CHAPTER 13

1030 Words
LIRA POV At itong si mama, ewan ko ba sa kanya ngunit ang advance niyang mag isip. Kapag may boyfriend buntis kaagad? Hindi ba pwedeng landiam muna? Para na rin niyang sinabi sa akin na wala siyang tiwala eh! "Buntis agad ma? Wala akong plano na magpa buntis ng maaga. Parati kong sinusunod ang advice niyo na ibigay ko ang sarili ko sa mapapangasawa ko so pipili ako ng lalaki na disente at naayon sa inyong gusto." "Lira, sa panahon ngayon, minsan ay kung sino pang mukhang disente ay yun pa mismo ang manloloko kaya nakikiusap ako sayo. Wag ka na sanang matigas pa. Wag ka na sanang mag reklamo pa, kami munang pamilya mo ang dapat mong priority!" Nagtampo na ako sa mama ko kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Naiinis ako sa mga sinabi niya, mas malabo pa yata siyang kausap kaysa sa malabo ang kanyang mga mata. Basta, I hate her, paano na kami nito ni Reji eh nakapangako na kami isa isa't isa. Legal na kami sa kanyang papa ngunit sa pamilya ko na lamang hindi. Pero baka wala lamang siya sa mood nito kaya next time ay kakausapin ko siya ulit. Of course, hindi ako papayagan na mangyari ito. I need to find a way para maging legal kami ni Reji. Aba, ilang taon din ang tiniis namin para mag tago ng relasyon and now is the time para ipagmalaki namin ang pagmamahalan namin. Gusto ko na ma post na ang picture namin together sa social media account ko. Ang dami na naming pictures sa private gallery ko na nasasabik akong ma post para mainggit ang lahat ng mga tao sa paligid namin. After all ay ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya upang mag aral ng mabuti at maging isang honored student. Pahiga pa nga lamang ako sa kama ko ng may kumatok kaagad sa pintuan. Mabilis akong nag bukas ng pinto at nakita ko ang kapatid kong si Sam na nakangiti ngayon at ang dungis ng kanyang mukha. "Nako, ang dungis mo, pumasok ka nga sa loob!" sambit ko sa kanya. Pumasok na kami sa loob at pinunasan ko ang kanyang madungis na mukha. "Ate, pahiram po ng cellphone," sambit niya sa akin. Kahit na gusto kong ipahiram ang cellphone ko sa kapatid ko ay tatawagan ko muna ang boyfriend ko. Malamang nito ay nag aalala na siya sa akin at hindi mapakali kaya natawag. "Nako Sam, pass muna baby girl okay? Hindi sa nag dadamot si ate pero may hinihintay akong tawag eh!" sagot ko sa kanya. "Sino po ate? Yung boyfriend mo bang si Mickey mouse?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Bakit mo nasabi na may boyfriend ako? Friend ko lang siya okay?" "We di nga? May I love you babe po siyang message sayo eh!" Daig pa ako nitong si Samantha eh. Bata pa lamang ito ngunit ganito na kaagad makapag salita. Meanwhile ako nga noong bata ako eh puro ako nood ng cartoons sa tv at tsaka may mga puro barbie dolls. "Alam mo Sam, bad yan na nag babasa ka ng message sa phone ko. You promised me na hindi mo yan gagawin di ba? Akala ko ba ay maglalaro ka lang?" "Hindi mo na siya boyfriend? Bakit babe po ang tawagan niyo at may I love you pa?" Itong si Sam, ang inosente ng kanyang boses pero nakikita ko na kapag lumaki ang babaeng ito ay may taglay siyang kalandian. Nakakatakot, sa private school pa naman siya mag aaral kaya dapat na mas bantayan din siya. Natatakot na rin tuloy ako sa sarili kong multo. Subalit musmos pa siya kaya mag sisinungaling muna ako sa kanya. "Well, ganyan kaming mga magkakaibigan. Very common na sa amin ang I love you and please Sam, punta ka muna kay mama sa baba okay?" Kinuha ko ang chocolate ko at binigay ko sa kanya. Sayang, gusto ko sana kainin ang mga ito pero sa kapatid ko na lamang. Natuwa pa nga siya at mabilis na lumabas without even saying thank you sa akin subalit ayos lang. Sinarado ko ang pintuan at ni lock ko ito and then tiningnan ko ang cellphone ko. Nakaka ilang missed calls na pala ang boyfriend ko sa akin so this time ay ako na ang tumawag sa kanya at mabilis niya itong sinagot. "Oh ano ha? Kanina pa ako tumatawag sayo tapos hindi mo sinasagot!" Ang sungit ng boses niya tapos ang lakas pa. Kahit na malayo ako sa kanya ay damang dama ko ang kanyang galit sa akin. I can understand it kasi nga mahuli kami ng papa niya sa akto kanina at malamang nito ay napagalitan siya so I cannot blame him if ganito ang kanyang galit. "Babe kalma ka please! Wala na tayong magagawa pa kasi nahuli na tayo ng papa mo kanina. At wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari okay? By the way, kakauwi ko lang din at kung maalala mo ay dinala nila Jessy ang mga gamit ko sa bahay kanina at ngayon ko lang nalaman ang mga messages mo sa akin. And he is a nice guy, wala.nga akong narinig na masasakit na sermon galing sa kanyang bibig kanina." Ang advance ko rin mag isip pero batid ko naman na itatanong din ito ng boyfriend ko. "Okay sige, pasensya ka na sa nangyari ha? At tama ka, wala na tayong magagawa pa kasi nangyari na ang di dapat mangyari. Si papa ay wala pa rito sa bahay, malamang ay na traffic siya sa daan ngunit pag uwi niya sa bahay mamaya ay may sermon ako sa kanya at baka nga may sapak pa eh!" Nababakas ko sa tono ng pananalita ni Reji na natatakot na siya. Only if I can be with him now para mayakap ko siya ng mahigpit ay ginawa ko na. "Kalma okay? Just say sorry to him, sorry lang at walang sagot na pabalang sa kanya if mainit ang ulo niya mamaya at balitaan mo ako ha?" "Sige... pero kita tayo bukas ng hapon sa tapat ng school ha? 4 pm sharp ay nandoon na ako at please, wag ka sana ma late sa date natin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD