Kabanata 24 A L E X A “Hindi mo kailangang patunayan pa ang sarili mo dahil nakahanda akong tanggapin ka ngayon. I want to be your girlfriend, Liam.” Nagliwanag ang kanyang mga mata sa sinabi ko ngunit agad din siyang umiling na para bang hindi sang-ayon sa naging sagot ko. “No, let me make things right this time. I want to formally court you,” aniya sa malumanay na paraan. “But you don’t have to. Gusto din kita kaya hindi mo na kailangan pang manligaw. Wala ka ng dapat pang patunayan. Tanggap ko kung sino ka at gustong-gusto kita. Hindi mo na kailangan pang manligaw. Aksaya lang ‘yan sa oras. Gusto na kita kaya bakit kailangan mo pang manligaw? It doesn’t make any sense.” Pumikit siya ng mariin at hinawakan ang palad ko. “Please allow me to court you. This time, I want to do the ri

