003

2610 Words
Kabanata 3 A L E X A Naging mahirap sa akin ang mga sumunod na araw na wala na sa bahay ang mga kapatid ko. Sobrang hirap para sa akin na ihatid sila sa bahay ng matandang iyon pero tulad nga ng sabi ko, wala na akong magagawa pa kundi ang magtiwala kay Cheska. Alam ko naman na hindi niya pababayaan si June. Alam ko din na ginagawa niya lang ito para makatulong sa akin at para maipagamot ang kapatid namin. Gusto ko man akuin ang lahat para sa mga kapatid ko pero wala akong magagawa kung si Cheska na mismo ang nagpasya nito. Kung kaya ko lang, kung may magagawa lang sana ako para resolbahin ang mga problema namin ay ginawa ko na para hindi na mag suffer ang kapatid ko ng ganito. Naisip ko nga, sana ako na lang ang naroon. Sana ako na lang ang nagustuhan ng matandang iyon at hindi ang kapatid ko. Ako sana ang nagsasakripisyo ngayon. Mas kakayanin ko naman na ako ang magsakripisyo kaysa si Francheska. Pero naniniwala ako na, hindi pababayaan ni Cheska ang sarili niya. Pareho kaming naging matapang dahil sa mga pinagdaanan namin kaya alam ko na hinding-hindi siya basta na lang magpapatalo sa hamon ng buhay. “Oh my God!” Naibulalas ko nang maabutan kong may naghahalikan sa loob ng girl’s comfort room. Nakalihis na ang uniporme ng babaeng kahalikan ng isang pamilyar at matipunong lalaki. I think kabilang ang lalaking ito sa basketball team ng school. Hindi ko lang sigurado. Agad silang nahinto sa ginagawa. Napamura ang lalaki at mabilis na hinila ang babaeng kasama sa isang cubicle. Saglit lang silang nagtagal doon bago muling lumabas. Nakaayos na ang uniporme ng babae. Nakangisi ang babae nang lumabas sa cubicle habang ang lalaki naman ay nakamangot at tila nagsusuplado. Tumingin ito sa akin mula sa salamin bago hinalikan sa labi ang maganda at kulot na babae. Nagpaalam siya dito at umalis na ng girl’s comfort room. Tumabi ang babae sa akin. Nagkatinginan kami sa salamin. “I’m sorry about that,” aniya ngunit nakangisi pa din. Tumango ako. “It’s okay. Sana tinuloy niya na. I don’t mind,” sabi ko tinapat ang kamay sa gripo para maghugas. Tumalikod siya sa salamin at sumandal sa sink, ngunit ang ulo ay nakabaling naman sa akin. “Really? Hindi ka magsusumbong?” aniya, tila mangha. Umiling ako at bumaling sa babae. “Mag-aaksaya lang ako ng oras kung magsusumbong pa ako sa guidance. Mabuti pa kung may reward akong matatanggap kapag sinumbong ko kayo.” “Reward?” Tumaas ang kilay niya. “Like money?” Tumango ako. “Yep. Kung may reward lang na pera ang pagsusumbong sa guidance baka kanina pa ako tumakbo doon.” Ngumisi siya. “Totoo ba na ikaw lang ang nagpapaaral sa sarili mo at scholar ka din sa school na ito?” Suminghap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Pareho kaming dalawa ng kapatid ko na scholar sa school na ito. Swerte namin kasi nakapasa kami sa scholarship, iyon nga lang kapalit no’n ay kailangan naming pagbutihan ang pag-aaral namin, kailangan namin i-maintain ang mataas na grado kundi ay matatanggal kami sa scholarship. Kinakaya naman naming imaintain ang magandang grado kahit na pareho kaming maraming problemang iniisip. Mas lalo lang din kasing lalaki ang problema namin kung magpapabaya kami sa pag-aaral, gayong hindi naman namin afford ang tuition fee sa school na ito. Madalas kaming nabu-bully dahil doon. Dahil mahirap lang kami at tingin ng ibang mga estudyante sa amin ay basura lang, hindi nababagay sa mundo nila. Kaya nga siguro kahit mag g-grade twelve na ako sa susunod na pasukan ay wala pa din akong nagiging kaibigan sa school na ito. Imbes na madagdagan ang mga kaibigan ko ay mas nadadagdagan ang mga nagiging kaaway ko. Ewan ko ba kung anong problema nila sa akin, dahil lang mahirap ako? Wala ba silang