004

2026 Words
Kabanata 4 A L E X A "Ibig sabihin ba nito, may posibilidad na bumalik ka pa… tomorrow maybe?" Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang mga labi, pinilig ang ulo sa kabilang direksyon para maitago ang sumisilay na ngiti. Hindi ko na din tuloy napigilan ang pag-usbong ng ngiti sa sarili kong mga labi. Bakit ba kahit anong gawin niya ay laging nakakaaya para sa akin? Nang muli siyang bumaling sa akin ay mataman niya akong tinitigan. "Hmm, what makes you think I won't come back?” aniya. “May I know?" Nagsalin ako ng alak sa isa pang baso para sa order ng isang customer pero habang ginagawa ko 'yon ay sinagot ko ang tanong niya. "Baka lang nakukulitan ka na sa akin," sabi ko. Nilapag ko ang order ng customer sa isang tray at agad namang kinuha iyon ng kasamahan ko para ihatid sa lamesa ng customer na umorder. Nakuha pa nitong sumulyap sa kausap ko bago tuluyang umalis. Napakibit balikat na lang ako. "How old are you again?" Kuryoso niya akong tinitigan. "Twenty five," sabi ko at muling nagsalin ng iba namang klaseng alak sa baso. Hindi ko na siya nilingon habang ginagawa ko ang order ng isang grupo. Nang natapos lang ako sa ginagawa ko ay saka lamang ako nakabaling muli sa kanya. Naabutan ko ang matamang titig niya sa akin na para bang kanina niya pa ako pinagmamasdang mabuti. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumakas ang tahip ng puso ko nang maabutan siyang titig na titig sa akin. Imbes na ipahalata sa kanya ang pagkailang ko ay dinaan ko na lamang iyon sa pagtawa at pagbibiro. "Baka naman matunaw na ako n'yan." Humalakhak ako. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang ekspresyon. Tila hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig sa akin kung hindi pa ako magsasalita at kung hindi ko pa sasabihin iyon. "I'm sorry… Medyo hindi lang ako makapaniwala sa edad mo. You look like a child to me,” aniya ngunit agad na may idinugtong. “No offense intended.” Umiling siya. Nagulat ako. Hindi ko inasahan na sasabihin niya iyon. Mula nang magtrabaho ako dito, kahit kailan walang nakapansin ng edad ko. Dahil siguro maagang nag-mature hindi lang ang isip ko kundi pati na din ang katawan ko. Madaming nagsasabi sa akin na maaga daw akong nagdalaga at sinamantala ko iyon para makapagtrabaho ng walang kumikwestyon sa aking edad. At sa tagal ko na din dito sa trabahong ito, ngayon lang talaga may nakapansin sa edad ko o ngayon lang may customer na nagduda sa edad na ibinigay ko. Mukhang marunong kumilatis o sumuri ng tao ang lalaking ito… Imbes na magpahalata ay tinawanan ko na lang ang sinabi niyang iyon. "Hindi din naman halata sa'yo na nasa thirty something ka na," sabi ko para lang maibalin sa kanya ang usapan. Nagkibit balikat lang siya, hindi na nagkumento sa sinabi kong 'yon. Lumunok ako at muling nag-isip ng pwedeng mapag-usapan naming dalawa. Ano ba ito! Parang ako pa ang dumidiskarte para makaausap siya. Buti na lang pogi ka… "So kumusta kayo ng ex-wife mo? Hindi na ba talaga pwedeng maayos pa?" "Let's not talk about my personal life." Curious lang naman. Baka mamaya mahulog na nga ako sa lalaking ito tapos may sabit naman pala. Teka nga muna… Bakit ko ba iniisip ito? Masyado pang maaga para isipin kong mahuhulog ako sa lalaking ito gayong kakakilala lang namin. Hindi pala… Hindi pa nga pala kami nakakapagpakilala sa isat-isa. Ayoko namang maunang magtanong ng pangalan. Baka mamaya ayaw din niyang ibigay ang pangalan niya. Mapahiya lang ako. Saka baka kapag nagkakilala na kami baka mas lalo siyang hindi magkwento sa akin nito. Lalo kaming walang mapag-usapan. "Hmm, sige. Ano na lang ang tipo mo sa babae?" Agad na umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Kinagat ko ang labi ko at mataman siyang tinitigan, naghihintay ng sagot mula sa kanya. Ngunit habang nakatitig sa kanya mas lalo ko lang napapansin ang kagwapuhan niya. Mukha pang malinis at mabango. "Bakit mo tinatanong 'yan?" "Hmm, bakit nga ba sa tingin mo?" tila naghahamon na tanong ko, may