Kabanata 23 A L E X A “Where's your boyfriend when you need him?” There was a hint of bitterness in his question. Natigilan ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya naitanong iyon. Hindi ko din alam kung bakit iniisip niyang may boyfriend ako pero kung tama ang pagkakaalala ko, iyong magkasama kami ni Gabriel ang huling pagkikita namin bago ito. Hindi ako nagsalita at hinayaan na lamang siyang isipin ang kahit ano. Mas mabuti pa nga siguro na maisip niyang may relasyon kami ni Gabriel para hindi niya isipin na malalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong makonsensya pa siya. Nang hindi ako sumagot ay malalim na napabuntong hininga siya sa tabi ko. Narito pa din kami sa sasakyan niya. “Ihahatid na kita pauwi,” aniya na agad kong inilingan. “Hindi na. Kaya ko na ito. Sala

