LIRA POV
"Grabe naman ang traffic dito sa Edsa. Sobrang tagal na panahon kong nawala ngunit hindi pa rin nag babago ang kalakaran sa lugar na ito. Kung ano ang iniwan kong sitwasyon dati ay mas lalo pa ngang naging malala. Anak ng teteng, kahit na sino yata ang umuupo sa pwesto ay walang pagbabago eh!" pag aangal niya.
Alam ko naman na pulitiko ang kanyang pinatatamaan ngayon eh. Ngunit tama siya, napaka bulok na ng sistema dito sa Pinas kaya maging ako man ay naiinis na rin. Pero sanay na rin akong mag adjust sa ganito. Maaga akong napasok sa school kaya ni minsan ay hindi ako na late.
"Sorry po Mr. Argus, if you want na umuwi na po ay pwede niyo na akong ibaba rito at ako na ang bahala na umuwi sa bahay namin. Mas maigi ho kung makakapag pahinga kayo."
"Don't worry, I will be fine. May traffic din naman sa Canada pero hindi ganito kalala. May isang salita ako kaya wala kang dapat na ikabahala!"
Ang ganda ng ngiti niya sa akin tapos ang puti din ng ngipin niya. Siguro ay mas gwapo siya noong kabataan niya like Reji. But I still prefer my boyfriend at ngayon na legal na kami sa papa niya, it means na pwede na kaming mag date ng wala siyang pino problema. At ang family ko rin, sure ako na tatanggapin niya si Reji kasi hindi siya ang tipo ng lalaki na mabisyo.
Nakarating na rin kami sa bahay ko ngunit tumagal lamang sa daan ng ilang sandali. Lumapit siya sa akin at tinanggal niya ang seatbelt ko. Nakaka ilang ito lalo na ng mag tinginan kaming bigla. I really don't want na ganito kami ka close sa isa't isa.
Pero ang bango niya pa rin. Malamang ay mahal ang pabango na kanyang gamit. Ngunit may kinuha pa siya sa likod ng kotse niya at iniabot sa akin.
Dalawang pirasong chocolate ang binigay niya na hindi ko kilala ang brand.
"Pasalubong ko na yan sayo. I wish to give more next time. Sure naman ako na hindi ito ang magiging huling pagkikita natin."
Nakaka gaan ng loob ang kanyang ngiti. And of course tama rin ang kanyang sinabi na hindi ito ang magiging huling pagkikita naming dalawa.
Pero hindi ko masabi kung kaylan ito mangyayari. The only thing I know is that, I am looking forward to seeing him again next time.
"Maraming salamat Mr. Argus!"
"You don't need to be formal with me. Kahit na Tito Argus na lamang ay walang problema," tugon niya pa.
Pinababa niya na ako ng kanyang sasakyan at pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko ang mama ko na ginagamit ang cellphone ko sa sala.
Mabilis akong lumapit kay mama at imbes na mag bless ako sa kanya ay hinablot ko ang phone ko.
"Ma, bakit niyo pinapakialaman ang gamit ko ha?" tanong ko sa kanya na medyo galit.
Sa lahat pa naman ng pinaka ayaw ko ay yung pinapakialamanan ang gamit ko.
"Nako wag kang over acting anak. May password ang cellphone mo kaya hindi ko mabuksan. May natawag sayo na Mickey Mouse ang pangalan. Sino ba yang mickey mouse na yan ha? Totoong pangalan ba niya yan?"
Natawa ako at nawala ang galit ko. It was a good thing na ganyan ang pangalan ni Reji sa phone ko kasi madalas kalkalin ni Sam ang phone ko kapag naglalaro siya ng games.
Siya ang nakaka bata kong kapatid na elementary student pa lamang. Ayaw pa kasi namin siya pagamitin ng phone kaya nakiki share siya sa akin.
"Friend ko po yan sa school ma. Girl yan kaya wag kayong mabahala. Wala akong boyfriend," sagot kong defensive sa kanya.
"Bakit wala naman akong sinabi na boyfriend mo siya ha? At subukan mo lang na mag boyfriend sa school, natitiyak ko sayo na titigil ka na sa pag aaral mo!"
Ito na naman si mama sa kanyang pagbabanta ngunit hindi niya yata naiiisip na I am about to graduate and with honors pa. Nilihim ko man ang relasyon ko sa boyfriend ko sa kanya ngunit nagawa ko pa rin naman pagsabayin ang pag aaral at ang kalandian ko hehe!
Basta ang sarap ng feeling, para akong nasa clouds ngayon. I am so in love with Reji and I missed him so much kahit na kanina lamang kami nagkita.
"Ma, nakakalimutan niyo na ba na ga graduate na ako sa school. Ang sabi nito noon ay dapat makapag tapos muna ako ng pag aaral and then pwede na akong makapag asawa."
"Anong sinasabi mo ha? Gusto ko na mag trabaho ka muna para sa amin. Aba, hindi biro ang laki ng tuition fee mo sa school. Kaya kaylangan na mag bigay ka muna sa amin.
Si Sam, ang kapatid mo ay gusto kong makapag aral sa private school. Sawa na ako sa public school kasi siksikan doon at ang dami ng mga mag aaral. Mainit at nakaka awa ang kapatid mo."
Sumakit ang ulo ko bigla sa sinabi ng mama ko. Gusto ko nang maging legal kami ni Reji ngunit ganito pa ang nangyari ngayon. Wala siyang isang salita, tutulong naman ako sa bahay namin dahil sa alam ko na obligayson ko ito pero feeling ko ay pera na ang pag aawayan namin ni mama. Aba syempre gusto ko na rin makapag trabaho upang mabili ang lahat ng gusto ko.
"Ma boyfriend lang sana please. Mqghahanap ako ng trabaho pero need ko na rin lumandi sapagkat nasa wastong edad na rin ako."
"Anong boyfriend ang pinagsasabi mo ha? Paano kung mabuntis ka ng maaga? Paano kaming pamilya mo? Tulungan mo muna kami, ang lalaki ay nandiyan lamang Lira. Darating din yan sa buhay mo ngunit pamilya mo muna ang unahin. Matanda na ang papa mo, ayaw sana kitang bigyan ng sakit ng ulo ngunit tinanggal na siya sa company dahil sixty years old na siya. Binigyan siya ng separation pay ngunit yun ang ibabayad ko sa iyong graduation fee."
Nalungkot ako doon ngunit ayos lang naman kasi matanda na rin ang papa ko.