bakas ng ngisi sa mga labi. Lumunok siya at binasa ang labi ng dila. "Are you flirting with me?" Umiling ako. "Oh, no. Please, do not misinterpret my friendliness for flirting,” sinabi ko ‘yon ng nakangisi kaya mas lalong nagmukhang hindi seryoso. Muling sumugat ang ngiti sa kanyang mga labi. Napakagat ako sa labi ko. "So… ano ngang type mo?" pangungulit ko. "Bakit muna gusto mong malaman? You aren't being friendly. You're curious." Tumawa ako at tiningnan ang ginawa kong inumin para sa kanya. Mukhang nagustuhan niya nga talaga iyon dahil halos maubos na niya agad ito. Buti naman… "Fine, I'm interested. Bawal ba?" Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang loob kong magsalita ng ganito gayong hindi naman ako expert pagdating sa ganito. Ni hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kahit kailan at hindi pa din nasubukang makipag fling. Masyado kasi akong busy maghanap buhay kaya hindi ko naiisip ang mga ganyang bagay. "Nasabi ko naman na sa'yong kinasal na ako at thirty four na ako, di ba? Ikaw, bata ka pa. Marami ka pang lalaking makikilala d'yan." Lalong lumaki ang ngisi ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang natutuwa ako sa mga lumalabas na salita sa bibig ng lalaking ito. Kahit parang tinataboy niya ako. "Sinabi ko lang na interested ako ganyan na agad ang sinabi mo. Bakit sa tingin mo ba magpapakasal agad ako sa'yo?" Tumawa ako. Natigilan siya pero nang mapagtanto ang sinabi ko ay natawa na lang din. "Oo naaalala ko pa naman na sinabi mong kinasal ka na at na thirty-four ka. And so? Bata pa naman ang thirty four and sabi mo hiwalay naman na kayo, di ba? Kaya anong problema doon? Isa pa… Wala naman akong sinabi na gusto kitang gawing boyfriend o asawa. Interesado lang ako dahil gusto kitang makilala." Sumimsim siya sa inumin niya at ng naubos ay muling humingi ng iba namang inumin. Binigyan ko siya ng beer. Hindi maalis-alis ang manghang ngiti sa mga labi ko. "I'm sorry. Hindi lang ako sanay sa ganito. Isa lang ang naging girlfriend ko, iyon ang ex-wife ko. Kaya wala akong alam sa mga ganitong bagay…" Namilog ang mga mata ko. Thirty four na siya pero hindi pa siya nakaranas lumandi? Iyong una at huling nilandi niya sineryoso niya agad at pinakasalan… Kaya hindi din maituturing na flirting iyon. Wow! Ang swerte naman ng babaeng 'yon. Hindi ko alam na may lalaki pa palang tulad ng isang ito. Mas lalo lang tuloy akong humanga sa kanya. Ang gwapo na. Good boy at hindi pa babaero. Lalo tuloy siyang gumagwapo sa paningin ko. Pero bakit naman kaya sila nagkahiwalay ng asawa niya kung almost perfect na pala siya? Ni hindi na ako nag-abalang itago ang pagkamangha sa ekspresyon ko habang tinititigan ko siya. Ang sarap niya lang lalong titigan pagkatapos matuklasan ang mga bagay na iyon. Lalo siyang gumwapo. Nakakagwapo talaga sa lalaki ang attitude at pagiging good boy. "So you have no idea how to flirt?" Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. "I thought you said you weren't flirting with me," nagtataka niyang sabi. Napawi ang ngisi ko. Damn it! Hirap namang makipaglandian sa lalaking ito. Ang tulis ng memorya. "Hmm, doon na din naman papunta 'yon.” "So you want to flirt with me?" Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Ikaw… Kung gusto mo din. Kung ayaw mo, hindi ko pipilitin. Masyado akong maganda para ipagpilitan ang sarili ko sa isang lalaki,” may pagmamalaking sabi ko. Napangisi siya. Hindi na iyong ngisi na pilit niya pang tinatago tulad ng mga nauna niyang ngiti kanina. Ngayon tila kumportable na siyang ngumiti. "Right… Maganda ka nga," aniya at matamang tumitig sa akin. Parang tambol na kumalabog naman ng malakas ang lintik na puso ko. Ang OA lang magreact para namang sa buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan ng ganoon kung makapag-react itong puso ko. Pero iba kasi ang pakiramdam kapag sa taong nagugustuhan mo nanggaling ang papuri. Oo na, inaamin ko na. Attracted ako sa lalaking ito. Hindi lang attracted, sobrang attracted. Ngayon lang yata ako nagkaganito sa isang lalaki sa buong buhay ko. Ang lala, pangalawang beses ko pa lang siya nakikita, ganito na agad ang nararamdaman ko sa kanya. Langya! "At hindi ka pa marunong mag flirt niyan?" sabi ko. "What?" Lito niyang tanong. Nagkibit balikat lang ako. "Kapag ba nagsasabi ng totoo, flirt na agad? Hindi ko ba pwedeng purihin kapag nagandahan?" Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Nakakainis naman 'tong lalaking ito. Ang galing magpakilig sa mga simpleng sinasabi. Kahit yata hindi siya marunong makipag flirt tulad ng sinasabi niya, nakakapagpakilig pa din siya ng mga babae. Pwede pala iyon. Pwede palang magpakilig ng hindi naglalandi? Siya lang yata ang nakakagawa noon. O sadyang malakas lang ang tama ko sa lalaking ito? "Okay, I get it. Ayaw mo sa flirting. Masyado ka sigurong mabait para doon." "Yes, honestly, I don't like flirting. Why don't we begin by getting to know each other?" Napataas ang kilay ko. "Paano? Akala ko ba ayaw mong tinatanong kita ng personal na tanong?" "Hmm, pwede naman. Huwag lang tungkol sa problema ko." Problema… "So, hanggang ngayon kaya ka nandito pinoproblema mo pa din ang ex-wife mo? Hindi mo makalimutan? Matagal na ba kayong hiwalay?" "I told you… Ayoko siyang pag-usapan,” aniya, umiling. "Okay. So… Anong gusto mong malaman sa akin?" Nagkibit balikat siya. "I don't know. Anything…" Tumaas ang kilay ko. "Pag nagkwento ako ng tungkol sa sarili ko, magkukwento ka din ba?" Tumango siya. "Huwag lang tungkol sa problema,” ulit niya sa sinabi kanina. Ngumiti ako at sumang-ayon. Ayoko din namang ikwento sa kanya ang tungkol sa problema ko pero kung ikukwento ko sa kanya ang buhay ko parang ganoon na din naman iyon dahil puro problema lang naman ang meron ako. Walang katapusang problema. "Sigurado ka ba? Baka tamarin ka kapag nagsimula na akong magkwento." "Bakit hindi mo subukan?" "Masyadong madrama ang buhay ko. Tatamarin ka lang." Tumawa ako. Siguro iniisip niyang ang weird ko kasi ang drama na nga ng buhay ko tumatawa pa ako dito. "Tingnan na lang natin." "Sigurado ka ba?" Paninigurado ko dahil ang lakas ng pakiramdam ko na aantukin lang siya kapag nagsimula akong magkwento. Hindi siya sumagot tiningnan niya lang ako sa seryosong ekspresyon. Na para bang ipinaparating niya sa aking seryoso nga siya na gusto niyang marinig ang kwento ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magkwento sa kanya kung ang mismong pangalan nga lang niya hindi ko pa alam. "Hmm, paano ako magkukwento, ni hindi ko pa nga alam kung anong pangalan mo. Hindi mo pa din alam kung anong pangalan ko." "Alexa," aniya. Halos kilabutan ako sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. May kung ano sa kanya ng sabihin iyon, hindi ko lang alam kung ano. Tumaas ang kilay ko. Napatingin siya sa bandang dibdib ko kung saan nakalagay ang nameplate. Doon ko lang naintindihan na nalaman niya ang pangalan ko dahil sa suot kong nameplate. "Liam," aniya sabay abot ng kanyang kamay na animo'y pormal na nakikipagkilala. Muling tumaas ang kilay ko at bahagyang napangisi. Imbes na tanggapin ang pakikipagkamay niya, tumingkayad ako at humilig palapit sa kanya. Binigyan ko siya ng isang damping halik sa pisngi. Naramdaman ko ang bahagyang paninigas niya sa kanyang kinauupuan. Sinikap kong huwag matawa sa naging reaksyon niya. Lumayo ako sa kanya at umayos ng pagkakatayo. May dumating na order kaya iyon muna ang pinagtuunan ko ng pansin. Mabilis kong tinapos ang order ng isang customer bago ako muling bumaling kay… Liam. Seryosong nakatitig pa din siya sa akin, bahagyang nakaawang ang mga labi na tila ba namamangha pa din sa ginawa ko. What? Huwag mong sabihin na halik lang sa pisngi ay tiklop na siya? Sigurado akong hindi naman na siya virgin at nahalikan na siya sa pisngi kaya bakit ganito na lang ang reaksyon niya ngayon? Tila inagawan ng first kiss… Paano pa kaya kung sa labi ko siya hinalikan? Baka forever na siyang natulala sa ganda ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD