Kabanata 15 A L E X A Sa mga sumunod na gabi ay hindi ko na ulit nakita si Liam, hindi na siya bumibisita sa bar. Siguro nga ay natakot dahil sa ginawa ko noong huling pagkikita namin. Akala niya siguro maghahabol ako sa kanya at mag de-demand ng label, hindi naman ako ganoong klaseng babae kahit pa nasa kanya na ang lahat. Hinding-hindi ako maghahabol para lang sa isang lalaki. Marami pa akong problema sa buhay na dapat unahin at atupagin, hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko sa paghahabol sa isang lalaki. “Bakit ba wala ka lagi sa mood kapag niyayaya kita? Hindi ka naman ganyan. Ayaw mo na siguro akong maging kaibigan, ano?” Ngumiwi ako at napahalukipkip. Hindi ko alam kung bakit ganoon agad ang iniisip niya, samantalang ngayon lang naman ako tumanggi sa pag-aaya niya. Wala kasi tala