magawa sa buhay nila at pati iyon ay pinoproblema pa nila? Kaya minsan hindi ko maiwasang mainis sa mga mayayaman na ‘yan. Ang dami kasing matapobre sa kanila. Hindi ko pa nasasagot ang tanong ng babae sa akin ay nagsalita na siya ulit. “Hmm, alam mo bang scholar din sa school na ito ang boyfriend ko?” aniya. Muli akong napabaling sa kanya. “Iyong kasama mo kanina?” Tanong ko na tinawanan niya. “Of course! Sino pa ba? Nakita mo naman ang ginagawa namin kanina. Mukha ba akong cheater sa paningin mo?” aniya natatawa pero mukhang hindi naman na offend sa tanong ko. Nagkibit balikat ako at napagtantong mali nga na tinanong ko pa iyon. “Pasensya na.” “It’s fine. Yes, he’s my boyfriend. Captain siya ng school’s basketball team, kaya siya may scholarship. Cool, right?” “Cool?” Kumunot ang noo ko. “Yes, why? Isn't it nice that you are independent enough to study without the help of your parents?” “Yeah. It’s cool for sure. I just can't believe you think the same way. Akala ko tulad ng ibang mga anak mayaman dito ay nandidiri ka din sa mga katulad namin.” “They are stupid and considerably more kadiri if they believe that way or if that is their mentality.” Napangisi ako at bahagyang natawa. “Right?” aniya, salubong ang kilay at tila naiirita na. Tumango ako ng nakangiti. “You’re right.” Sumighap siya at humarap na ng tuluyan sa akin. “By the way, I’m Leanne Gonzaga. And you are?” Humarap din ako sa kanya ng nakangiti pa din. “Alexandra Ignacio. Alexa na lang,” pakilala ko. Ngumiti siya at tumango. “I like you, Alexa. I'm hoping we can schedule some time together. I'd like to get to know you. You seem to be interesting and enjoyable to speak with.” Tumango ako. Wow, that’s nice. Mukhang ngayon lang ako magkakaroon ng kaibigan sa tagal ko sa eskwelahang ito. “Sure.” Kinuha niya ang number ko at ibinigay niya din ang number niya sa akin para kung may oras daw ako ay makalabas kami para makapagkwentuhan. Pagkatapos no’n ay lumabas na kami ng CR at pumunta sa kanya-kanyang klase. After ng class ko ay dumiretso na ako ng uwi. Maya-maya lang din ay papasok naman ako sa trabaho. Ang konting oras ko pagkatapos ng klase ay kadalasang nilalaan ko sa kapatid kong si June pero dahil wala na sila ngayon sa bahay, pinili kong magpahinga na lang at magbasa para sa exam sa susunod na araw. Pagkatapos no'n ay kumain lang ako at naghanda na para pumasok sa trabaho. Hindi na ulit bumalik 'yong lalaki noong isang gabi. Siguro na-badtrip sa akin o baka wala na siyang problema kaya hindi na bumalik pa. Baka nagkabalikan na sila noong asawa niya. Sayang balak ko pa naman siyang gawan sana ng maiinom na tiyak na magugustuhan niya. Mukha kasing hindi niya nagustuhan iyong ininom niya noong nakaraan. Habang naghahalo at nagtitimpla ng isang inumin ay bigla akong tinusok sa tagiliran ni Belinda. Bumaling ako sa kanya ng nakakunot bago siya ngumuso sa isang lamesa malapit sa bar counter kung nasaan ako. Naroon ang lalaking kausap ko noong isang gabi. Mag-isa ulit siya gaya ng unang beses siyang magpunta dito pero ngayon sa isang lamesa na siya pumwesto. Hindi na dumirekta sa bar counter tulad noong nakaraan. "Gusto mo ikaw muna ang mag-serve?" Nakataas ang kilay na suhestiyon ni Belinda, may konting ngisi sa labi. Hindi ako pwede mag serve dahil hindi na iyon ang trabaho ko. Dati din akong server pero nang natutunan kong mag mix ng mga inumin ay ginawa na akong barista ng may-ari nitong bar. Malaki talaga ang tiwala sa akin ng may-ari kaya kahit hindi naman ako nag-aral ng bartending ay pinagkatiwalaan niya ako sa posisyong ito. Umiling ako at inalis ang tingin sa lalaki. Hindi nga siya dumiretso dito sa counter, it means ayaw niya akong makausap kaya bakit ko ipagpipilitan ang