Kabanata 38 A L E X A Sa sobrang inis ko ay hindi na ako nakatiis at nagpaalam na ako para asikasuhin ang ibang guest. Wala na akong pakialam kung mapagalitan ako dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na sila ang priority dapat pero wala na akong pakialam. Hindi ko na kayang manatili pa doon. Nag-uumapaw ang iritasyong nararamdaman ko. Ni hindi manlang niya ako tinanong kung ayos lang ba sa akin na lumabas kasama ang kliyente niya. Nagkibit balikat lamang siya na tila ba wala siyang pakialam! Ganito niya ba tratuhin ang mga empleyado niya? Ipapamigay na lang kapag natipuhan ng isa sa mga kliyente niya? Ganito ba siyang klaseng boss? Hindi na ako nagtataka kung paano niya naabot lahat ng ito kung ganoon. Kaya niyang maging marahas sa empleyado niya para lang sa mga kliyente niya. Pero bakit

