LIHIM na napalunok ng kaniyang laway si Sakura habang nakatingala siya kay Sebas. Dahil sa naging tanong dito ni Handa, kitang-kita niya kung paano umigting ang panga ng binata maging ang pagsasalubong ng mga kilay nito na halos mag-isang linya na habang nakatitig sa kaniya. “Sakura is just curious that’s why she’s asking kung nauubas daw ba ang semen ninyong mga lalaki, lalo na sa kagaya mong womanizer, I mean... maraming girlfriend.” Saad pa ni Handa. “Handa!” Saway niya sa kaibigan at lihim din itong pinanlakihan ng mata nang tapunan niya ito ng tingin. Pero ang dalaga ay hindi naman siya pinansin. “I mean, I got curious too, Sebas,” sabi pa nito at kumilos sa puwesto nito upang humarap sa binata. Oh, God! Siya ang labis na nahihiya ngayon dahil sa kaibigan niya. Pakiramdam niya