sarili kong kausapin ang taong ayaw naman akong kausap? "Hindi na. May ginagawa pa ako dito." Ngumuso si Belinda at umiling. "Ano ba 'yan! Ang KJ mo naman! Ano ba 'yang ginagawa mo d'yan, hindi ba pwedeng ako na lang muna ang gumawa niyan?" "Hindi pwede. Doon ka na. Kunin mo na ang order baka naiinip na iyon." Umirap siya at mas lalong humaba ang nguso. "Hay naku! Ano pa nga ba ang aasahan ko sa taong tulad mo? Kaya ang boring ng buhay mo, eh. Ayaw mong lumandi kahit minsan lang." "Hoy, anong landi-landi 'yan?" Biglang singit ni Lance na galing kitchen. Server din siya pero marunong din siya mag mix ng drinks tulad ko. Mas maalam pa nga siya sa akin pagdating sa mga alak pero ewan ko kung bakit hindi siya ginawang barista. Ang sabi ng iba ginawa lang daw akong barista dahil maganda ako at nakaka-attract ng customer. Gwapo din naman si Lance pero mas madalas na mga lalaki ang customer namin kaya siguro mas gusto nilang babae ang barista. May katulong din naman akong isa pang baristang lalaki pero mostly ako talaga ang gumagawa ng mga order at tinutulungan lang ako ng kasama ko. "Ito kasing si Alexa, ang arte. Nand'yan 'yong crush niya, ayaw pang lapitan. Ikaw nga muna ang pumalit sa kanya d'yan para naman makapag serve siya sa crush niya." Kumunot ang noo ni Lance da sinabi ni Bel. Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo. "Crush? Sino?" Kuryosong tanong nito. Umirap ako. Wala naman akong sinabing crush ko ang lalaking iyon, paladesisyon din itong si Bel. Tinuro naman niya agad kay Lance 'yong misteryosong lalaki na tinutukoy niyang crush ko kahit wala naman akong sinasabi. Ngumisi si Lance habang tinatanaw ang lalaking tinuro ni Bel. Nang bumaling siya sa akin ay nanunukso na ang kanyang tingin. Inirapan ko na lang siya at nagpakaabala na sa ginagawa. "Sige na, doon ka na. Nang sumigla naman 'yang mukha mo at hindi laging nakabusangot," anito, inagaw na ang ginagawa ko. Umirap ako at napailing sa inasta niya. "Tumigil nga kayong dalawa. Sabing may ginagagawa ako. Sige na Bel, kunin mo na ang order no'n at ikaw naman Lance, bumalik ka na nga sa ginagawa mo. Mamaya dumating si sir at maabutan pa tayo ditong walang ginagawa." Ngumuso si Bel, hindi pa din umaalis sa pwesto niya para puntahan si Mr. Suplado. Si Lance lang ang nagkibit balikat na umalis para ituloy ang ginagawa. Muli akong nag-angat ng tingin kay Bel. "Ano pang ginagawa mo? Kunin mo na ang order—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang lumitaw si Mr. Suplado sa harapan ko. Napaawang ang mga labi ni Bel bago parang bulang bigla na lang naglaho. Tumikhim ako bago tuluyang ibinigay ang pansin sa lalaki. Sinubukang itago ang biglaang kabang naramdaman. Ngumiti ako at naglapag ng beer mat sa harapan niya. Dapat ay babatiin ko muna siya pero sa kaba ko sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko ay hindi ko na nagawang bumati pa. Diretso na ako sa pagtatanong tungkol sa gusto niyang inumin. "Uh, can I please have the drink you promised me?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na maalala niya pa iyon. Akala ko nga hindi na din niya ako maalala dahil mukha namang hindi siya interesado noong kinakausap ko siya. Mukha pa nga siyang na-badtrip sa akin noong gabing iyon o akala ko lang ba iyon? Pero kasi hindi na siya bumalik ulit pagkatapos no'n… ngayon lang ulit. Pero baka naman busy lang siya kaya ngayon lang siya ulit nakabalik. Muli kong ibinalik ang ngiti ko, ngayon mas totoo na iyon. "Sure. Naalala mo pa pala iyon," sabi ko may konting tawa. "Hmm. Sobrang tanda ko na ba sa paningin mo para isipin mong makakalimutin na ako?" aniya may bakas ng paglalaro sa boses. "What? No, of course not." Natawa akong muli. Tumaas ang dalawang kilay niya. Hindi ko alam kung bakit kahit marami naman na akong nakasalamuhang gwapong customer sa bar na ito ay na i-starstruck pa din ako sa kagwapuhan ng lalaking ito. Kulang na lang siguro ay tumulo na ang laway ko sa sobrang gwapo niya sa paningin ko. Hindi siya 'yong type ng guy na bad boy looking, hindi din siya iyong pang prince charming. May sarili siyang look na hindi ko nakita kailanman sa ibang gwapong lalaking nakasalamuha ko. Sexy niya sobra sa paningin ko kahit mukha siyang disenteng tao. Iyon nga yata ang mas nakakapag pasexy sa kanya. Iyong pagiging disente at malinis niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang itsura niya sa kama… Is he a wild man? Hindi halata sa kanya ang ganoon pero malay ko ba? Mukha siyang tahimik pero hindi natin masasabi kung ganito pa din ba siya pagdating sa kama. Pero bakit ko nga ba iniisip ang mga ganito? "So, what kind of drink are you going to make for me tonight? May I ask?" Umiling ako at sinimulan nang gawin ang naisip na ipapatikim sa kanyang inumin. Hindi ko alam kung magugustuhan niya itong gagawin ko pero ito kasi ang unang pumasok sa isip kong ipatikim sa kanya. "Later, panoorin mo na lang muna ako." "Oh, sure," aniya at tahimik na pinanood nga ako. Nagseryoso ako sa ginagawa ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit bigla akong ninenerbyos habang ginagawa ang inumin niya. Hindi naman ako ganito kapag pinapanood ako ng ibang mga nagiging customer ko na gumagawa ng inumin. Ngayon lang yata ako kinabahan ng ganito… sa kanya lang. Tahimik siya at talagang pinapanood ang bawat kilos ko. Nang sa wakas ay natapos ako sa ginagawa ko ay inilapag ko na sa harapan niya ang inumin. Kabado pa dahil baka hindi niya magustuhan. "It's salted peanut butter hot chocolate," sabi ko ng nakangiti pero nang napansin ang pagkunot ng kanyang noo ay muli akong kinabahan. "Is this an alcoholic beverage?" tanong niya nagtataka. Tumango ako. Mukha nga naman kasing isang normal na hot chocolate lang ang ginawa ko sa kanya na nilagyan lang ng whipped cream sa ibabaw para magsilbing dekorasyon. "Yep. It looks like a regular hot chocolate, but it is not. I mixed it with peanut butter whiskey." Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "I had no idea there was a drink called peanut butter whiskey," aniya na tinawanan ko lang. Umiling-iling ako habang natatawa. Hindi ko akalain na nakaka-turn-on pala ang mga lalaking walang masyadong alam pagdating sa alak. O baka ako lang ang ganito? Wala lang, ang cute lang. "Subukan mo na," nakangiting sabi ko nilalahad sa kanya ang inuming ginawa. Most of the time confident ako na magugustuhan ng customer ko ang mga ginagawa kong inumin para sa kanila pero ngayon hindi ko alam kung bakit medyo kabado ako… Parang bigla akong nawalan ng tiwala sa sarili ko. Masyado akong nag-aalala na baka hindi niya magustuhan ang gawa ko at hindi na siya bumalik dito. Halos mapapikit at mapadasal pa ako habang pinapanood siyang tinitikman ang gawa ko. Nang ilapag niyang muli ang baso pagkatapos itong matikman ay tinitigan kong maigi ang kanyang mukha, pilit binabasa ang kanyang ekspresyon. Nagustuhan niya ba? Walang bakas ng kahit anong ekspresyon ang kanyang mukha kaya mas lalo akong kinabahan, baka hindi niya nagustuhan? Pero nang dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad akong nakahinga ng maluwag. "It's good. Masarap…" aniya mukha namang sincere at hindi lang basta napipilitan. Uminit ang pisngi ko. Madalas naman akong nababati ng ibang mga nagiging customer ko pero ngayon lang yata ako kinilig ng ganito. Natutuwa ako s'yempre kapag may pumupuri sa tinitimpla ko pero iba 'yong tuwa ko ngayon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD