Kabanata 25 A L E X A “Kung hindi si Gabriel, sino pala?” Umiling ako at hindi sinagot ang tanong na iyon ni Leanne. Mas maganda kung saka na ako magkukwento sa kanya kapag kami na ni Liam. Huwag na muna siguro ngayon at baka mausog pa. Hindi ako naniniwala sa mga usog-usog na ‘yan pero wala din namang masama kung susunod ako. Saka ayokong husgahan niya agad si Liam nang hindi niya pa ito nakikilala. “Ayaw mo talaga kay Gab? He’s gwapo and smart naman, ah? Mabait pa.” Umirap ako. “Kaibigan nga lang ang tingin ko sa kanya.” “Bakit may nagsabi sa akin na napapadalas ang paghatid niya sa’yo sa bar. Saka madalas daw kayong kumain sa labas?” “Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ‘yang mga balitang ‘yan pero ako na mismo nagsasabi sa’yo. Walang namamagitan sa amin ni Gab dahil kaibigan la

