Kabanata 37 A L E X A Hindi ako lumabas ng opisina. Paikot-ikot ako doon at hindi mapakali. Hindi ko alam kung hanggang anong oras sila magtatagal dito at ayokong lumabas hanggat naririto pa siya. Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako pwedeng manatili na lang dito. Kailangan kong lumabas doon at harapan sila… siya… Muli kong pinikit ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga bago nagpasyang lumabas ng opisina. Dirediretso ang lakad ko kahit na malakas ang kabog ng dibdib ko. Sinalubong ako ni Lorenzo nang mamataan niya ako. Wala na sila sa lamesa ng mga bisita at mukhang tapos ng makipag-usap sa mga ito. “Kumusta ang pakiramdam mo? Ang sabi ni Gina bigla ka na lang daw umalis. I assumed na baka masama ang pakiramdam mo,” may halong concern na sabi ni

