ay halos magkasabay lamang silang dalawa na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ’tsaka humarap sa kaniya ang binata. Tinitigan siya nito nang seryoso. Kaagad din naman siyang nagyuko ng kaniyang ulo dahil hindi pa rin niya kayang salubungin nang diretso ang mga mata nito. “Hindi ka ba magsasalita? Wala ka bang sasabihin sa akin?” Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay kasabay niyon ang pag-angat muli ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD